Kabanata 49

1 0 0
                                    

Tumakbo si Tenho papunta sa west palace, pero wala na siyang naabutan, nakita niya ang cellphone niya sa mesa ng prinsesa. Wala na siya roon. Buong gabi at magdamag siyang nagtrabaho, at walang naabutan sa kanya.

Palabas na sana siya nang makita niya si Bernard na mukhang nagmamadaling lumapit.

"Prince Tenho may pakiusap sana ako" sabi nito

"Wag ngayon, kailangan kong makahanap ng paraan para makausap si Rosalie" sagot niya

"Tulungan niyo po ang prinsesa" sabi ni Bernard at nagpatigil kay Tenho sa pagmamadali

"Anung ibig mong sabihin?" Tanung ni Tenho

"Hindi isang linggong bakasyon ang gagawin ng prinsesa, nagbabalak si Lady Carina na ilayo siya sa bansa, kailangan niyo po siyang pigilan" 

Nagulat si Tenho saka lumakad palapit.

"Sa mga ebedinsiya wala nang pag asang makakaligtas ang prinsesa sa paratang sa kanya, kapag nangyari na mawalan na siya ng katungkulan muli, ilalayo siya, at alam kung gagawin nila yun" dagdag ni Bernard

"Si Lady Carina? Hindi niya yun magagawa" sabi ni Tenho

"Yun po ang akala ninyo, pero hindi niyo po kilala si Lady Carina, at sigurado akong gagawin niya ito, pigilan niyo po siya" paki usap ni Bernard

"Bakit siya umalis ng maaga?" Tanung ni Tenho

"Masama ang kotob ko rito, dahil hindi ko alam kung gagawin nila talaga ito" sambit ni Bernard

Dinukot ni Tenho ang cellphone sa bulsa niya saka sinubukang tawagan si Rosalie, maging si Isabelle pero walang sumagot.

"Paano ko sila mapipigilan, hindi rin naman ako pwedeng lumabas" sambit ni Tenho

"Kamahalan, aalamin ko kung anu ang nangyayari sa kanya, at ipapaalam sayo, para mapigilin ang anumang pag alis nila" wika ni Bernard

"Anu ba kasi ang nangyayari? Bakit ganun bigla ang desisyon ng hari? Ang buong akala ko ay hindi siya maaring lumabas?" Tanung ni Tenho at saka muling tinawagan si Rosalie

"Ang totoo kamahalan, si Prime Minister Alfred ay nakausap ng hari bago napauwi ang prinsesa sa kanila" wika ni Bernard.
"Kamahalan, kailangan niyo pong iligtas ang Prinsesa, sa lingo na ang huling hatol" dagdag niya

"Ginagawa namin ang lahat___ upang malinis narin ang pangalan ko" wika ni Tenho,
"Pumunta ka na doon kina Rosalie para alamin kung anu ang nangyayari" wika niya at saka umalis

Pinanood siya ni Bernard habang paalis ito. Matapos noon ay inutusan ang mga bantay na bumalik na sa normal na pwesto, pero bago siya pumunta kina Rosalie, pinuntahan niya muna si Alyana.

"Alyana" wika niya at mabilis na pumasok ito sa kinaroroonan nito

Tinignan siya nito at saka sinara ang binabasa.
"Bakit? ___ may hatol na ba?" Tanung niya at saka masamang ngumiti

"Alam kong ikaw ang may kagagawan ng lahat" derektang sinabi nito

"Alam mo naman pala tinatanung mo pa"

"Paano mo ito nagawa?____ kay Rosalie?" Galit na sabi ni Bernard

Hindi sumagot si Alyana at saka inikot lamang ang mata nito

"Maari mo pang maitama ang lahat, bago mabaliktad ang mga pangyayari" mahinang sambit nito

"Bakit Bernard, isusumbong mo ako?" Tumawa siya ng malakas,
"At sa tingin mo maniniwala sila sa iyo? Walang maniniwala sayo kahit isigaw mo pa, ang kailangan ngayon ay ebedensiya"

Royal Criminal HeartsWhere stories live. Discover now