Kabanata 10

0 0 0
                                    

Nakatayo si Alyana kaharap ng maraming mga gawain na dapat niyang tapusin. Pumasok si Alice ang kanyang punong tagasilbi.

"Kamahalan... nagbalik na po ang  Crown Prince" sabi ni Alice

"Nasaan siya?"

"Nasa opisina po niya, kamahalan"

Tumayo siya saka lumabas at nagtungo sa opisina ni Marco.

"Saan ka nanpunta...?" Maingat niyang tinanong

"Naglakad lakad lang ako sandali"

"Wala ang Prinsesa buong araw"

Tinignan siya ni Marco, saka binasa ang nasa isip.

"Anu nanaman ang iniisip mo Alyana... huwag mong sasabihin na..."

"Wala akong sinasabi..."

"Anu ba talaga ang tingin mo sa akin?" Medyo nagagalit na boses

"Nakita ko ang singsing sa silid niya... binigay mo ba?"

"Sa kanya yun.. Alyana kaya huwag kang mag isip ng kung anu anu.... isa pa wala akong ginagawang masama hindi katulad ng iba"

"Anung nais mong sabihin?" Emosyonal nitong sinabi

"Wala..." mahina nitong sinabi

"Hanggang ngayon wala kang tiwala sa akin... hindi ka parin ba naniniwala na walang nangyari" luhaang sinabi ni Alyana

"Kung walang masamang nangyari... bakit kailangan niyong magsinungaling na lumang larawan yun!" Galit na ni Marco

"Dahil ayaw kong magkaroon ng masamang isyu" sagot ng asawa
"Nang gabing yun... akala mo ba hindi ko alam na pumunta ka sa bahay ni Rosalie... dahil ang alam mo umuwi siya... sinundan kita...  ang sama ng loob ko ng mga sandaling yun... kaya sinundan ako ni Tenho para pagaanin ang loob ko bilang isang kaibigang nagmamalasakit" paliwanag ni Alyana

"Hindi ko alam... wala na akong pagtingin sa sarili ko ngayun Alyana... dahil pakiramdam ko..."

"Tama na Marco" sabi niya at lumabas saka nagtungo sa silid niya at humagulhol.

Naiwan si Marco na galit sa sarili at sa lahat ng nasa paligid niya, mas lalo pa nang pumasok si Tenho sa kinaroroonan niya.

"Kuya.." magalang niyang sinabi

"Hindi ngayon Tenho... "

"Nandito ako upang maki usap"

"Mamaya na pagkatapos ng hapunan"

"Nais kong tulungan mo si Rosalie..."

Tumigil si Marco at tumingin sa kanya

"Bakit?"

"May kapangyarihan ka para palabasin siya dito sa palasyo... kaarawan ng mama niya bukas... at may party sa kanila mamayang gabi... payagan mo siyang pumunta roon"

Mukhang nag-isip siya bago nagsalita

"Nais ko man na gawin... pero may patakaran ang lahat... kaya hindi ko magagawa... pasensya na...subukan mo sina mama at papa"

"Hindi mo ba talaga ito magagawa?"

"Hindi... isa pa kung papayag ako.. kailangan pa rin ng pag sang ayon mula sa hari... " paliwanag ni Marco

Biglang may narinig silang kumakalat na mahimbing na musika sa paligid gamit ang piano.

"Someone is leaving... si Rosalie yan... yan ang paborito niyang tinutugtug" sambit ni Marco

Tahimik lang si Tenho at mariing pinapakinggan ang lahat.

"Alam mo bang ang mga musikang tinutugtug niya ay nakpagdadala ng lungkot sa mga puso" sabi ni Marco

Mula naman sa silid ni Alyana ay nakilala niya agad ang tug tug. Alam niyang si Rosalie ang tumytugtug nito.

Ang hari at reyna ay kasalukuyan ding nasa opisina nila at narinig din ito.

Ang piano ay naka gitna sa mga opisina ng mga royals kaya madali itong marinig.

Humalimuyak ang musika ng ilang minuto. Bago ito natapos. Nagdilim na ang gabi at ang lahat ay matatapos ulit ang isang buong araw.

Nakatayo si Tenho sa silid niya kita ang buong labas. At nalulungkot siya, dahil alam niyang nalulungkot ang asawa sa hindi pagpunta sa party ng mama niya. At hindi siya pinayagan ng hari.
Pumunta siya sa silid ni Rosalie pero wala ito, kaya hinanap niya si Isabelle.

"Nasaaan si Rosalie?"

"Kamahalan... wala po ba siya sa silid niy" sabi nito

Nakita ni Tenho na mukhang ninerbiyos si Isabelle

"Isabelle... kilala kita... hindi ka marunong magsinungaling... nasaan siya?"

Matagal na natahimik si Isabelle bago nagsalita.
"Tumakas po siya kamahalan"

Nagulat si Tenho sa sinabi.

"P..paano siya nakatakas?"

"Umalis po siya gamit ng isa sa mga damit ko para makalabas sa gate kamahalan... patawad.."

Hindi na nagsalita si Tenho at tumakbo palabas ng palasyo. Alam niyang sa bahay nila pupunta si Rosalie.

Nakita niya na sarado ang main gate at may mga bantay na ito. Pero sinubukan niyang lumabas pero kahit anung gawin niya hindi siya pinalabas. Walang ibang pwedeng daanin palabas ng palasyo. Hindi niya pwedeng kausapin ang sinuman sa loob dahil baka malaman nila ito.

Samantalang nasa bahay na nila si Rosalie. At binati niya ang mama niya. Napaniwala niya na pinayagan siya na lumabas ngayung gabi lang.

Madaling araw ng siya ay bumalik sa palasyo, dahil sa dala niyang ID ni Isabelle ay nakapasok siya. Pagpasok niya nakita niya si Tenho sa main door ng kastilo na nakaupo.

"Tenho... anung ginagawa mo rito?" Tanung niya

Tumayo si Tenho at saka hinila ito papasok at dinala sa silid niya

"Baliw ka ba... alam mo ba tong ginawa mo?" Galit niyang sinabi

"Kasi hindi ko..."

"Lahat ng tao sa palasyo ay madadamay at mapapahamak dito... hindi mo lang ba naisip yun?"

Tahimik lang siya.
"Dahil ba hindi ka pinayagan?" Tanung ni Tenho

"Bakit Tenho... bakit hindi ako pwedeng lumabas... BAKIT!!"

"Dahil prinsesa ka na... naiintindihan mo ba yun... dapat mong alamin na hanggang dito maging sa paghinga mo may batas..."

"Hindi ko nakalimutan yun... pero bayaan mo na ako..."

"Kung ganun ikaw na ang bahala sa sarili mo.... huwag mong sisihin ang iba... umayos ka" sabi ni Tenho ay saka umalis

Naiwan niya ang asawang galit at mag isa. Sa parehong kinatatayuan siya inabot ng umaga.

Halos isang oras na siyang nakatayo roon. Umaga na ng pumasok si Isabelle.

"Kamahalan... salamat at nagbalik ka na" sabi nito

"Mag ayos na po kayo... " sabi niya ulit

Nagbabad siya sa tubig nang matagal. Bago siya nag ayos. At nagpunta sa opisina niya. Naupo siya roon ng hindi kumain para sa agahan. Kaharap niya ang binabasa pero hindi niya ito tinititigan.

Ilang oras ang lumipas pinatawag siya sa royal sala. Nang makarating siya roon nan doon ang Hari, si Marco ar Alyana.

Gumalang siya at saka naupo.

"Pinatawag niyo po ako kamahalan?" Magalang niyang sinabi

"Oo.. naniniwala ako na pinag aaralan mo na ang mga tungkulin mo at mga bagay na dapat mong malaman... tama ba?" Tanung ng hari

"Opo kamahalan... nabasa ko na po ang mga aklat na pinadala sa silid at opisina ko" sagot niya

"Mahal na Prinsesa... tandaan mo iba na ang buhay mo ngayon" sabi ng hari.

Uminom ito ng tsaa at ibinaba ang tasa.

"Nasaan ka kagabi?" Diretso at biglang tanung niya

Royal Criminal HeartsWhere stories live. Discover now