"Nasaan si Rosalie?" Tanung ni Alfred kay Isabelle habang nakasalubong niya ito sa pasilyo.
"Nasa silid po niya" sagot nito
Naglakad si Alfred at sinundan siya ni Isabelle. Binuksan ni Isabelle ang pinto at sila ay pumasok, siya ay nakaupo sa sofa at nagbabasa.
"Papa" sabi niya at tumayo saka bumati
"Narinig mo ba ang hatol?" Tuwiran nitong sinabi
"Hindi pa po" mahina niyang sagot
"Si Marco ay ibinaba bilang prinsepe at hindi tagapagmana, si Alyana naman ay tinggalan ng titulo" bahagi niya
"Kung ganun nagtagumpay po kayo" insulto naman ni Rosalie
"Hindi yan ang pinunta ko rito--- dahil sa tingin ko masmalaking bato ang tumama sayo---"
"Anung ibig mong sabihin papa?"
"Si Troy ay hindi binago ang katayuan, at siya ay may karapatan paring maupo sa trono--- higit sa lahat--- hindi itinalaga ng Hari si Tenho bilang crown prince--- talong talo ka na---"
"Hindi po ako--- isa pa, karapatan lang talaga ni Troy na maupo papa" wika niya
"Nakikita mo ba ang sarili mo ngayon? Wala ka nang anumang katungkulan sa palasyo sabihin mo anu ba ang meron sayo ngayon?" Galit na sabi ng papa niya
"Ako ay walang wala na papa--- at wala narin akong laban--- kaya hindi na ako lalaban" sabi niya
"Isa itong pagiging makasarili Rosalie!!!!"
"Para sa kasakiman mo--- pero ngayon hindi ko na gagawin ang anuman--- masyadong marami ang nasaktan dahil sa yo papa--- kaya paki usap tumigil ka na" sagot niya sa papa niya
Pumasok si Tenho kasama si Bernard. Sa mga sandaling yun pumatak ang luha ni Rosalie.
"Mula pa noon wala na po akong laban kay Alyana papa--- pero lagi niyo po akong pinagpipilitan--- dahil noon pa man talong talo na po ako--- siya po ang babae noong elementarya papa--- naiintindihan niyo po ba?" Galit niyang sabi
Mukhang nagulat si Alfred doon,
"Anu ba ang pinag sasabi mo?"
"Patayin man siya ng hatol--- hindi parin ako nagtatagumpay sa laban namin--- dahil ngayon ko lang napagtanto kung gaano siya mas nakakangat sa akin, sa lahat ng larangan" sabi niya
At napahawak sa ulo, lumapit si Tenho ng makitang mukhang namumutla si Rosalie.
"Umalis na po kayo, papa" wika ni Tenho kay Alfred, at saka nilapitan si Rosalie at inalalayan na umupo
"Paki usap po-- umalis na po kayo, at huwag niyo na siyang guluhin lalo na sa kalagayan niya" utos nito,
Galit man ay walang magawa si Alfred kundi lumabas.
Umupo si Tenho sa tabi ng asawa at pinunasan ang luha nito,
"Kumuha ka ng mainit na tubig, para inumin niya" utus nito kay Isabelle"Opo kamahalan" sagot ni Isabelle at lumabas
Nakasandal si Rosalie sa sofa at nakapikit, "magiging maayos din ang lahat" bulong ni Tenho sa kanya
Dumilat si Rosalie at tumingin sa kanya,
"Patawad tungkol kanina--- pero gusto kong malaman mo na naniniwala ako sayo" sabi niya ng mahina.Tumango lang si Tenho, saka pumasok si Isabelle at inilapag ang tray sa mesa, kinuha ni Tenho ang baso ng tubig saka pinainum sa asawa,
"Magpahinga ka na---" muli niyang sabi
YOU ARE READING
Royal Criminal Hearts
RomanceAfter her engagement to the prince was broken, she was then proposed to marry the second prince. This marriage changed her life and her all. She was then trapped in a place where their is too much competition not only in throne but also in heart...