Lumabas si Isabelle at nagtungo sa opisina ng Reyna, yumuko ito at napakaseryoso ng mukha.
"Paumanhin kamahalan" mahina niyang sabi
"Bakit? Anung problema?" Tanung ng Reyna
"Nag aalala po ako para sa prinsesa, hindi po niya tinatanggap ang mga pagkain o tubig man lang, lagi po siyang nag iisip___ kamahalan, maari niyo po bang gawan ng paraan na makita niya at makausap si Prince Tenho, labis po siyang naguguluhan at natatakot" paki usap nito
Huminga ng malalim ang reyna, saka niya tinignan si Isabelle
"Sana ay may magagawa ako, pero pinagbawal ng hari ang anuman tungkol sa kaso ng walang pahintulot sa kanya, siya lang ang makakapagpahintulot dito, wala akong magagawa para sa kanya, nasubukan ko nang kinausap ang hari, pero hanggang ngayon ay galit siya, maging si Alyana ay nakakulong narin doon, hindi ko na alam kung paano ito" sabi ng reyna"Kamahalan, wala na po ba talagang ibang paraan?" Muli niyang sabi
"Susubukan ko muling makiusap sa hari___ pero ngayon bumalik ka na doon, at alagaan mo siya lalo na sa kondisyon niya, pilitin mo siyang kumain kahit konti lang, ako na ang gagawa ng paraan" sambit ng reyna,
Yumuko si Isabelle at nagbigay galang saka ito umalis, at bumalik sa silid ng prinsesa, at nakasalubong niya si Tenho.
"Isabelle, kumusta ang prinsesa?" Tanung niya
"Hindi po siya maayos___ hindi po niya kinakain ang mga dinadala sa kanya ni hindi siya umiinom, gipit na gipit po siya__ naguguluhan po siya ng husto" mahinang sambit ni Isabelle
"Hindi ko alam pero kahit anung gawin ko hindi ako makapunta roon___ bakit hindi ko siya matawagan?" Tanung niya
"Ipinagbawal din po yun kamahalan, may nais po kayong ipabatid sa kanya?" Sagot ni Isabelle
Dinukot niya ang cellphone niya sa kanyang bulsa saka binigay kay Isabelle.
"Ibigay mo ito sa kanya, pumunta ka na roon, tatawagan ko siya gamit nito"Yumuko ng tahimik si Isabelle at kinuha ito. Bumalik siya sa silid, nakita niya si Rosalie na nakaupo doon. Lumapit si Isabelle at saka binigay ang Cellphone
"Nais po kayong makausap ni Prince Tenho" mahina niyang sinabi
Binigay niya ito at saka pumunta si pinto at isinara saka ito ni lock.
Saka may tumawag sa cellphone. Tinitigan siya muna ito ni Rosalie bago sinagot.
"Rosalie___ ako ito" sabi ni Tenho mula sa telepono
Pumatak ang luha ni Rosalie. At wala siyang masabi.
"Wag ka nang umiyak, hindi man tayo nagkikita nandito lang ako" muling sabi nito
Hindi sumagot si Rosalie at tahimik lang siya.
"Rosalie?_____ sige lang, hindi mo kailangang magsalita pero makinig ka, huwag mo munang ibababa"
Sinilip ni Isabelle kung may paparating at may gwardiang palapit. Isinara niya ang pinto saka tumayo malapit rito.
Kumatok ang dumating.
"Lady Isabelle, may dala po kami mula sa Reyna para sa prinsesa" sabi nito"Hmmm... ang prinsesa ay naliligo sa ngayon maari kayong bumalik mamaya" sagot niya.
Narinig niyang nag uusap ang mga ito at saka umalis. Tinignan niya si Rosalie na nakikinig kay Tenho.
"Nais kong sabihin na totoong pumunta ako doon___ para makausap siya, pero walang nangyari gaya ng sabi ng artikolo____ alam ko at naniniwala ako sayo na hindi ikaw at wala kang kinalaman dito, papatunayan namin na wala kang kasalanan, ginagawa ng lahat ni Arnel para matulungan ka____ kaya paki usap, alagaan mo ang sarili mo, para sa akin, para sa ___ anak natin____ alagaan mo siya habang wala ako diyan, paki usap Rosalie maging matatag ka____ patawarin mo ako, patawad"
YOU ARE READING
Royal Criminal Hearts
RomanceAfter her engagement to the prince was broken, she was then proposed to marry the second prince. This marriage changed her life and her all. She was then trapped in a place where their is too much competition not only in throne but also in heart...