Kabanata 21

0 0 0
                                    

Tinanghali sila ng gising, dahil mas tahimik ang mansyon kumpara sa palasyo. Hindi narin nakapasok si Isabelle para gisingin sila.

Nagising si Rosalie at wala sa tabi niya ang asawa niya, agad siyang nag ayos at lumabas ng kwarto. Nagtungo siya kung saan puno ang mga utusan. Lumapit siya at sumilip, namita niya si Tenho na nagluluto.

"Anung ginagawa mo?" Tanung niya
Lumapit si Tenho at saka ito hinalikan
"Good morning, kamahalan"

"Anung ginagawa mo?" Tanung niya ulit

"Hindi pa ba obvious nagluluto ako" sabi niya at bumalik sa pag slice ng onion.

"Halika tulungan mo ako" sabi ni Tenho

"Hindi ako marunong mag luto..." sagot niya

Pumasok sina Denver at Bernard.

"Mahal na prinsesa, maari po ba naming i check ka muna sandali" sabi ng doctor

Tumango siya at naupo, kinuha ang bp, pulse niya.
"Maayos na po kayo, kamahalan... pero kailangan niyo parin na magpahinga" sabi ni Denver

Ngumiti sa kanya si Tenho, at saka pumasok si Isabelle.

"Ipagpaumanhin po ninyo kamahalan... pero may mga royal guards mula sa palasyo kasama ang prinsipal secretary ng hari" sabi ni Isabelle

Lumabas sila at nakitang maraming mga royal guards.
Yumuko ang secretary bago nagsalita.

"Magandang umaga po kamahalan... ipinag uutus po ng Hari ng bumalik na po sa palasyo ang prinsipe" wika nito

"Hindi ako babalik na hindi kasama ang
Prisesa" matigas niyang  sinabi

"Pero kamahalan...hindi pa po pwedeng bumalik ang mahal na prinsesa sa palasyo... sa kasalukuyan kailangan niyo pong sumama sa amin pabalik" wika ulit ng secretary

"Oo...dahil hindi pa magaling ang prinsesa" biglang sabi ni Denver mula sa likuran nila

"Ang sabi mo kanina maayos na siya?" Nagtatakang tanung ni Tenho

"Maayos siya sa kasalukuyan pero hindi pa siya tuluyang gumagaling" sagot ni Denver

"Hindi ako babalik"  pagpupumilit ni Tenho

Hinawakan ni Rosalie ang braso niya at saka humarap sa kanya.
"Tenho... makinig ka sa kanila... mas mahalaga ang palasyo kay sa anumang bagay...hindi ba?" Ngumingiting sinabi niya.

"Pero paano ka rito?" Tanung niya

"Ayos lang ako...kasama ko naman sina Isabelle...isa pa babalik din ako" sagot niya

"Kailan?"

Hindi nakasagot si Rosalie.

"Kamahalan... kailangan na po nating bumalik" sabi ulit ng secretary

"Tenho... sige na huwag mo nang alalahanin ako rito" sabi ni Rosalie

Matagal na natahimik si Tenho at saka siya niyakap.
"Tatawag ako..." bulong niya

"Susunod din ako"

Pinanood siya ni Rosalie habang ito ay pumasok sa kotse.
"Mauna na po kami... kamahalan" sabi ng Secretary sa kanya.

At umalis na sila. Naiwan siya roon.

"Bumalik na po kayo sa silid ninyo" sabi ni Denver

Wala na muli siyang kapangyarihan dito sa bahay na ito. Bumalik siya roon kasama si Bernard.

"Rosalie...napabilis naman yata ang pagpapatawad mo kay Tenho... bago ang aksidente lubos ang galit mo" sabi ni Bernard habang papasok sila sa silid.

"Hindi... naisip ko lang na ito ang nais ko" maikli niyang sinagot

"Oo ba... o dahil sinabi ni Tito Alfred"
Tumigil si Rosalie sa sinabi nito

"Anung ibig mong sabihin?"

"Narinig ko kayo ni Tito na nag uusap...bago dumating dito ang prinsipe" salaysay ni Bernard

(Flashback ni Bernard)

Naglalakad siya ng umaga pabalik sa silid ni Rosalie. Nagising na ito kanina pa. Tumayo siya sa pinto nang marinig na nag uusap sina Rosalie t Alfred.

"Bakit po papa?"

"Anu man ang nararamdaman mo sa prinsepe... pag mamahal man o galit kailangan mo itong isan tabi lahat... ang mahalaga ngayon ay ang posisyon mo sa palasyo..."

"Ibig niyo pong sabihin kalimutan ko ang lahat ng ganun lang.. ganun po ba?"

"Ang ibig kong sabihin... kung kailangan magalit ay magalit... at kung kailangang mag patawad ay magpatawad... tandaan mo hindi lahat ay dapat naayon sa damdamin... huwag kang mag dedesisyon gamit ang puso"

(End of Flashback)

"Hindi sa ganun" sagot ni Rosalie

"Rosalie..hindi mo ito dapat gawin kung hindi....."

"....Bernard... ayos lang ako... napatawad ko siya dahil gusto ko... wala itong kinalaman kay papa o anuman..."
At saka siya umupo sa sofa tinignan siya ni Bernard.
"Anu na ang update sa pinapahanap ni papa sa silid ng crown princess?" Tanung niya

"Ang totoo walang alam si Tito kung anu ito.."

"Sigurado ka ba?... anu ba kasi ito at bakit labis ang pagkainteres ni papa dito?"

"Ang sabi niya... ang sobreng ito ay naglalaman ng mga papeles ng lihim ng Crown Princess"

"Tulad ng?"

"Wala akong ideya Rosalie... pero kung ganito ka interesado si tito dito... marahil isa itong napakalaking bagay..." sabi ni Bernard

"Mahigpit ang bantay ng silid... mukhang mahihirapan ang sinuman...  may plano ka na ba?"

"Wala pa... maging si Tito wala ring nasasabing Plano" sabi ni Bernard

Kumatok si Isabelle at pumasok na may hawak na  kape sa tsaa. Ipinatong niya ito sa mesa at saka naupo sa harap ni Rosalie.

"Sabihin mo...paano ba umaalis ang mga bantay ng monitor sa puwesto nila sa palasyo?" Tanung ni Bernard kay Isabelle

"Hindi sila umaalis, nagpapalit sila bawat apat na oras para mapanatiling gising sila..ibig sabihin hindi nila iniiwan ang monitor at command section" paliwanag ni Isabelle

"Kung sa mga pagdiriwang..may pagbabago ba?" Tanung ni Rosalie

"Wala ring nagbabago..anu man ang mangyari.... yun ang sinusunod... ang royal guards ay nahahati sa dalawa ang mga bantay na nasa monitor at ang mga gwardia na nasa loob ng palasyo, ang mga bantay na sumasama sa royal family" paliwanag ni Isabelle

"Kanino ba nanggagaling ang lahat ng utos na sinusunod ng mga gwardia?" Tanung ni Bernard

"Ang pinakamataas ng panggalingan ng utos ay ang hari, bago ang head ang internal security... ang mga utos ay direktang nanggagaling sa head at mag uutus lamang ang hari kung kailangan" sabi ni Isabelle

"Pero ang mga commander ng Guards ng Royal Family ay hindi tumatanggap ng utos mula sa head tama ba?" Tanung ulit ni Bernard

"Oo.. tulad mo... ang utos ay nanggagaling sa pinagsisilbihan mo..hindi sa head" sagot ni Isabelle

"Sino ang Royal Commander ng Crown Princess?" Tanung ni Rosalie

"Si Jonson Thales.." sagot ni Isabelle.
"Si Jonson ay dating mula sa Internal Security, na hinirang ng Crown Princess mismo" dagdag niya

Napaisip si Rosalie ng matagal at tumayo saka paikot ikot na lumakad.

"Kailangan ko ng malaking eksena... upang makontrol ko ang royal commander ng Crown Princess at makuha ang kapangyarihan ng Head of Security" sabi niya at tumawa

"Anu ang iniisip mo?" Nagtatakang tanung ni Bernard

"Mag iisip pa ako" sabi niya at tumawa
"Dahil sa ngayon wala pa akong sapat na kapangyarihan na magbigay ng utos para sa head ng security... pero maari ko siyang utusan gamit ang hari.... "

Nagtinginan sina Bernard at Isabelle na hindi alam kong anu ang iniisip nito.

Royal Criminal HeartsWhere stories live. Discover now