Kabanata 25

0 0 0
                                    

"Magandang umaga po kamahalan" pagbati at paggising ni Isabelle sa parang tulog na prinsesa.

Inilapag nito ang tray sa mesa malapit sa kama, habang ang nga mata ng prinsesa ay nagbubukas pa.

"Ang....aga mo namang gumising" biro pa niya
Habang pa unat unat pa siyang umupo

"Mukhang matamlay po kayo ah... nag iba ang kulay niya... ayos lang po kayo" nag aalalang tanung ni Isabelle

Humikab muna si Rosalie.
"Hindi ayos lang ako... bakit ba ang aga" tanung niya

"Upang harapin po ang kaligaligan na ginawa ninyo kamahalan" pag bibigay alam niya

"Anung ibig mong sabihin?"

"Ang lahat po ng paghahanda sa pagdiriwang ay nasa kamay na po ninyo...... wala na po tayong libreng oras sa ngayon... puno na po ang schedule mo kamahalan... mukha nga pong mahihirapan kayong kumain"  Biro pa ni Isabelle sa parang nanigas na prinsesa matapos na mapagtanto kung anu ang ginawa.

"Ibig sabihin....." gulat na sinabi niya

"Opo..  kaya bumangon na po kayo para makapag ayos.... marami pa po kayong dapat harapin..."

"Pero aalis si Tenho bukas... balak naming doon sa royal house manatili ngayon..." sagot niya

"Hindi naman po magtatagal ang prinsipe... dalawang araw lang naman po siyang...."

"Oonga dalawang araw....na wala siya.... paki usap Isabelle masama ang puso ko ngayon... isang ugat lang ang meron ako"

Natawa si Isabelle sa unang pagkakataon na nagbiro ang prinsesa.

"Kamahalan... sabihan niyo po ako... kung anung nais niyong gawin ko" sabi niya ng may maaliwalas na mukha

"Ang ibig ko namang sabihin ay... masyadong delikado ang papalapit na mga araw" sabi niya at nag seryoso ang mukha

"Hindi ko alam kung anu ang mga mangyayari sa mga susunod na mga araw... maaring ako ay malaglag..." pagpapatuloy niya

"Anung ibig mong sabihin?"

"May naiisip lang ako..." sabi niya at saka nagtungo  upang maligo.

At gaya ng dati muli siyang inayos. Nabibigatan muli ang malmbot niyang buhok sa mga nagraramihang bulaklak na palamuti rito. Suot niya at itim na dress na may mga bordang mga bulaklak sa beywang na kulay ginto.

Matapos ang lahat nagtungo siya sa hari upang isalaysay ang plano niya. Kasama niya si Isabelle. Sa bulwagan ng hari ay nandoon ang lahat.

"Nais ko po sanang ang pagdiriwang ay sa mismong harden ng hari gagawin... sapagkat ito ang pinakamalawak sa lahat higit sa lahat ito ang pinakamalapit sa pangunahing tarangahan ng palasyo... mag sisimula po ang pormal na pagdiriwang sa ika-anim ng gabi, pero mabubukas ang tarangkahan tatlumpong minuto bago ang pagsisimula.... higit sa lahat, sa seremonya ng pagbati, nais ko sanang payagan ang mga tao na lumapit sa prinsipe at batiin sila mismo..."

"Anung ibig mong sabihin dito?" Tanung ng hari

"Sa seremonya ng pagbati.. ang crown Prince at Crown Princess ay uupo sa harap ng mga tao kasama si Prince Troy sa pagitan nila... kalimitan ang ginagawa ay ipinapahayag ang pagbati mula sa malayo... kaya naisip ko po na hayaan natin ang mga tao na lumapit sa prinsipe at mabati siya" 
Pagpatuloy niya

Nagtinginan ang hari at Reyna. Tumingin siya sa mukha ni Tenho at mukha ring alanganin ito. Naisip niyang siguro ay hindi na siya tagumpay rito.

"Maari ngang bago ito...pero maganda at mahusay ang ideya mo.. pero alam mo naman na ang dahilan kung bakit hindi ito ginagawa ay para sa kaligtas niya..." sabi ng Hari

"Huwag po kayong mag alala sa kaligtasan ng prinsipe... ako na po ang aayos dito kung hahayaan niyo ako" matapang niyang sinabi

"Mukhang may plano ka rin para sa siguridad?" Tanung naman ni Marco

Ngumiti siya ng napakalawak, nasisimulan na nga niya.
"Opo... pero malaki po ang plano...kailangan ko pong galawin ang internal security section..." sabi niya

"Pero hindi ito maari" mahinang sinabi ni Tenho sa asawa na katabi

"Alam ko nga po... pero ang kaligtasan ng prinsipe ang kailangan ngayon... at saka hindi lang ang prinsipe, maging ang mga tao na papasok... para masigurong walang anumang pagkakamali na mangyayari" sagot niya

Medyo nag aalangan ang lahat.

"Sige bakit hindi mo sabihin kung anu ang plano mo..para naman marinig namin"

Naglakas loob siya. Alam niyang napakaliit lamang ng posibilidad na sang ayunan ito ng hari.

"Bagamat napupuno ang harden ng hari ng mga monitor, nais ko sanang dito magtuon ng pansin ang mga tao sa internal security. Libo libong mga tao ang maaring darating at ang kaligtasan ng bawat isa ang ating prioridad... dadalhin po natin ang ibang mga security sa harden ng hari...."

"....teka lang... Rosalie kahit kailan ay hindi naiiwan ang mga pwesto ng nagbabantay ng loob na bagahi ng palasyo" hindi pag sang ayon ng Reyna

"Opo..naiintindihan ko po kamahalan... pero nakakasiguro po ako na walang mangyayaring anuman sa loob... nais ko po sanang ipasara ang lahat ng pintuan ng loob ng palasyo kapag nagsimula ang pagtitipon... nais ko sanang walang makapasok sa loob kahit utusan o gwardia kapag wala silang pahintulot" pagpapaliwanag niya

Maingat niyang naipaliwanag ang lahat hanggang sa sumang ayon ang hari, nakuha niya ang tiwala nito na pamunuan ang seguridad at ang pagdiriwang. Matapos noon nagawa rin niyang nakumbinsi ang lahat tungkol sa pagbabago ng siguridad.

"Hindi ba masyado namang sumusobra sa Rosalie sa ginagawang paghahanda?" Tanung ni Alyana sa asawa habang sila ay nasa opisina ng crown prince

"Ginagawa niya ang lahat para maging maayos ang seremonya... tulungan nalang natin siya" sagot ng asawa

"Si Troy pa ba ang iniisip mo o binibigyan mo nanaman ng pagkakataon ang babaeng yun na makalamang sa akin?"

"Matagal na siyang lamang sayo sa lahat ng bagay alam mo ba yun?" Biglang sagot ni Marco

"Anu?.... sinira niya tayo hindi mo ba alam yun?"

"Hindi siya ang sumira sa atin..." galit na sagot ni Marco at tinitigan ang asawa.
"Ikaw ang sumira sa atin... ikaw ang nagpahiwalay sa atin... dahil ikaw ang unang lumayo sa akin.... at hindi kita masisisi kung balang araw pati narin ang natitira kong pagtingin sayo ay mawawala pa... kapag nangyari yun wala ka nang aasahan sa akin" hamon ni Marco

"Wala akong ginawang masama... nais ko lang na mapalapit sayo, pero hindi ba... ikaw ang naghinala... IKAW ANG NAGSABI NG DIVORCE" galit  habang luhaan na sinasabi ito ni Alyana

Tahimik lang si Marco habang tinititigan ang asawa na bumubuhos ang luha sa pisngi nito.

"Wala akong ibang nais kundi ikaw... pero laging namamagitan si Rosalie sa tuwing dumadating ka sa akin... galit ako..alam mo ba yun... noong una inintindi kita... at minahal dahil alam kung nagsisisi ka...pero sobra na ito Marco" luhaang binabanggit niya

"Hindi ko alam... pero hanggang ngayon wala akong maramdaman kundi sama ng loob at pagsisisi... hindi ko pinag sisisihan na pinakasalan kita, sa halip ay nagpapasalamat ako... pero anung magagawa ko...." mahina at emosyonal na sinagot ni Marco sa asawa

"Pwede pang ibalik ang kahapon...."

"Ang kahapon ay maaring muling gawing bukas... pero ang nasira ay hindi maaring maayos...  sa oras na malaman ng tao ang tungkol sa atin... pareho tayong walang takas... higit sa lahat... pareho tayong mahihiwalay sa sakit"  sabi ni Marco at saka tinitigan ang asawa bago ito iwan.

Nasasaktan siya pero ang puso niya ay sadyang tumigas, hindi niya alam kung wala na siyang nararamdaman o baka wala na talaga siyang magawa para rito. 

Sa mga sandaling yun habang unti untinv pumatak ang luha sa pisngi ni Marco ay napagtanto niya na hindi lahat ng kwento ay maaring may katapusan, ang iba ay hindi natatapos at saka mawawala.

Royal Criminal HeartsWhere stories live. Discover now