Kabanata 44

0 0 0
                                    

Nakabalik na si Rosalie sa kanyang opisina ngunit mas marami na siyang hinahawakang trabaho ngayon gayun din kay Tenho.

Habang nakaupo siya at umiinom ng tsaa sa kanyang silid, pumasok si Alice, ang court lady ni Alyana.

"Pinatawag niyo po ako kamahalan?" Bati niya habang nag bigay galang.

"Maupo ka" alok niya rito at ibinaba ang tsaa saka ito itinabi

"Kilala kita--- ibig kong sabihin, kilalang kilala kita" malamig na sambit ni Rosalie

"A___anu pong ibig niyong sabihin? Kamahalan" mukhang takot na tanung niya

"Ang palasyo, alam mo ba kung anu ang pinakainiingatan nila?--- hindi buhay lalo nang hindi pera o kayamanan, kundi imahe... ang imahe ng palasyo ang pinakamahalaga sa anumang bagay dito sa mundo___ dahil ang magandang imahe ay nakapagbibigay ng wagas na kapangyarihan at galang___ pero nakakalungkot, sa mga nagdaang mga buwan, mga araw___ ang palasyo ay bumagsak, ang imahe nito ay nasira___ alam mo ba kung bakit?" Sambit niya

Nakayuko ang mata ang ni Alice at saka ito sumagot.
"Hindi po kamahalan" mahina niyang sagot

"Dahil sa walang katapusang mga skandalong lumalabas___ ang mga walang katuturang mga bagay na yun ay napakalaki ang naidulot sa lahat___ nasira nito ang kaayusan ng palasyo___ at sa tingin ko alam mo kung sino ang may kagagawan nito tama ba?" Suplado niyang tanung.

"Anu po?" Magalang at inosente niyang tanung

"Ikaw" bulong niya

"Kamahalan"

"Ikaw ang kumuha ng litrato ko nang tumakas ako sa gabing yun, ikaw ang kumuha ng litrato nina Tenho at Alyana--- higit sa lahat ikaw ang nagpalabas ng mga ito____ tama ba?___ at ito ang pinakamalaking kasalanan sa bansa?" Sambit niya

"Kamahalan--- patawad po pero____"

"Alam ko___ napag utusan ka lang___ ginamit ka___ higit sa lahat alam kong ginamit ka ni papa para sa mga nais niya, ikaw ang kumuha ng divorce nina Lady Alyana at binigay sa papa ko___" mahina niyang sambit

"Patawad po kamahalan" naiiyak na ito

"Si papa ang nagutos sayo, kapalit ng mga alok niyang posisyon at mga pera sayo___ pero sinusunod mo rin si Alyana___ kaya naman ay hindi ko alam kung aling panig ka ba talaga____ pero kanino man yun wala na ako doon, dahil pareho ko silang kaaway" naiinis niyang sabi

"Nakakatawa, ang bumulabog sa buong palasyo at sumira sa lahat ay dahil sa kawalan ng disiplina at pag ibig" mahinang bulong ni Rosalie

"Kamahalan___ mawawalan po ako ng trabaho at makukulong kapag nalaman ito ng royal family--- tulungan niyo po ako pakiusap" nagmamakaawang sambit nito.

"Sa ngayon ay wala akong magagawa para matulungan ka, dahil kakampi ka ng mga kaaway ko___ sana kapag nalaman ng mga tao ang lahat maging matapat ka sa mga sasabihin mo"

"Kamahalan___"

"Makakaalis ka na" utos niya

Kayat walang nagawa si Alice kundi umalis sa silid. Nais niya sanang takutin ito pero maaring magdulot nanaman ito ng skandalo.

Lumabas siya sa silid na yun at sa kanyang paglalakad nakita niya si Marco na parang naghahandang umalis.

"May pupuntahan ka yata?" Malambing niyang sabi at lumapit ito.

"May gagawin lang ako sa labas ng palasyo--- isa pa nais kong magpahangin sandali" nakangiti nitong sabi

"Mabuti na yun--- para makapagpahinga ka narin" biro naman niya.

Royal Criminal HeartsWhere stories live. Discover now