"Papa, marahil at natanggap niyo na ang aking mensahe?" Supladong sambit nito
"Oo.. pero hindi ko kontrolado ang mga ministro ng bansa, kayat nais parin nilang pag usapan ito, kayat ang pulong ay tuloy parin bukas" kalmado nitong sabi
"Sa pagkakataong ito, hinihingi ko sayo papa na sana, iligtas mo si Alyana sa oras na ito____ paki usap pakinggan mo ak0" paki usap nito
"Wala akong maipapangako, pero anuman ang magiging resulta, wala akong magagawa, sa huli ang batas ang komokontrol sa bansa, hindi ang parliamento lalo nang hindi ako____ pero para sa aking nag iisang anak, tutupad ako ng kahilingan mo______ magbibitiw ako ng katungkulan" sambit nito
Nagulat si Rosalie at tinitigan siya. Lumapit ang ama sa kanya.
"Hindi ko na namalayan, dalawamput apat na pala ang nakaraan mula noong unang araw mo sa mundo, isa ka lang batang paslit, at sa bawat gabi wala kong ibang panaginip kundi ang lumaki kang perpekto sa lahat, pero parang isang iglap lang ang iyong pag laki, lahat ay biglang nagbago, malaki ka na, at nakikita ko ang aking anak na sumalungat sa akin___ matapos ang mga yun naisip ko na siguro mali ang paraan ko____ patawarin mo ako sa mga nagawa ko" mahinang sabi nito
"Papa__"
"Tama ang mama mo hindi ka na bata, at kaya mo nang mag isip ng tama at mali___ at para sa akin nararapat lang na pagbayaran ko ang aking mga kasalanan____ alam kong wala akong magagawa para mabago ang nakaraan pero naniniwala akong maari ko itong itama_____ at anu pa man ang hatol ng parliamento bukas, sana ay ito ang tama at ikabubuti ng lahat"
"Hindi ko po maintindihan___ bakit biglaan naman, baka naman kaya ay may naiisip nanaman po kayo__ tama po ba?" Tanung niya
"Hindi___ wala na talaga akong magawa" mahina nitong sabi at saka nagtinginan sila,
"Puntahan ko lang ang hari" mahinang sambit ng papa niya at saka ito lumbas.
○○●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●○○
Nakaupo si Alyana habang hawak ang tablet niya at tumatawa, lumapit si Alice dito at nagbigay galang.
"Si Troy?" Tanung niya
"Nakatulog na po" sagot ni Alice
"Alice__ dumating na ang panahon, para sa huling atake" masamang sambit niya
"Anu pong ibig niyong sabihin?" Nagtatakang tanung ni Alice
Tumawa ito,
"Maghanda ka, alam kong matapos ang usapan ng parliamento bukas, ay alam kong maari akong mapa alis sa palasyo, pero bago yun, hindi lang ako ang aalis" sambit niya at tumawa."Alice___ para sa huli mong misyon" sabi niya at ibinigay ang tablet saka tinaas ang kilay at kumindat
"Anu pong dapat kong gawin?" Tanung ni Alice
"Kailangan kong makita na hindi lang ako ang babagsak___ kapag natapos na yan damay na ang lahat, patawad nalang Tenho, dahil mali ang napili mo___ at maging ang bata sa sinapupunan niya ay magiging walang saysay sa bansa, at wala na silang magagawa" masama niyang sabi at tumawa
"At si Prince Troy ang----" sabi ni Alice
"Maghahari" agaw niyang sinabi at saka ito bahagyang tumawa,
"Masakit ang pag alis ni Marco__ mararamdaman din nila kung ano ang sakit ng lahat" masama niyang sambit."Sigurado po kayo rito?___ hindi po ba kayo apektado kayo rito?" Tanung ni Alice
"Oo... nanganganib na rin ang posisyon ko, kapag hindi ko magawang kumapit, dapat ako ang humila" sagot niya.
YOU ARE READING
Royal Criminal Hearts
RomanceAfter her engagement to the prince was broken, she was then proposed to marry the second prince. This marriage changed her life and her all. She was then trapped in a place where their is too much competition not only in throne but also in heart...