Labis ang pagkagulat niya sa narinig. Ang puso niya ay takot na takot at walang magawa.
"Kamahalan" sabi niya
"May nakapagsabi na wala ka sa silid mo kagabi, mahal na prinsesa" sabi ni Alyana
Hindi niya alam ang isasagot niya at takot na takot na siya.
"Tumakas ka hindi ba... naki usap si Tenho na payagan ka pero hindi maari.. yun ba ang dahilan kung bakit ka tumakas... tandaan mo dapat mong kalimutan ang lahat sa likuran mo..."
Tahimik lang siya at naninigas.
"Rosalie... paano mo ito nagawa?" Sabi ng Reyna na sumulpot at saka umupo.
"Patawarin niyo po ako kamahalan..." sabi niya
"Mukhang nakakalimutan mo kung anu ang dapat mong gawin... ang masaklap pa bakir kailangan tumakas ka pa... paano mo to nagawa?" Galit na sabi ng Hari
Nanahimi siya dahil hindi niya pwedeng sabihin, baka mapahamak si Isabelle.
"Paano mo ito nagawa Rosalie...alam kong mahirap ito pero kailangan mong indindihin ito" sabi ng reyna
"Kamahalan...patawarin niyo po ako...nagpunta lang po ako para mabati siya... Bumalik din po ako agad.. Patawad po" mabait na sinabi nito
"Ang hindi ko lang maisip.. Bakit kailangan mo pang tumakas... Paano ka nakalabas ng palasyo.? " tanung ni Marco
"Ako po ang gumawa... " sabi ni Tenho at pumasok doon.
Natigilan ang lahat. Nagtinginan ang Hari at Reyna. Habang tinitigan siya ni Rosalie.
"Itinakas ko po siya... Para gumaan ang damdamin niya...na hindi niya mabati ang mama niya" sabi niya
"Tenho naririnig mo ba ang sinasabi mo?"galit na sinabi ng hari
"Opo papa... sa mga nakaraang araw sinunod ko ang lahat ng sinabi ninyo at walang reklamo... Ang sabi po ninyo responsibilidad ko ang asawa ko.. Kaya buong araw po akong nagmamakaawa at nakikiusap sa iyo na payagan siya... Pero sadyang matigas po kayo ama" salaysay niya
"Tenho" awat ng Reyna ng ang boses nito ay tumataas
"Mama... Wala po akong magawang mabuti sa aking prinsesa sa mga araw na nagdaan... Ito lang po ang magagawa ko" dagdag niya
"Pero Tenho... Mali ang paraan mo" sagot ng mama niya
"Hindi niyo po ba alam.. Nakiusap ako sa inyong lahat.... Kay kuya, ang hari at reyna... Buong araw akong nakikiusap pero walang pumayag... Anu po ba ang ibang paraan na meron?" Galit niyang sinabi
Ang hari ay tahimik lang, habang si Rosalie ay nagugulat kay Tenho.
"Tenho alam mo ang patakaran natin" sabi ni Marco
"Oo kamahalan... Alam ko yun... Pero hindi ba pwedeng kalimutan muna ito ng saglit... Hindi po ba ama? "
Tinignan siya ng Hari na walang masabi. At natahimik ang lahat. Yumuko si Tenho at gumalang saka umalis. Tumayo rin si Rosalie at hinabol ito.
"Tenho" sabi niya habang tumatakbo kasunod nito ngunit hindi siya kinausap.
Huminto ito sa harap ng silid niya saka nagsalita.
"Ngayon masaya ka na ba? " sabi niya at pumasok.
Narinig ni Rosalie ang pagsara at pag lock ng pinto. Alam niyang galit ito. At kasalanan niya ang lahat. Tahimik lang siyang bumalik sa silid at nandoon si Isabelle."Patawarin mo ako" mahina niyang sinabi
"Kamahalan.. May nangyari po ba?"
"Baka madamay ka sa mga nagawa ko... "
"Tinulungan ko lang po kayo... Wala po kayong kasalanan doon"
Tinitigan niya ito saka ngumiti.
"Galit sa akin si Tenho, maging ang buong Royal Family... Nasira ko ang pangalan ko sa unang buwan ko palang sa palasyo""Nalaman po ba ng Hari... Pero paano?" Nagtatakang tinanong ni Isabelle
"Yun ang nais kong itanong sayo... Paano nila nalaman.. Nakalabas ako ng ligtas at nakapasok din ako ng ligtas... Si Tenho lang ang nakakita sa akin... Pero hindi siya ang nagsabi..." napapaisip na sinabi niya
Umupo siya sa harap nga salamin. Nakita niya ang kahon ng singsing na binigay ni Marco. Kinuha niya ito at binuksan.
"Saan po galing ito kamahalan? " sabi ni Isabelle
"Mula kay Marco... Ito ang dapat ay suot ko ngayun... Kung kinasal kami ni Marco... Nabili namin ito... At ako ang pumili nito... Kaya niya ibinalik sa akin dahil daw sa sinabi ko na lahat ng sing sing ay may kwento at kahulugan" saka siya natawa.
Tumingin siya kay Isabelle.
"Si Tenho.. Anung klase siyang tao... Talagang ganun ba kalamig ang puso niya? ""Po? "
"Kahit na magkasama na kami ng matagal... At magkakilala noon pa... Hindi ko parin alam kung anung klaseng tao siya"
"Ang mahal na prinsepe... Bagamat may malamig siyang katangian... Pero may mabait po siyang puso... Pero ang Hari ay kinamuhian siya matapos ang skandalo nila ng Crown Princess... Mula dun lalong naging malamig siya" sagot ni Isabelle
"May susi ka ba sa silid niya... Isinara niya kasi.."
"Maari ko pong kunin mula sa internal security... Kailangan ko lang po ay utus niyo"
"Sige na... Kunin mo"
Umalis si Isabelle. Upang kunin ang susi sa kabilang silid. Ilang minuto pa ay bumalik ito at may dala. Kinuha niya agad ito at hindi man lang nagpasalamat kay Isabelle.
Binuksan niya ang pinto at maingat na pumasok. Tahimik sa loob. At nakita niya si Tenho na nakaupo habang suot ang headphone at natutulog sa sofa.
Tinitigan niya ito saka nilapitan. Tinanggal niya ang suot niyang manipis na scarf at ikinumot sa asawa. Saka inilapit ang mukha dito.
"Ngayon naiintindihan kita... Dati hindi kita pinapansin dahil ewan ko... Pero siguro kung hindi tayo nagkalapit ng ganito hindi ko makikita ang hirap sa puso mo... Ako kasi hindi ko sinubukang lumaban para sa sarili... Pero nakita ko ito sayo... Mahirap siguro ang ipaglaban ang sarili... Nakikita ko ang pagod mo...sana ay patawarin mo ako..."
Sabi niya saka ngumiti at lumabas ng silid. Hindi niya alam na hindi tulog si Tenho.
Dumulat siya nang ito ay lumabas.
Narinig niya ang lahat. Tinignan niya ang scarf na ikinumot ni Rosalie sa kanya.Saka bumulong.
"Huwag mo akong kaawaan, paki usap" mahinang bulong niya
YOU ARE READING
Royal Criminal Hearts
RomanceAfter her engagement to the prince was broken, she was then proposed to marry the second prince. This marriage changed her life and her all. She was then trapped in a place where their is too much competition not only in throne but also in heart...