Kabanata 24

0 0 0
                                    

Nakaupo silang lahat sa hapag kainan. Masaya at magarbo ang lahat, dahil sa muling pagbabalik ni Rosalie sa palasyo. Ang hapunan ay espesyal sa lahat.

"Natutuwa ako at maayos ka na... Rosalie" sabi ng Reyna

"Opo kamahalan...salamat po" sagot niya

"Natutuwa ako at naayos na ang lahat, sa susunod mag iingat kayong lahat... at ngayon wala kayong dapat gawin na ikasisira ng palasyo, lalo nang sa lunes ay ang pagdiriwang ng ika apat na kaarawan ni Prince Troy... ikaw Tenho... handa ka na ba na sunduin ang prinsipe?" Sabi ng hari

"Opo papa.... aalis din po ako agad sa biyernes... at iuuwi ko po siya ng ligtas..." sagot niya

Ngumiti ang hari at saka tumango,
"Ang pagdiriwang na ito ang magiging makasaysayan ngayong taon" dagdag ng Hari

Huminto sa pagkain si Rosalie at ibinaba ang kutsara sa plato, inilapag niya ang kanyang mga kamay sa kanyang kandungan at saka tumingin sa lahat, bago lumingon sa hari at nagsalita.
"Mahal na Hari...kung iyo sanang mamarapatin, nais kong magbigay ng aking opinyon tungkol sa nalalapit na pagdiriwang"

Napatigil ang hari maging ang lahat sa pagkain,
"Sige.. anung nais mong sabihin"

"Ang nalalapit na pagdiriwang ang magiging pinaka makasaysayan sa lahat, ito ang pinakamalaking kaarawan na matatanggap ng isang prinsepe... nais ko po sanang gawin itong mas malaki kaysa inaasahan ng lahat" pagsisimula niya

"Anung ibig mong mangyari?" Tanung ni Marco

"Kung bubuksan po ang palasyo para makapasok ang mga tao mula sa labas, at hindi na kailangan ang mga imbitasyon... hindi po ba mas magiging malaki kapag bukas ang kaarawan para sa lahat at hindi lang sa mga piling tao" dag dag niya.

"Pero hindi pa ito nangyayari noon?" Pag aalala ng Reyna

"Hindi po ba ang pangunahing dahilan nito ay upang makilala ang prinsipe.... hindi po ba mas makikilala siya ng lahat ng tao ng bansa... mula sa mga pangkaraniwang tao hanggang sa lahat maging mga turista.... kapag nangyari po ito mas mamahalin siya at mas makikilala kaysa ordinaryong pagkakakilanlan..hindi po ba?"  Pagpapatuloy niya.

Mukhang nasiyahan ang lahat sa sinabi niya.

"Maganda ang sinabi mo mukha ngang maayos ito...hindi ba" pagsang ayon ng hari.

"Oo tama ka Marlon... sang ayon din ako sa nais niya" sabi naman ng Reyna
"Anu sa tingin ninyong dalawa.." tanung ng Reyna kina Alyana at Marco

"Mukha naman pong maayos ang ideya... sang ayon po ako rito kamahalan" sabi ni Alyana habang tumango rin si Marco

"Kung ganun... maari bang ikaw na ang mamuno sa gaganaping pagdiriwang?" Alok ng Hari

Tumingin muna siya sa asawa at ngumiti

"Ikakarangal ko po kamahalan" sagot niya.

Nang matapos silang kumain. Naiwan si Tenho sa ama upang alamin ang mga dapat paghandaan sa pag uwi ni Troy. Habang bumalik naman si Rosalie sa silid niya, at aksidente niyang nakasalubong si Alyana kahit iniwasan niya ito mula noong bumalik siya.

Nagbigay galang siya rito at saka seryosong tumingin.
"Masama ang pakiramdam ko... nagbalik ka na pala... at binati mo ang lahat pero hindi ka pumunta sa akin" nag iinsultong sinabi nito

Seryoso lang ang mukha niya,
"Paumanhin po kamahalan..."maikli niyang sagot.

Hinintay ni Alyana kung may ida dagdag pa ito pero tahimik.

"Mukhang nagbalik ang tunay mong amoy nang bumalik ka sa inyo" sabi nalang niya
Pero tahimik lang ito, sinubukan niya Alyana na pagsalitain ito sa pamamagitan ng tingin sa kanya ng masama. Pero tahimik lang siyang tumitingin sa kanya ng seryoso

"Nawala ba ng boses mo matapos ang aksidente?"

Sa pagkakataong ito sumagot si Rosalie.
"Wala po akong karapatan para makipagsagutan sa inyo... mahal na prinsesa"
Nakapapormal niyang binangit.

"Kung ganun bakit hindi ka makipag usap sa akin... bilang ang dakilang Rosalie na walang paki alam sa lahat" saka ngumiti si Alyana ng napakasama.

Ngunit ngumiti lang si Rosalie at saka tinitigan lang niya ito nang napakaseryoso.

"Oh...bakit hindi ka na magsalita...hindi  ba ito ang gusto mo.... ang maging masmalakas kaysa sinuman" pag iinsulto ni Alyana ulit.

"Oo...dahil masyado kasi akong malakas para humarap sa mga mahihina... nakakahiya naman na ibubuhos ang malakas na tubig sa butas na lalagyan...hindi ba?" Sagot niya ng may pag insulto.

"Ayan ka nanaman sa mga linya ng papa mo... pero naisip ko lang... ang ideya mo kanina ay masyadong mahiwaga para ibahagi ng libre... alam kong may kapalit ito" sabi ni Alyana

Mukhang nagliwanag ang kayang  mukha.
"Oo..meron... at alam kong  ikaw ang makapagbibigay sa akin dito"

"Sabihin mo...anu ito"

"Sa pagbabalik ni Troy... pakiramdam ko malaki ang magiging epekto nito sa katayuan ko... lalo na kapag naging reyna ka... kaya nais kong masiguro ang katayuan ko... nais ko ng isang kapangyarihan na taglay mo"

"Anu ang ninanais mo" tanung niya at tumawa

"Nais kong ibigay mo sa akin ang karapatan na makontrol ang hukuman ng palasyo... Nais kong pamunuan ito... kapalit ng pagbibigay ko ng malaking karangalan sa iyong prinsipe... payag po ba kayo?" Matapang niyang sinabi

"Ang Hukuman ay tumatakbo sa ilalim ng mahal na Hari, pangalawa ang crown princess... ang dalawang tao lang na ito ang maaring mamuno sa hukuman... kaya bakit mo ito nais?"

"Sa oras na tataas ka at nalalapit na ito... maari ko akong palayasin dito sa isang pitik ng daliri mo lang... kaya nais kong masiguro ang katayuan ko... pinapangako ko sa iyo na pagkatapos ng pagdiriwang ay mas makikilala at mamahalin si Prince Troy... at masmamahalin siya pagdating ng araw na siya ay maging crown prince..."

Tahimik lang si Alyana at mukhang nag iisip.

"Sa oras nang iyong pagreyna... ikaw ay bibigyan ng maraming gawain... at ang hukuman ay pamumunuan ng hari hanggang sa makapag asawa ang crown prince... at matagal pa kung si Troy ay mag aasawa... kaya bakit hindi mo ipaubaya sa akin muna ito bago yun" pagkombinsi niya

"Papayag ako... pero hindi ko maipapangako... kapag namali ang pagdiriwang at hindi ito magtatagumpay... hindi ka aasa" sabi nito at mukhang malalim ang iniisip habang palayo.
Na pinapanood ni Rosalie, habang lumalakad sa mataas nitong sandal at sa tuwid nitong paglalakad.

Bumalik din siya sa silid niya at nakita si Isabelle na nakikinig pala.

"Mukhang hindi madali ang nagawa ninyo, kamahalan" sabi nito at habang hinila ang upuan sa harap ng ginintuang salamin at umupo ang prinsesa

"Madali lang naman... wala lang sigurong nakaisip" sagot niya habang ngumiti si repleksiyon sa harapan

"Ang ibig kong sabihin, kamahalan ay ang paghingi ninyo ng karapatan para sa hukuman" sabi ni Isabelle habang maingat na binubunot ang mga hairpin na bulaklak sa buhok nito.

"Bakit sa tingin mo ako mag aalala?"

"Ang totoo niyan... kapatid ng papa ng Crown Princess ang ministro na kumakatawan sa buong hukuman" sagot niya habang sinalo niya ang buhok ng prinsesa na unti unting nahuhulog sa pagkakatanggal ng mga hair pin. At inilatag niya ito sa leeg niya, at saka maingat na inabot ang suklay.

"Si Minter Remundo, ang kumakatawan sa hukuman, kaya po madali lang ang naging desisyon ng lahat na paalis kayo sa trono matapos lamang ang inyong pagtakas sa palasyo... masyadong napakababa ng dahilan para gawin yun..." mahina niyang isinalaysay habang maingat na sinusuklay ang buhok nito

"Kaya pala mukhang napakadali lang na pag isipan niya ito...." sabi niya

Ibinaba ni Isabelle at suklay sa mesa saka siya tumayo

"...pero hindi naman yun ang nais ko..." sabi niya at tumayo saka ngumiti kay Isabelle at pumasok para maligo.

Nagtaka si Isabelle kung may iba nanaman itong naiisip.

Royal Criminal HeartsWhere stories live. Discover now