Kabanata 50

0 0 0
                                    

Nang makita niya si Tenho, lumuha siya muli. Tumakbo ito at niyakap ang asawa. Isang yakap ng mainit na pagmamahal at pagunawa,  habang sa yakap ng asawa ay ramdam niya ang proteksiyon at matinding pananabik.

Pinakawalan niya ito. Pinunasan ni Tenho ang mga luha niya.

"Patawarin mo ako Tenho" naiiyak niyang sinabi
"Patawarin mo ako sa lahat ng mga ito" pagpapatuloy niya

Hindi nagsalita si Tenho at muling niyakap ang asawa, na nagsasabing naiintindihan kita.

"Ako ang dapat humingin ng tawad, dahil hindi ako dumating sayo ng gabing yun, patawarin mo ako" bulong niya
"Manatili ka na rito" sambit niya

Pinakawalan niya ito mula sa yakap niya at hinawakan ang mga kamay niya ng mahigpit.

"Naiintindihan ko ang kagustuhan mong umalis, ang pangarap mong kalayaan, ang pangarap mong buhay___ at yun ay alam kong hindi ko maibibigay sayo, lalo na sa ngayon, pero nakikiusap ako sayo, manatili ka rito___ sa akin__ sa tabi ko, paki usap" sambit ni Tenho

"Tenho"

"Nang ikasal tayo__ wala kong nakitang anumang pangamba mula sayo, dahil alam kung aalis ka balang araw, pero nang magbuntis ka, at ako ay naging crown prince, nakita kong ang takot sa mga mata mo, dahil alam mong hindi ka na maaring umalis____ isa kang matatag na babae, at nakayanan mo ang lahat____ Rosalie____ bumalik ka na sa palasyo" mahina nitong sinabi

"Tignan mo suot mo ang sing sing, ang weeding ring na nagsisimbolo ng aking pangako bilang asawa, at ang sing sing na bigay ko, na nagpapakita ng proteksiyon ko sayo, magtiwala ka sa akin pakiusap" dagdag niya

"Pero Tenho__ hindi mo naiintindihan, hindi to dahil hindi ko gustong manatili rito, hindi ganun__"

"Kung ganun___"

Biglang pumasok si Bernard,
"Prince Tenho, paumanhin po, pero kailangan  niyo na pong lumabas, ngayon din po" nagmamadaling sinabi nito

"Bumalik ka na Tenho" bulong niya at saka tumalikod sa kanya

Huminga ng malalim si Tenho, at nalaman na hindi susunod ang asawa sa kanya. Lumabas siya at saka dumaan muli sila sa likuran para makalabas  ng bahay.

"Anu bang nangyari Bernard?" Tanung niya

"Nakahalata po ang mga bantay na wala kayo sa kotse" mahinang paliwanag niya
"Babalik na po ba kayo sa palasyo?"

"Kahit anung sabihin ko, mukhang hindi nakikinig sa akin si Rosalie____ anung oras ang alis niya bukas?" Tanung niya

"Maaga po___ kung ganun po wala po ba kayong magagawa para pigilan siya?" Sambit ni Bernard

"Kahit anu pa ang sabihin ko, sa tingin ko ay hindi ko mapipigilan ang pangarap niya" sambit nito at saka lumakad sa kotse at pumasok rito.

"Bumalik na tayo" bulong niya sa driver.
Pumasok ang mga bantay sa mga kotse at saka umalis na sila.

Nakaupo sa opisina ang hari at reyna habang hinihintay ang pagbabalik ni Tenho.
"Sana ay magawan ng paraan ni Tenho na bumalik si Rosalie" mahinang sinabi ng Reyna

"Kapag hindi siya pumayag wala tayong magagawa ito lamang ang paraan nilang dalawa" sagot ng hari

"Pero, Marlon... anu ang plano mo kay Alyana at si Prince Troy" tanung ng Reyna

"Aalis si Alyana gaya ng hatol ng parliamento, ngunit mananatili ang katayuan ni Troy sa bansa" sagot ng hari

Pumasok ang Secretarya ng hari at saka nagbigay galang.
"Kamahalan, bumalik na po si Prince Tenho____ pero___"

Royal Criminal HeartsWhere stories live. Discover now