Kabanata 38

0 0 0
                                    

"Alfred--" sabi ni Carina sa asawa
Si Alfred ay naghahanda sa pagpunta sa palasyo, at inaayos niya ang necktie niya.

"Bakit?"

"Alam kong narinig mo na ang hatol kay Rosalie--- Alfred hirap na hirap na siya--- nakikita mo ba kung gaano siya pinapahirapan ng palasyo?" Sabi ni Carina na puno ng pag aalala

"Hayaan mo siya--- iyon ang pinili niya dapat niyang ipaglaban yun... pero mali nanaman siya"

"Alfred tulungan mo siya sa huling pagkakataon--- iligtas mo siya, gipit na gipit na siya roon--- ilabas mo siya mula sa palasyo"

Tumingin sa kanya si Alfred.
"Wala na akong magawa para sa kanya-- dahil wala na akong nakikita sa pagsunod mula sa kanya" wik nito at saka lumabas ng silid

●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●

Nagising si Rosalie na katabi ang asawa, masama muli ang karamdaman niya. Dumilat ang mga mata niya at nakita ang mga mata ni Tenho na nakatingin lang sa kanya.

"Gising na--- kumain ka na ng sopas at lugaw--- nagpaluto ako para sayo" wika nito at tinulungan siyang bumangon.

Bago yun naligo muna si Rosalie at saka nag ayos, sa maliit na sala sa silid nila ay nandoon si Tenho na hinihintay siya at kaharap ang mga maiinit na pagkain.

Umupo siya sa tabi nito at saka tinitigan ang asawa, pero nasusuka siya sa pagkain.

"Wala akong gana--- nasusuka ako Tenho" wika niya

"Hindi ayos lang yan-- ang sabi ni Alden maganda ang sopas na may luya nakakatulong ito para mawala ang pagsusuka mo" lambing ni Tenho

Kinuha ni Tenho ang kutsara at saka kumaha ng sopas at idinulit sa kanya.

"Ayoko nga--- mukhang masusuka ulit ako dyan eh" pag ayaw ni Rosalie

"Sige na--- para maging malakas ka--- para sa baby natin" malambing na wika ni Tenho,
"Sige na subukan mo--- kahit ito lang---" pagpipilit niya.

Binuka ni Rosalie ang bibig niya at kuniha ang isinubo nito. Nasusuka siya pero nilamon niya parin ito.

"Oo nga pala Tenho--- kahapon na sana ang huling araw  ko sa palasyo--- pero paanu ito binago ng hari?" Nagtatakang sabi niya

Hindi agad  nakasagot si Tenho at mukhang nag iisip pa.
"Nagmakaawa lang naman ako" sagot niya at saka ngumiti.

"Salamat" emosyunal sa sabi ni Rosalie

"Saan?"

"Sa lahat"

"Ako ang dapat magpasalamat" wika ni Tenho at humawak sa kamay nito
"Sa mga nagawa mo, hindi ako naging mabuting asawa para sayo, pero nagpapasalamat ako dahil nanatili ka sa tabi ko mula noon hanggang ngayon" pagpapatuloy ni Tenho

Naiyak si Rosalie sa sinabi nito.
"Huwag ka nang umiyak--- bihira lang ito" biro pa ni Tenho.
"Halika may pupuntahan tayo" sabi ni Tenho saka pinunasan ang luha niya at hawak niya ang kamay nito ay lumabas sila.

Dinala siya ni Tenho sa Flora Garden, pero hindi sa Villa, kundi sa gitna nito ay may malawak na damuhan na hindi pa nakikita ni Rosalie.

"May ganito pala rito.. ngayon ko lang nalaman" tuwang tuwang sinabi ni Rosalie.

"Gusto mo ba" wika ni Tenho

"Napakaganda at tahimik" sagot niya

Lumuhod si Tenho sa harap niya at saka tinaas ang paa nito at hinanggal ang suot niyang hills.

Royal Criminal HeartsWhere stories live. Discover now