Tinanghali ang gising ng dalawa dahil sa buong araw na seremonya kahapon. Nang magising si Rosalie at wala si Tenho sa tabi niya kundi isang pulang rosas na may sulat.
"Ayaw kitang gisingin kasi mahimbing ang tulog mo, mag ayos ka na, mamaya ay ang Royal Breakfast, susunduin kita sa silid mo" sabi ng sulat
Ngumiti lang siya at humihikab na tumayo. Naligo siya at isinuot ang damit na kinuha ni Isabelle. Inayos din ang buhok niya. At saka niya hinintay si Tenho. Kumatok ito at pumasok
"Halika na" sabi nito
Tumayo siya at lumapit sa asawa, nang makarating sila doon ay nandoon na ang lahat, pero hindi niya nakita si Prince Troy."Tinanghali kayo... marahil ay napagod kayo sa mahabang seremonya ng kasal" sabi ng Reyna
Tumango lang sila at tahimik.
"Maya maya ay ipapaalam na sa iyo ang mga katungkulan mo Rosalie... si Isabelle na ang bahala doon.. kaya hindi ka dapat mag-alala" wika ng hari
"Opo kamahalan" maikling sagot niya
"Ang palasyo ay magkakaroon ng press conference bukas ng umaga para sa inyong dalawa... ito ay tungkol sa kasal at sa pagsasama ninyo.. sana ay tanggapin ninyo ang mga katanungan at huwag magagalit kahit ito ay pang insulto... tandaan ninyo ang iba ay naghahanap lang ng butas para kayo ay mahulog" palala ng hari
Tumingin tingin si Rosalie kay Marco na sa limang araw niya sa palasyo ay hindi niya ito kinakausap.
Hindi niya alam at wala siyang ideya kung anu ang iniisip nito o kung anu ang nangyayari sa kanya.
Matapos silang kumain pumunta siya sa silid niya at nandoon na si Isabelle. Sa mesa at may isang violet na makapal na parang aklat na folder.
Naupo siya sa harap nito at ayon ulit nagsimula nanamang magsalita at magturo si Isabelle
"Mula po sa araw na ito, kayo po ang punong kinatawan ng internal Affair ng palasyo, ang tungkulin ninyo po ay mapanatili ang kaayusan ng imahe at loob ng palasyo. At maayos na imahe at mapayapang royal family ay isang malaking bahagi sa bansa, at ito po ang iyong pangunahing tungkulin" paliwanag niya
Ini abot ang folder sa kanya.
"Ito po ang mga bagay na dapat ninyong malaman tungkol sa inyong tungkulin"Tumango lang siya at sinimulang binuklat ito.
"Hindi niyo naman po kailangang pag-aralan ito ngayon... sabi po ng hari maaari po kayong magpahinga ngayung araw..." dagdag ni Isabelle
Muli niyang binuklat ito sa susunod na pahina,
"Nais ko sanang makita ang Forest Garden, kaso wala si Tenho""Kamahalan... may pinuntahan po ba siya?"
"Hindi ko alam... pero nakita ko siyang umalis sa opisina niya matapos ang agahan"
Sandaling tumahimik si Isabelle at pinanood siyang mabilis na nagbabasa. Kung kaya't nagpaalam ito para kumuha ng tsaa para sa kanya. Dumaan siya sa opisina ni Tenho at sumilip dito, totoong wala ito. Pagbalik niya na may dalang tsaa, ang binabasa ni Rosalie ay nasa mesa at nakaupo lang siya, inilapag niya ang tsaa sa mesa saka nagtanung.
"Natapos niyo na po yun?"
"Oo..."maikli niyang sagot at kinuha ang tsaa. Uminom siya at tumingin kay Isabelle na tinititigan siya na parang hindi makapaniwala. Kaya ibinaba niya ang tsaa at saka ito tinignan.
"Mukhang hindi ka naniniwala... nabasa ko na, at alam ko na ang lahat saka naintindihan ko na" malamig niyang sinabi
"Kung ganun maari niyo po bang sabihin kung anu ang mga ito?" Mabait na tanung niya
"Ang tungkulin ko ay panatiliing maayos ang internal affair ng palasyo, ako ang mamamahala sa mga gawaing panloob ng palasyo. Maari akong magdesisyon para sa hukuman kung ito ay may kinalaman sa loob, may karapatan akong baguhin ang takbo at estratehiya ng pamamalakad dito. Ako din ang mamamahala sa mga usapin hinggil sa anumang bagay na may kinalaman sa palasyo... yun lang naman ang kabuoan ng makapal na aklat na ito hindi ba?"
Tinitigan siya ni Isabelle at saka ngumiting nagsasabing siya ay naniniwala na.
"Kung ganun maari na po kayong magpahinga... kamahalan" sabi ni Isabelle
"Gusto ko lang na lumabas" sabi niya
Kung kaya sila ay naglakad lakad sa harden. May mga tao parin doon na naglilinis ng mga gamit kahapon.
Napadpad sila sa archery ground ni Alyana at nandoon siya. Nais niya itong iwasan pero nakita siya kaya lumapit nalang siya.
"Kumusta ka mahal na prinsesa" tanung nito
"Maayos po ako kamahalan" arroganteng sagot niya
Iniabot niya ang pana sa kanya.
"Subukan mo... matagal din na hindi tayo naglalaro"Hindi siya sigurado dahil hindi pa siya masyadong marunong dito. Pero hindi siya nag-alangan.
Kinuha niya ito.
"Hindi ko matandaan kung kailan ko huling humawak ng pana.." sabi niya"Bakit hindi mo subukan... kung minsan ang mga nagpapakababa sila ang magagaling"
Alam niyang hindi niya mapupuntahan ang sentro kaya ibinalik niya ito sa kanya.
"Hindi ko rin alam kung paano ulit ito... pero aalis na po ako" gumalang siya saka umalis habang natatawa naman si Alyana
May mga nasalubong siyang mga courtmaids sa daan nila at huminto sa harap niya.
Nagbigay galang sila ay may dalang mga rosas. Tinitigan lang niya ito."Binabati po namin kayo kamahalan.. tanggapin ninyo ang handog namin" sabi ng isa habang iniaalay ang pulang rosas.
Lima silang nandoon at tahimik niyang tinanggap ang mga ito.
"Maraming salamat" sabi niya at saka ngumiti
Nagpatuloy siya ng paglalakad hawak ang mga rosas.
"Baka nagtataka po kayo kamahalan" sabi ni Isabelle
"Oo... tama" sagot niya
"Iyon po ang tradisyon ng pagbibigay ng pagbati at paggalang... nag-aalay sila ng mga bulaklak ang iba ay mga palamuti ng buhok"
"Palamuti ng..." nahinto siya sa paglalakad
"Gaya ng HairPin?" Tanung niya"Opo kamahalan" sagot niya.
Pabalik na sila sa loob ng makasalabung nila ang Hari.
Gumalang sila sa kanya.
"Saan ka nagpunta?" Maraang tanung nito
"Lumabas lang po ako sandali..." sagot niya
"Nasaan si Tenho.. bakit hindi mo siya kasama?"
"Hindi ko po alam kung saan siya nagpunta kaninang umaga ko pa siya hindi nakikita" sagot niya ulit
Nakita niyang napabuntong hininga ang hari sa sinabi.
"Sige na bumalik ka na sa loob" sabi nito
Kaya sila ay bumalik sa silid niya. May dalawang kahon sa mesa niya ng sila ay pumasok.
Kinuha niya ito at tinitigan kasabay ng kanyang pag upo.
"Ito po ay mula sa Hari at Reyna, kamahalan" sabi ni Isabelle
"Paano mo naman nalaman?" Tanung niya
"Ang kulay po ng kahon at laso ang nagsasabi... ang kulay violet ay mula sa hari habang ang dark red po at mula sa reyna... ito po ay ang color code ng dalawang matataas na tao ng bansa"
Napanguso siya at tumango.
Kinuha niya muna ang galing sa hari at binuksan.Ito ay may laman na isang isang napakaliit na rosas na crystal na may kulay ginto.
Binuksan naman niya ang mula sa reyna at nakita ang isang hair pin na may mga maliliit na rosas bilang palamuti.
Tumango siya at saka ngumiti. Tinignan niya si Isabelle na parang nagsasabing alam ko na.
YOU ARE READING
Royal Criminal Hearts
RomanceAfter her engagement to the prince was broken, she was then proposed to marry the second prince. This marriage changed her life and her all. She was then trapped in a place where their is too much competition not only in throne but also in heart...