Kabanata 9

0 0 0
                                    

Lumabas sila at nagdesisyon na maglakad papunta roon.

"Anu bang meron doon?" Tanung niya upang pagsalitahin ang tahimik na asawa

"May Vacation house kayo sa Ice Land hindi ba?"

"Oo.. bakit?"

"Parang ganun lang din ang Royal Villa" sagot niya..

"Parang vacation house?"

Tahimik sila pareho na paglalakad. Habang palayo sila ng palasyo ay nagmimistulang gubat naman ang garden. Nakita niya ang ilang mga hayop tulad ng kuneho at mga salita ng ibon. Parang totoong gubat. Nagagandahan siya sa mga ito.

Napansin din ni Tenho na tahimik ang asawa, pero hindi na nagtanung. Dahil yun din naman ang pagkakakilala niya rito.

"Kanina pa tayo naglalakad... masakit na ang paa ko.... ang sabi ni Isabelle 20 minutes na lakaran lang.. parang isang oras na tayo dito" padabog na bulong sa sarili

"Sa bagal mo yan... hindi tayo aabot dun gabi na" sagot nita habang diretso at parang nababagot sa kahihintay sa mabagal na paglakad ng asawa.

"Kalahati na ba?" Tanung niya

"Kapag nahati na ang kalyeng ito ng tatlo yun ang kalahati" sagot niya.

Nagulat siya dahil parang isang buong gubat na ang nilakad. At masakit na ang paa niya.
Nagsimula na siyang pa ikay ikay sa paglalakad sa mataas niyang hills.

"Hindi ka ba naglakad ng ganito noon?" Tanung ni Tenho

"Hindi" arroganteng sagot niya

"Oo nga pala.. kahit dalawang metro lang hindi mo nilalakad noon... naalala ko nung pinagalitan mo ang driver mo noon dahil pinarada ang kotse dalawang metro ang layo sayo at hindi sa harap mo" saka tumawa ito

Ngunit nang lumingon wala ang kausap. Tumalikod siya at nakitang nakaupo sa gilid at inaayos ang paa. Nagbuntong hininga siya at tinawagan si Isabelle para magpadala ng kotse.
Lumapit siya sa kanya saka lumuhod sa harap at tinangal ang hills ng asawa.

"Hawakan mo" sabi at iniabot sa kanya saka ito binuhat.

Naglakad siyang buhat buhat ang asawa. Madali lang dahil hindi masyadong mabigat si Rosalie.

"Naiintindihan ko na ngayun kung bakit noong college, hindi ka sumasama sa mga hiking" sabi niya.

Tahimik lang si Rosalie.

"Alam mo ba kung anu ang paglalarawan ng mga tao sayo?" Tanung niya

Hindi ulit sumagot si Rosalie, kundi tinitigan lang siya habang ang kamay niya at nasa leeg nito

"Ang kilalang Lady Rosalie... ang pinakamasama at pinakahinahangaan sa buong unibersidad, ang babaeng may paa na parang babasaging marmol, mga kamay na parang pulot na kay lambot, at mga matang kumikinang sa inis ngunit magaling naman..."

"Ibaba mo ako" sabi niya

"Bakit? Mas mabilis tayong makakpunta roon"

"Alam mo ikaw..."

"Hindi ka dapat naiinsulto doon... kasi masaya ako... na ako ang pinakasalan ng ganung babae... pero ngayun takot na ako sa papa mo.. may lamat na ang paa mo" biro niya pa

"Magbiro ka pa hanggat gusto mo... pero tingin ko hindi tayo makakarating doon ng ganito" sabi niya at nagtinginan sila

Saka may dumating na kotse at huminto.
Binuksan ng bantay ang pinto at ipinasok niya si Rosalie, saka pumasok.

"Buti at tumawag ka ng kotse" sabi niya

Nagsimulang tumakbo ang kotse at hindi pa nagtatagal ay narating na nila.

Royal Criminal HeartsWhere stories live. Discover now