Natangap na ni Rosalie ang balita, nakatayo siya sa hagdanan na hinihintay si Tenho, pero sa halip na si Tenho ang dumating ang maraming mga bantay na pinangungunahan ni Bernard, ang mga batay na ito ay tumayo sa ibat ibang pwesto, lumapit si Arnel kasama si Bernard, at sila ay nagbigay galang.
"Mula po ngayon, kayo ay pinagbabawalang umalis ng West wing, hanggat hindi naayos ang sitwasyon" sabi ni Arnel
"Anung ibig mong sabihin?" Sambit ni Isabelle
"Hindi rin po maaring pumunta rito si Prince Tenho o kahit sinuman" dagdag nito at yumuko saka umalis.
Napaupo siya sa mga narinig, hindi alam ang gagawin, at wala ring magawa. Pumasok siya sa silid niya at umiyak ng tuluyan. Ito ang pakiramdam na napakawalang pag asa na siya.
Samantala si Tenho ay umalis sa bulwagan ng hari at pumunta sa kinaroroonan ng prinsesa pero pinigilan siya.
"Papasukin niyo ako, hindi niyo ba ako naririnig" galit na sabi nito habang inaawat siya at pinipigilan ng mga gwardia.
Napansin siya ni Bernard at nagmadaling lumapit,
"Kamahalan anung ginagawa ninyo?" Tanung niya
"Bernard kailangan kong makausap ang prinsesa kahit limang minuto lang___ tulungan mo ako" wika nito
"Pero malalagay sa panganib ang prinsesa maging tayong lahat kapag nangyari ito" sagot ni Bernard
"Kailangan ko siyang makausap, kailangan kong ipaliwanag sa kanya na mali ang artikolo___ kaya hayaan mo akong makausap siya" sambit niya
"Patawad po pero, hindi po talaga pwede___ mas manganganib po siya sa hari___ kamahalan bumalik na po kayo doon___ sa tingin ko mas mabuting ayusin ninyo po muna ito para maniwala sa inyo ang prinsesa, dahil kahit na makausap ninyo siya ngayon hindi sigurado na___ maniniwala siya" sabi ni Bernard at saka yumuko at umalis,
Umakyat ito sa silid kung saan nandoon si Rosalie, pumasok sila ni Isabelle. Agad silang sinalubong nito.
"Isabelle___ hindi ko ba talaga maaring makita o makausap si Tenho?" Mahina niyang tanung
Nagtinginan sina Bernard at Isabelle saka bahagyang ngumiti si Isabelle.
"Patawad po kamahalan, pero hindi pa po pwede" sagot niya
"Ganun ba?" Mahina niyang sabi saka pilit ngumiti at yumuko ang ulo saka lumakad papunta sa balkonahe ng silid niya.
Tumingin siya sa malayo, kita ang malawak na harden ng palasyo, pumikit siya saka ngumiti at masayang lumanghap ng hangin. Nakatayo lang sina Bernard doon at pinanood siya.
"Ang totoo, sa mga nakaraang skandalo ni Prince Tenho, ngayon ko lang siya nakitang ganito ka apektado, sa mga nakaraan tinatawanan lang niya ito" sabi ni Isabelle
"Ang mga ebedensiyang inihaharap sa hari ay nakaturo sa kanya, lalo na ang direktang pahayag ni Alice, hindi ko alam kung anu ang susunod, pero maging si Tito Alfred, ay sangkot dito, wala rin siyang magawa para sa parliamento o sa hari" paliwanag ni Bernard
"Pero bakit, siya ang itinuro ni Alice, alam kong si Lady Alyana, ang may kagagawan nito" mukhang galit na sabi ni Isabelle
"Sigurado ako, ginawa niya ito dahil malapit na siyang mapa alis sa palasyo, para maging madalian ang lahat, binabatikos ng parliamento si Prince Tenho, maaring matanggal siya sa posisyon, higit sa lahat kapag napatunayan na si Rosalie ang may kasalanan, mawawalan din ng karapatan ang anak niyang mamuno, naging madali para maging susunod na hari si Prince Troy" sabi ni Bernard
"Pero bakit ganun, kung si Lady Alyana ang gumawa nito, siya rin ay apektado, bakit niya isasakripisyo ang sarili niya?" Tanung ni Isabelle
"Hindi mo kilala si Alyana, siya ang taong kayang putulin ang isang paa para lang makuha ang nais___ kaya niyang sirain ang anuman para lang matupad ang pangarap___ walang makakapigil sa kanya ganun siyang tao" sambit ni Bernard
YOU ARE READING
Royal Criminal Hearts
RomanceAfter her engagement to the prince was broken, she was then proposed to marry the second prince. This marriage changed her life and her all. She was then trapped in a place where their is too much competition not only in throne but also in heart...