Kabanata 8

0 0 0
                                    

Maaga siyang nagising gaya ng plano. Nag ayos siya at hinintay si Tenho. Dumating din si Tenho pagkatapos ng ilang minuto.

"Halika na" sabi niya

Pababa sila ng conference hall dinig ang maraming tao sa loob.

Naupo sila sa harap ng maraming nagsisi ilaw na mga camera.

"Simulan na po natin" sabi ng Secretary ng Hari

"Maraming salamat sa inyong mga pagbati sa katatapos lang na kasal" pagsisimula ni Tenho

Nagsimulang nagtanung ang isang babaeng reporter.
"Princess Rosalie  anu po ang masasabi ninyo ngayun kayo ay pormal nang bahagi ng Royal Family?"

Maraang ngumiti siya.
"Alam kong ang maging bahagi ng Royal Family ay hindi madali... pero ito ay parang isang pag akyat ng mataas na bundok.. maaring nakakapagod pero sa huli ay ito ay nakakasaya"

"Pero anu po ang nararamdaman niyo na kayo ay ikinasal kay Prince Tenho samantalang kayo ay dating fiancee ng Crown Prince?" Tanung ng isa

Tahimik lang siya, at naghanda nang magsalita pero may sumunod na tanung.

"Anu naman po ang masasabi ninyo sa skandalong kinasangkutan ng asawa ninyo at si Crown Princess Alyana?" Tanung ulit

Nasimulan ang ganung katanungan at tuloy tuloy

Hinawakan ni Tenho ang kamay ni Rosalie at kinuha ito saka pinatong sa mesa upang makita ng lahat.

"Kami..." pagsisimula ninTenho at naka agaw sa atensiyon ng lahat.
"Kami po ay mamumuhay ng masaya, kaakibat ng aming mga tungkulin para sa lahat. At mga responsibilidad sa isa't isa... ang nakaraan ay naging bahagi na ng naraang kwento... at ang bagong kwento ay nagsisimula pa lamang"
Sabi ni Tenho

"Magiging madali po ba ang inyong pagkakasundu?" Tanung ng isa

"Kami ay magkakilala noong unang araw pa ng kolehiyo... kaya hindi mahirap para sa amin ang magkasundo... makakilala kami noon pa at palaging magkasama.." sagot ni Tenho

"Mahal na Prinsipe, ang nangyaring skandalo sa pagitan ninyo ni Princess Alyana.. may nakapagsasabi na ito ang dahilan kung bakit nangyari ang kasalan na ito at minadali ang tungkol sa kasunduan... anu po ang masasabi ninyo dito?"

Tahimik lang si Tenho, habang ang mga tao ay naghihintay ng kasagutan.

"Walang katutuhanan... ang lahat ay nangyari dahil ito ang dapat" maikli niyang sinabi

"Kung ganun po ibig sabihin walang po kayong pinagtatakpan?" Tanung ng isa ulit

Ramdan ni Rosalie na nagagalit ito dahil mahigpit ang pagkakahawak sa kamay kaya siya ang nagsalita.

"Ang kasal ay matagal na inasahan ngunit nagbago... ang panahon ay lumilipas lang kaya hindi natin namamalayan na nandito na pala... ibig kong sabihin... ang kasal na inasahan ng lahat ay hindi nangyari tatlong taon ang lumipas... kaya sa ngayun walang pinagtatakpan ang royal family... wala tinatago rito.. at ang tanging dahilan lang ay upangmatupad at matapos ang matagal nang kasunduan" sagot niya

Tumango ang karamihan sa kanila.

"Kontrolin mo ang sarili mo.. ikaw din ang mapapahamak dito" bulong niya kay Tenho

Tumagal ng isang oras ang press con at sa wakas ay nakahinga na sila.
Pumunta si Tenho sa opisina niya at kasunod ng asawa nito.

"Tenho" mahina niyang sinabi

"Salamat" sagot nito
" baka kung anu ang nasabi ko kanina kung hindi mo ako pinigilan" sagot niya

Tahimik lang siya iniikot ang mata sa paligid ng opisina nito. Nakita niya ang ilang mga paintings. Sa likuran ng upuan nito ay may isang lamp at isang nakaframe na larawan. Ito ang kanilang picture noong gabi ng kasal.

Nakaupu siya habang nakatayo si Tenho sa likuran niya.

Lalapitan niya sana pero nagsalita ito.
"Oo nga pala.. halika tapos nang inayos ang magsisilbing study room at opisina mo" sabi niya

Magkatabi ang kanilang opisina.
Pumasok sila at nakita niya ang loob. Sa gilid ay may mga bookselves na may mga libro. Maliwanag ang ilaw sa loob. May mga lampara sa apat na sulok at isang chandelier  sa taas. Sa gitna ay may isang malaking mesa, ang mesa niya at puting upuan. May dalawang upuan sa harap ng upuan niya at isang mahabang sofa sa gilid ng silid. Sa likuran ng upuan at katulad ng meron kay Tenho. Ang pader ay gawa sa glass kaya kita ang kabuoan ng labas. Makikita ang malawak ng harden ng hari at ang maliit na bahagi ng syudad sa labas ng palasyo.
Sa isang dingding ay may nakasabit na isang larawan. Ang kanilang larawan ni Tenho. Malaki ito at kitang kita. Katulad ng meron sa opisina ng asawa. Sa kanang bahagi ng ding ding ay may kulay pilak na napakalaking  quater moon. Na umiilaw. Ito marahil ang simbolismo niya.

"Maayos ba para sa iyo?" Tanung ni Tenho

"Oo masyado na itong maganda para sa akin" sagot niya at umupo sa upuan niya. Umikot siya upang makita ang syudad.

"Humarap ka muna dito.. may sasabihin pa ako" sabi ni Tenho na parang nag-uutos.

Kaya humarap siya.

Tumayo ito sa pagitan ng dalawang book shef na nandoon.

"Ang kanang bahagi ay naglalaman ng mga librong dapat mong malaman tungkol sa palasyo, nan dito rin ang batas ng bansa, palasyo ang ang korte ng bansa.. ang kaliwa ay iba't ibang mga libro" paliwanag niya

Napanguso lang siya sa sinabi nito.

"Magiging masyadong mahirap at abala ka mula ngayun.. dahil ang pamahalaan ang loob ng palasyo ay may mahirap kaysa pamahalaan ang buong bansa" dag dag ni Tenho

Pero iniba ni Rosalie ang topiko
"Oo nga pala... hindi ko nakita si Prince Troy.. mukhang wala siya sa palasyo?"

"Umalis na siya.. nagpunta ng Paris... para magbakasyon"

"Buti pa siya" biro niya

"Babalik siya bago ang ika-apat na kaarawan niya... dahil kapag ang prinsipe ay apat na taong gulang na magsisimula na siyang mag-aral"
Paliwanag niya ulit

"Aahhh... ok" sagot niya

Sandaling tinitigan siya ni Tenho.

"Nag-usap na ba kayo ni Kuya? " tanung niya

"Oo.. bakit...?"

"Wala... naisip ko lang" sabi niya ulit.

"Tenho..."

"Bakit?"

"Pwede mo ba akong dalhin sa Royal Villa... kung pwede lang"

"Wala ka bang gagawin?"

"Wala.."

Sandaling nag-isip ito. Saka pumayag.

Royal Criminal HeartsWhere stories live. Discover now