Natapos ang araw na basta niya lang tinatanggap ang mga pag insulto at pasakit ni Alyana sa kanya. Wala kasi siyang balak na makipagsagutan pa.
"Anung napansin mo sa Alice na yun?" Tanung niya kay Isabelle habang nasa opisina sila
"Matinik po ang mata niya, nakatingin siya kay Alyana sa buong magdamag, wala po siyang kahit na anung reaksiyon sa mukha niya... Isa pa wala siyang paki alam sa paligid niya" salaysay ni Isabelle
"Isabelle... Huwag mong bibigyan ng kahit na anung impormasyon si Bernard, alam ko ang taong yun... Matapat siya kay papa"
"Anu po ba ang totoong pinapagawa ng papa ninyo kamahalan" sabi niya at umupo sa harap ni Rosalie
"May pinapahanap siyang isang envelope na pag aari ng crown princess... Hindi ko rin alam kung anu ito... Baka may ideya ka?"
"Wala po akong ideya... Bakit kaya ganito ka interesado ang prime minister dito? "
"Walang paki alam si papa sa kahit anu mang bagay, ibig sabihin ang envelope na ito ay masyadong may mabigat na nilalaman... Pero hindi ako makakuha ng clue kung anu ito... "
Pareho silang natahimik at parang nagisip. At kumatok si Bernard,
At saka siya pumasok.
"Narito po ang Reyna" pahayag niya at saka yumuko
Tumayo si Isabelle at lumabas saka siya sinundan ni Bernard, bago pumasok ang Reyna.
Tumayo si Rosalie at nagbigay galang at saka umupo pagkatapos umupo ang Reyna.
May ipinatong na isang kahon ang Reyna sa mesa. saka ito kinuha ni Rosalie at binuksan.Nakita niya ang isang hairpin na may malaking bulaklak at mabigat dahil sa mga palamuti nitong mga dyamante at ginto.
"Kamahalan.. " mahina niyang sinabi
"Ibig sabihin po ba.. " saka siya ngumiti"Oo.. Rosalie... Natutuwa ang Hari dahil nalagpasan mo ang pagsubok na maaring dala ng kalawakan para sa iyo... Ito ang unang gawad mo..." Sabi ng Reyna
"Salamat po kamahalan"
"Ang mga babae ng Royal family at nagsusuot ng mga palamuting bulaklak sa kanilang mga buhok, nagpapakita lamang ito na ganap na ang iyong pagiging isang prinsesa... At simula ngayon, ikaw ay pagsusuotin ng mga dyamanteng bulaklak na palamuti sa buhok..." At saka ito tumawa
"Pumasok ka rito Isabelle... " sabi ng Reyna
Pumasok si Isabelle at nagbigay galang
"Mula sa araw na ito, ang prinsesa ay iyong pagsusuotin ng mga bulaklak sa buhok, huwag mong iiwan na nakalugay ang kanyang buhok, nagpagawa na ako sa designer ng mga palamuting gagamitin niya" wika ng Reyna"Masusunod po kamahalan" sabi ni Isabelle
"Isa pa, ang iyong opisyal na kulay ay ibinigay narin, ito ay ang kulay Pink" natutuwang sinabi ng reyna at tumayo ito.
"Sige na maiwan na kita, magkita tayo sa hapunan""Opo kamahalan"
Nang makalabas ito tinanong niya si Isabelle.
"Hindi ko masyado naiintindihan ang kulay... Anu ba yun"
"Ang sinasabi po ng reyna na opisyal na kulay, ay ito ang magpapakita ng iyong antas, halimbawa po kapag kayo ay magpapadala ng isang regalo, ang kahon po ay naayon sa kulay na iyon, maging ang sulat, ang sobreng gagamitin ay dapat kulay pink parin po"
"Ganun ba.. Anu ang kulay ng Reyna?" Tanung niya
"Ang Reyna po ay gumagamit ng Dark Red, ang Crown princess po ay Pula, ang Hari po ay Violet, ang Crown Prince po ay Asul, si Prince Tenho po ay light blue"
"Ang palamuti sa buhok... Anu ang ibig sabihin nito?"
"Ito po ay nagsasaad na isa kayong babaeng marangal na inirerespeto ng lahat.
nagpapakita po ito ang iyong katayuan at antas... Kaya magmula po ngayon hindi po kayo lalabas ng silid ninyo na nakalugay ang buhok.... Binabati ko po kayo kamahalan" sabi ni Isabelle"Peho hindi ba... Ang karangalan ay hindi bunga ng nagawa ko... Ibig kong sabihin.. Si papa naman talaga ang may gawa"
"Huwag niyo pong isipin yan kamahalan.. Bumalik na po kayo sa silid ninyo, at mag ayos para sa hapunan" sabi niya
Tumayo siya at lumabas ng opisina, nakita niyang wala si Bernard
"Sabi ko na eh" bulong niya
"Anu po kamahalan? "
"Ang taong yun na dumating bilang bodyguard, nawawala... May ibang ginagawa yan... Hayaan mo na" sabi niya at nagbalik sa silid niya,
Pagkatapos niyang maligo, inayos na ang buhok niya, maganda ang pagkakagawa at nababagay sa kanya.
"Binabati namin po kayo kamahalan" sabay na sabi ng lahat na nandoon sa silid.
Gumalang siya sa hari bago umupo, kapansinpansin ang ganda niya sa bagong ayos niya.
"Mahal na Prinsesa, ang ayos niyo ay sadyang nakakapanibago... " biro ng hari
"Maraming salamat po kamahalan" sabi niya
"Sa pagbalik ni Tenho bukas... Naniniwala akong matutuwa siya sayo" sabi ng Reyna.
Ngumiti lang siya tinitigan si Alyana.
Paglabas niya ng silid kainan, nandoon sa labas si Alyana.
"Masaya ba?" Sabi ni Alyana
"Pero mukhang okay lang sayo... Ganyan ka naman dati... Tagatanggap ng ginangawa ng pap mo.. Hindi ba?"Tahimik lang ulit siya at ngingiti ngiti lang.
"Bakit ba lagi kang tahimik... Bakit hindi mo ilabas ang dating ikaw""Dahil masyadong maliit ang palasyo para taguan ko kung sakaling may magawa ako" sagot niya
"Pero nais niyo po bang makita kung paano ang dating ako"Ngumiti lang si Alyana. Saka siya humakbang palapit sa kanya.
"Masmabuti na ang tanggapin ko ang ginawa para sa akin.. Kaysa tanggapin at agawin ang bagay na hindi akin... Mas mahirap yun""Anu" sabi ni Alyana
"Ang karangalan ng pangalan ko ay ginawa para sa akin, kaya ayos lang na tanggapin ko... Pero hindi ko tatanggapin ang bagay na para sa iba... Lalo nang hindi ko gagamitin pati ang buhay ko para ang agawin ang dapat para sa iba" sabi niya at masamang ngumiti
Doon ay natahimik na si Alyana at mukhang walang masabi.
"Mukhang wala po kayong masabi, kamahalan, maari na po ba akong umalis... KAMAHALAN" sabi niya at nagbigay galang"Halika na Isabelle... Kailangan pa kasing lagyan ng tubig ang malawak na lawa" sabi niya pagkalagpas kay Isabelle.
Hindi na niya tinignan ang reaksiyon ni Alyana sa nanginginig niyang pagkainis dito.
"Kamahalan.. Paano po ninyo napatahimik si Princess Alyana?" sabi ni Isabelle habang pa balik sila sa silid niya
"Kilala ko si ang Crown Princess higit kanino man, alam ko ang mga kahinaan niya" maikli niyang sagot
YOU ARE READING
Royal Criminal Hearts
RomanceAfter her engagement to the prince was broken, she was then proposed to marry the second prince. This marriage changed her life and her all. She was then trapped in a place where their is too much competition not only in throne but also in heart...