Kabanata 39

0 0 0
                                    

Nagmadaling lumabas si Marco sa bulwagan at nagtungo sa opisina niya, habang sinundan siya ni Tenho.

"Ikaw ang may gawa nun hindi ba?" Galit na sabi ni Tenho

"Alin?" Tanung ni Marco sa kalmadong boses

"Isinama mo ako sa skandalo mo--- alam kung ikaw ang nagpalabas ng artikolo tungkol sa akin--- upang siraan ako tama ba?"

"Bakit Tenho?---- sinu ba ang unang sumira--- ikaw hindi ba?" Wika ni Marco

Habang napadaan si Rosalie at tumayo mula sa pinto at pinakinggan ang dalawa

"Anung ibig mong sabihin?" Tanung ni Tenho

"Alam ko na ikaw ang nagbigay ng divorce sa hari--- alam ko rin na hindi totoo na nakita mo yun sa silid ni Rosalie--- dahil ang totoo pina imbistegahan mo kami--- maging ang asawa mo" galit na sagot ni Marco

"Ako??!!!"

"Oo Tenho-- akala mo ba wala akong alam sa mga ginawa mo?" Saka ito tumawa bago nagpatuloy,
"Pinaimbestigahan mo ang sarili mong asawa--- para makalamang--- dahil alam mong malaki ang hawak niya, ginamit mo siya Tenho--- habang nagtiwala siya sayo---- tapos sasabihin mong mahal mo siya--- huwag ako ang niloloko mo--- dahil hindi mo siya mahal ginamit mo lang siya."

Tahimik na si Tenho at walang maisagot kundi titigan ang kapatid na galit na galit.

"Bakit Tenho? Bakit hindi ka makasagot--- dahil totoo hindi ba?"

"Maliitin mo man ako-- sinisiguro ko sayo na wala ka nang magagawa--- higit sa lahat huwag mong maliitin ang anuman na meron ako sa asawa ko--- ako na ang bahala doon at wala ka na doon" galit na sabi ni Tenho.

"Hindi man ako magiging hari--- nasisiguro ko na hindi ka rin magiging hari---- hindi ma magiging hari" matigas na sabi ni Marco

Mula sa pinto ay umalis si Rosalie, dala ang mga narinig.

"Ikaw ang may gawa ng gulo-- pero dinamay mo ang lahat--- at isa pa hindi mo alam kung anu ang meron kami ni Rosalie" sabi ni Tenho

"Meron?... anung meron---- ay oonga, nakalimutan kong sabihin---- wala nga pala siyang anuman para sayo" insulto ni Marco saka ito humakbang palapit kay Tenho.
"Hindi bat-- hindi siya sumalungat sayo, hindi siya nagreklamo kung hindi mo siya nais, ni hindi man siya pumalag sayo--- yun ba ang tingin mo, na dahil mahal ka niya--- hindi Yun Tenho---- magising ka na--- ang lahat ay umiikot sa mundo sa kapangyarihan" wika ni Marco

"Huwag kang padalos dalos ng mga salita, mahal--- na--- prinsepe--- dahil hindi mo alam kung anu ang meron sa bukas" galit na sagot ni Tenho

"At kung iniisip mong masmabuti ka-- huwad ka--- anung makukuha ng bansa sa isang prinsepeng walang magawa sa asawa--- hindi marunong mag alaga at magmahal ng sariling asawa" sabi ni Marco

"Wala kang pinagkaiba sa akin Kuya"

"Alam ko--- kaya matagal ko nang pinakawalan---"

At galit na tumalikod si Tenho at umalis. Samantala si Rosalie at pabalik sa silid niya nang makita si Alyana,

"Pwede ba tayong mag usap?" Wika ni Alyana

Pumasok sila sa opisina ni Alyana,

"Wala na akong oras--- sabihin mo na kung anu ang nais mo" prankang sabi ni Rosalie

"Nais ko lang sabihin sayo kung bakit ka laging humahadlang sa akin? Bakit ikaw? Bakit pa?" Galit na sabi ni Alyana

"Ang ginawa mong kahihiyan ay dapat mong pagbayaran--- at wala na akong paki alam doon?"

Royal Criminal HeartsWhere stories live. Discover now