Kabanata 40

0 0 0
                                    

Matapos ang hapunan bumalik si Rosalie sa silid niya, nadaanan niya si Marco na nakaupo sa garden sa labas at nilapitan niya ito.

"Marco" mahinang sabi niya

"Patawad" sagot nito habang ang ulo nito ay naka yuko.

"Saan?" Tanung niya at humakbang palapit

"Dahil hindi ko tinupad ang pangako ko" wika ni Marco at tumayo, saka tumingin sa kanya.
"Hindi ako tumupad sa pangako na ililigtas kita--- at nauwi na nawalan ka na ng katungkulan" dag dag niya

"Pantay lang tayo--- ako rin ay hindi tumupad na hindi ko ibubunyag ang tungkol doon---" sagot niya

"Ginawa mo lang naman yun para iligtas ka mula sa mga bitag na nagawa ko---- namin" sabi ni Marco

"Lahat tayo Marco--- ay nakarating dito dahil nais nating iligtas ang ating mga sarili---"

"Paano ba tayo nahantong sa ganito?" Emosyonal na sabi ni Marco
"Ito ay dahil kay Tenho" matigas na sabi nito

Tinignan siya ni Rosalie ng matuwid.

"Anung sinasabi mo?---- sinisisi mo nanaman siya? Ganun ba?"

"Oo--- Rosalie--- siya lang" galit na sabi ni Marco

"Marco-- hindi mo ba naisip na tayo ang pumasok sa buhay nila--- tayo ang naki alam--- higit sa lahat tayo ang namagitan sa dalawa" seryosong sabi ni Rosalie

"Pero hindi ba dapat----"

"Hindi Marco--- kung sino man ang sisisihin dito ay ikaw--- ikaw lang--- hindi si Tenho lalong hindi si Alyana--- Kundi ikaw!" Galit na sabi niya

"Anung ibig mong sabihin?"

"Kung naging responsable ka sana noon pa--- ang lahat ay maayos na--- kung hindi ka nabaliw sa puso mo--- hindi mo ba naisip yun... ikaw lang ang may kasalanan... at hindi nila kasalanan kung hindi nila mahadlangan ang sarili nila--- yun lang ay nagpapahayag sila ng damdamin nila---- hindi ba dapat tayo ang mahiya? Dahil parehong tayo ay namamagitan sa kanila" seryoso at mahinang sermon ni Rosalie

"Ang puso ay hindi mapipigilan---- at hanggang kailan, magiging pangalawa lang tayo sa puso nila"

"Pero maari itong kontrolin--- naiintindihan mo ba---" sabi ni Rosalie at saka siya umalis

Mula sa kabilang banda ay nandoon si Tenho na tahimik at nakikinig.

Ang palasyo ay tunay ngang sira sira at wasak na wasak. Ang lahat ay walang kulay.

Na dahil sa puso ang lahat ay nagkagulo, dahil sa galit at pagmamahal. 💔💔💔
Lahat sila ay naiwang wasak ang puso at durog ang pakiramdam.
At ang gabing ito ang pinakamalungkot na gabi sa lahat. Dumanak ang luha sa mata ng bawat isa, mga luhang galing sa puso, pagsisisi ng lahat at sawi. Pero wala nang magawa ang lahat, huli na ang lahat. 💔😭

Kinaumagahan sa breakfast, ay tahimik lang si Rosalie habang kumakain sila ni Tenho. Lugaw lang ang kinakain niya dahil nasusuka siya sa mga pagkain.

"Mamaya--- muling  ipapahayag ng parliamento ang kanilang napag usapan--- hindi ko alam--- pero mukhang wala nang magawa ang lahat" sabi ni Tenho

"Anu pa man yun--- matatanggap mo ba kung may hatol?" Tanung niya

"Ang hatol--- wala kong magagawa kung anu man ang magiging hatol dito" sagot nito

Napahawak si Rosalie sa ulo dahil nahihilo siya.

"Ayos ka lang?" Nag aalalang tanung ni Tenho at tumayo saka nilapitan at iniabot ang tubig.

Royal Criminal HeartsWhere stories live. Discover now