Kumatok si Rosalie sa silid ng reyna at siya ay pumasok na may dalang tsaa. Umupo siya sa harap ng reyna sa saka naghandog ng tsaa.
"Kamahalan, humihingi po ako ng kapatawaran sa bawat bagay na aking nagawa" wika niya
Tinanggap ng reyna ang tsaa at saka ito uminom.
"Rosalie, ang lahat ay nangyari ng hindi inaasahan, ang bawat bagay ay maaring hindi ganun kaganda ang pangyayari" ibinaba niya ang tasa sa mesa at tumingin ng tuwiran kay Rosalie
"Tinanong kita noon, kung anu ang masmatimbang sa pagmamahalan ng ina o asawa, ang sagot ko ay ang ina____ pero matapos ang lahat ng ito, nahihiya kong isagot ito, pero sa mga ginawa mo, mas matimbang ang pagmamahal ng isang asawa___matapos ang mga nangyari sa inyo, nakita ko ang katatagan mo bilang asawa, ang mahigpit na ugnayan ninyo na kahit sino ang nagpahiwalay ay laging may paraan na kayo ay nagtatagpo parin" wika ng reyna
"Pagdating po sa pagmamahal, ang lahat ay may paraan, pinili ko pong manatili at bumalik dito kahit na alam kong habang buhay akong makukulong mula rito" sagot niya
"Sana ay maging maayos ang lahat para sayo" wika ng reyna at may kinuha siyang kulay asul na parang aklat,
"Kunin mo ito""Ano po ito kamahalan?" Tanung niya
"Ito ay ang huling diary na sinulat ni Marco bago siya naaksidente, hindi ko ito magawang itapon, kayat ibinibigay ko ito sayo____ tandaan mo ang mga bagay ay hindi man nagtapos ng mabuti pero ito naman ay nagwakas ng tama at wasto" sambit ng reyna
"Saan na po pupunta sina Alyana?" Tanung niya
"Pupunta muna sila sa Berlin, pinigilan ng hari ang pagsama ni Troy, pero hindi ito pumayag, kayat sasama si Troy sa kanya" paliwanag ng Reyna
□□□□□□□□□□□□□□□□□□□□□□□□□□□□□□□□□□□□□
Hinihintay ni Alyana ang hatol na dalhin sa kanya, alam na niya ito pero kailangan parin niyang marinig para maging pormal. Maya maya pumasok ang secretarya ng hari. Yumuko at saka binuklat ang hawak ng folder.
"Lady Alyana, simula sa araw na ito, ikaw ay pinapalaya sa iyong titolo at bilang bahagi ng Royal Family, At maninirahan sa palasyo, ngunit pinapayagan na malayang makapunta sa palasyo bilang ina ng pangalawang crown prince, mananatili ang patuloy na sustento ni Prince Troy mula sa bansa at ang kanyang titolo" sambit nito
Nang maka alis ito naupo siya, at nag isip kung anu ba ang mga nagawa.
Pumasok si Alfred at saka nagbigay galang.
Tumayo si Alyana at tinignan siya ng masama."Kung narito ka para batiin ako, salamat___ pero binabati rin kita___" wika ni Alyana at saka masamang ngumiti.
"Masaya ka na ba? Ngayong napabagsak mo ako, ang matagal mong nais?" Masamang wika ni Alyana
"Alyana, hindi ako narito para makipag away, laitin mo ako kung gusto mo, pero maniwala ka, buong puso akong narito para humingi ng tawad sa lahat ng mga nagawa ko" sambit ni Alfred
"Ang paghingi mo ng tawad ay hindi magpapabago ng anu pa man, dahil sayo, nauwi ako sa ganito, nasaktan ko ang mga tao sa paligid ko, ang sarili kong asawa, ang sarili kong pamilya, si Rosalie, ang lahat lahat____ sa tingin mo masaya ako habang nagkakasala ako sa kanila, hindi mo lang alam, nagawa ko ito dahil sayo" galit na sambit ni Alyana
"Alam kong may magagawa ka pa sana para sa aking ama noon, pero anung ginawa mo, tinalikuran mo siya at tinulak palayo, para lang sa kasakiman mo sa kapangyarihan" dagdag niya
"Patawarin mo sana ako, hindi ko alam na ganun ang naging epekto sayo" sambit ni Alfred
"Gaya ng sabi ko, walang magbabago, kaya hindi na mahalaga kung mapatawad kita o hindi, sa huli mas mababa ang kinabagsakan mo sa akin, ngayon ay wala ka nang kapangyarihan sa bansa, at ako ang pinakamasaya para sayo____ umalis ka na paki usap, hindi na ako makikinig pa" wika ni Alyana
YOU ARE READING
Royal Criminal Hearts
RomanceAfter her engagement to the prince was broken, she was then proposed to marry the second prince. This marriage changed her life and her all. She was then trapped in a place where their is too much competition not only in throne but also in heart...