Kabanata 32

0 0 0
                                    

Para sa unang hakbang ng paglilitis ang lahat ay ipinatawag sa bulwagan maging ang tatlong courtlady at ang head ng security bilang namumuno.

"Nagyon po ay tatanungin natin ang tatlong Court Lady, sina Charize, Alice at Isabelle" wika ni Arnel

Lumakad ang tatlo sa harap at nagbigay galang sa royal family,

"Maari niyo bang isalaysay kung nasaan kayo ng gabi ng pagdiriwang?" Tanung ni Arnel

Naunang nagsalita si Charize,
"Sa gabi ng pagdiriwang ako ay nasa likod lamang ng Mahal na Reyna buong gabi" maikli niyang sinabi

"tama po ba mahal na reyna?" Tanung ni Arnel

"Oo.. tama siya" maikling sagot ni Reyna Helen

"Kung ganun ikaw Alice, ikaw ay pumasok sa palasyo at sa silid, maari mo bang sabihin kung anu ang ginawa mo roon?" Tanung nito muli

Tinignan siya si Rosalie habang ito ay nagsalita,

"Ako po ay pumasok nang magsimula ang seremonya ng pagbati, upang i tsek ito, utos po ito ng Crown Princess, pero ako ay bumalik din sa pagdiriwang" paliwanag ni Alice

"At ikaw Isabelle? Ang sabi pumasok ka rin ng magsimula ang seremonya ng pagbati?" Tanung ni Arnel

"Opo--- ako ay pumasok at nagtungo sa silid ni Princess Rosalie, upang siya ay hanapin dahil umalis siya sa pagdiriwang at pumasok--- nag aalala lang po ako" sagot naman ni Isabelle

"Ngayong narinig natin ang panig ng lahat, hinihingi ko po kung maari naming tanungin ang mahal na prinsesa Rosalie" wika ni Arnel at humarap sa direksiyon na kinauupuan ng hari.

Tumingin muna ang hari kay Rosalie at saka tumango kay Arnel.
"Sige--- hindi naman masama yun" wika nito

Kinabahan si Rosalie pero hindi ito halata.

"Sa seremonya ng pagbati kayo po ay pumasok sa loob ng palasyo--- maari ko po bang malaman kung saan kayo nagpunta at dumating sa punto na hinanap kayo ni Isabelle?" Tanung ni Arnel

Nakatingin ng masama si Alyana sa kanya habang mukhang natatawa sa nakikita.

"Ako ay pumasok lang sandali upang may ayusin ang aking sarili sa aking silid, hindi naman ako nagtagal doon, dahil nang dumating si Isabelle kami ay bumalik sa pagdiriwang" sabi niya

Lumingon si Arnel kay Isabelle at tinanong ito
"Nang mapunta ka sa silid ng Prinsesa nandoon ba siya?"

"Opo--- at sabay po kaming lumabas" sagot ni Isabelle

"Tatanungin kita ulit Alice, ilang beses kang pumasok sa silid?" Muling tanung ni Arnel

"Isa po" walang pag aalinlangan na sinagot ni Alice

"Narinig po natin ang panig ng lahat, at panoorin po natin ito" sabi ni Arnel at sumenyas sa isang lalaki na nakatayo malapit sa TV screen, binuksan ito ng lalaki.

Na play ang isang anggolo ng CCTV footage sa harap ng silid ni Alyana,

"Bawat apatnaput-walong oras ay nagbubura ang security ng mga vedios, at isa lamang ito sa mga naretrive namin, ito po ang footage na nagpapakita na pumasok sa silid ang isang court lady, at ito ay malamang si Alice ayun sa kanyang pahayag, limang minuto siya sa loob at umalis muli---- matapos ang sampung minuto muling may pumasok na isa, at labin limang minuto ito sa loob bago lumabas, nakayuko at hindi makita, walang malinaw na bahagi ng katawan ang makakapagsabi kung sino ito" paliwanag ni Arnel habang nag play ang vedio.

Nang matapos ang vedio, muling nagsalita si Arnel,
"Ibig sabihin lamang nito ay may pumasok sa silid matapos lumabas si Alice" muling pahayag ni Arnel at humarap sa hari,
"Sa mga salaysay na ating narinig, lahat ay itinanggi na pumasok sa silid, at sana ay totoo ang mga nasabi nila, dahil mas mabigat ang parusa kapag napatunayan na sila ay nagsinungaling--- at dahil din doon muling maghahanap ang lahat ng bagong ebedensiya tungkol dito" salaysay ni Arnel

"Kung ganun wala bang maituturing na pangunahing suspek sa nangyari?" Tanung ni Marco

"Sa kasalukuyan ang itinuturing na pangunahing suspek ay ang mahal na prinsesa Rosalie, Court Lady Alice at Isabelle, higit pa dun kasama rin ang ibang mga utusan na nasa loob sa oras na ito" wika ni Arnel

Natakot si Rosalie at nagulat ang lahat, pero si Alyana ay may ngiti sa labi.

"Kamahalan, amin pong hinihingi na bawiin pansamantala ang pamumuno ni Princess Rosalie sa hukuman na kakukuha lang niya, dahil ang mga tao sa labas ay tinutuligsa ang palasyo, sana po ay maintindihan ninyo" pahabol ni Arnel

Lalong ngumiti si Alyana, habang ramdam na ni Rosalie ang takot sa buong katawan niya.

"Sa tingin ko ay ito rin ang nararapat--- upang walang maisip na masama ang mga tao sa labas--- pansamantala muna nating ibabalik kay Alyana ang kapangyarihan ng hukuman" sabi ng Reyna

Si Tenho ay hindi mapakali, pero sa kinatatayuan niya ay lalong delekado kung siya ay mag sasalita pa.

"Sige gawin natin yun" sabi ng Hari matapos matahimik ng matagal

"Pansamantala na po nating binabalik kay Princess Alyana ang katayuan ng hukuman" wika ng prinsipal secretary ng hari

"Ang pumasok sa silid ng Crown princess na walang pahintulot ay isang kalapastanganan sa batas at katayuan ng tagapagmana, kung kaya't isa itong malaking kasalanan may nawala man o wala" pagwawakas na sinabi ni Arnel bago siya tumabi

Napayuko si Rosalie habang tinitigan siya ni Tenho ng walang magawa para sa asawa.

Nagmadaling bumalik si Rosalie sa silid niya kasama si Isabelle, galit na galit at nagwala, sa harap niya ay nakita ang nakaframe na larawan nila ng papa niya at kinuha saka binato sa sahig at nag ingay sa paligid.

"Huminahon po kayo, kamahalan--- baka po may makahalata" mahinang sabi ni Isabelle habang inaawat ito,

Napaupo siya at saka pumikit, umupo si Isabelle sa tabi niya saka siya tinapik sa likod habang ito ay nakayuko at hawakhawak ang ulo.

"Huwag niyo pong pigilan ang luha ninyo--- mas gagaan po ang lahat kapag ito ay nailabas" wika ni Isabelle

Naramdaman ni Rosalie ang salita ng isang nagmamalasakit na kaibigan, inia ngat niya ang ulo niya at tinignan ito. Ngumiti si Isabelle at hinawakan ang kamay niya at tumango.
At mula sa mga pisngi ni Rosalie, dumaloy ang luha ng kanyang galit at sama ng loob. Ramdam niya ang sakit sa puso niyang nadudurog. At siya at sumandal kay Isabelle na parang isang walang pag asang kawawang bata, habang ramdam niya ang kamay ni Isabelle na tumatapik si likod niya habang siya ay nakayapak dito, na nagsasabing
"Maayos ang lahat"

Mula nang pumasok siya sa palasyo, unang beses na nagpakita ng kabutihan ng isang nagmamalasakit na kaibigan sa kanya.

"Naiintindihan kita bilang isang kaibigan" mahinang bulong ni Isabelle

Pumasok si Tenho ay nakita sila, nakita ang luha ng asawa, ang luha na siyang naging daan ng pagpapahayag na hirap na siya, at nakita si Isabelle na nagpapakita ng pag mamahal at pag mamalasakit, lumapit siya at naupo sa tabi ni Rosalie sa kabilang banda ni Isabelle. Saka niya hinawakan mga braso ni Rosalie, at dumilat siya, umalis siya sa pagkakasandal kay Isabelle at humarap sa asawa. Habang ngumiti si Tenho.

"Nandito lang kaming lahat---- kung kailangan mo ang kasama" wika niya,

Itinaas niya ang kanyang mga kamay at pinunasan ang luha ng asawa sa pisngi nito.

Tumayo naman si Isabelle at nagbigay galang, saka tumango kay Tenho at umalis.

"T...Tenho" mahinang wika ni Rosalie

"Sige lang" sambit ng asawa

Pero wala siyang sinabi kundi sumandal at yumakap sa asawa.

"Anung gagawin ko?" Mahinang tanung niya

"Huwag ka munang masyadong papakapagod--- maayos din ang lahat--- maniwala ka" sambit ni Tenho.

Alam ni Tenho na kailangan siya at kailangan niyang nandoon para sa asawa, walang nakakaalam sa kanilang lahat kung anu ang susunod na mga mangyayari.

Royal Criminal HeartsWhere stories live. Discover now