Kinabukasan; bagaman masakit ang mabilis at maagang pamamaalam niya ay umalis siya sa bahay nila.
Dinala siya sa isang silid kung saan may pumasok na tatlong babae, nauna ang isa habang sumusunod ang dalawa. Bago nagsalita ay gumalang muna sila.
"Magandang araw po, Kamahalan. Ako po si Miss Isabelle, ang bago ninyo pong taga-silbi. Ako po ang mamamahala sa lahat tungkol sa inyo"
Nagulat siya ngunit wala siyang masabi.
"Magandang araw din" yun lang ang maikli niya sinabi"Simulan na po nating pag-aralan ang sulok ng palasyo, hanggang sa kasal at sa mga tradisyon nito. Napunta po kayo sa palasyo noon kaya naniniwala akong may kaalaman kayo sa mga ibang bagay" mabait nitong sinasabi
"Nakalimutan ko na.. simulan nalang natin ulit" sabi niya.
"Kung ganun po sumama kayo sa akin" wika niya habang nakangiti
Sinundan siya si Isabelle habang pasunod sunod lang ang dalawa nitong kasama.
Dinala siya sa dalawang silid sa dulo ng pasilyo, may dalawa itong pinto na magkatabi,
"Ito ang nagsisilbing mga opisina ng dalawang pinakamataas na tao sa bansa, ang kanan ay ang hari habang sa kaliwa ay ang Reyna... doon naman po sa pintong iyon...."
At itinuro niya ang dalawa muling silid sa kanang bahagi ng pasilyo.
"Doon po ang opisina ng Crown Prince at Crown Princess.. sa banda pong ito"
At itinuro naman ang kaliwang bahagi ng pasilyo
"Ay para sa inyo ng Prinsipe... ngunit ang iyong opisina ay kasalukuyang nakasara, dahil inaayos pa po"Hindi siya sumagot, siya ang tipo ng taong tamad ang bibig sa pagsasalita, kaya tumatango lang siya.
Umakyat sila sa isang magarang hagdanan na may gintong pintura, at nakarating sila sa isang silid.
"Ito po ang silid ni Prince Tenho, at sa kabila po ang iyong silid, pumasok po tayo" pagpalatuloy niya
Pumasok sila at nakita niya ang malawak ng silid, may kama itong malalambot, may make-up table din at maliit na sala. Sa gilid ay may dalawang pinto.
"Doon po ang paliguan at ang isa pong iyon ay ang iyong dressing room... at kamahalan.. simula po ngayun mga piling damit lang po ang maari ninyong gamitin, yun din po ang dahilan kung bakit hindi natin kinuha ang iyong mga damit mula sa inyo... kayo po ay magsusuot ng mga damit na gagawin ng royal dresser"
Sa ngayon ay nagsalita siya, "alam ko ang mga yun" maikli lang niyang sinagot
Lumabas sila at nagpatuloy sa paglalakad.
"Ang silid po ninyo ay maaring pasukin ng prinsipe pagkatapos po ng kasal" pahabol na sabi ni Isabelle
Dinala siya sa isang maliit na sala at pinaupo.
At tumayo si Isabelle sa harap niya na parang isang gurong nagtuturo."Ang mga bagay na kailangan ninyong malaman ay madali lamang... una po tungkol sa pagkain, pagkatapos po ng kasal, kayo po ang kakain ng agahan sa sariling kainan ninyo kasama ng asawa ninyo, ang tanghalian naman po ay depende sa inyo... ngunit at hapunan ay laging sa royal table... kasama ang lahat" turo ni Isabelle
"Ibig sabihin kakain ako ng hapunan araw araw kasama sila?" Pagkabigla niya
"Opo kamahalan...."
Natahimik lang siya at nagpatuloy si Isabelle.
"Pangalawa po ay ang iyong araw araw na kaanyuan... gaya po ng sabi ko mga piling damit ang iyong gagamitin... kayo po ay magsusuot ng alahas na rehistrado sa palasyo... kayo po ay limitadong gumamit ng mga make-up at masyadong mabangong pabango"
YOU ARE READING
Royal Criminal Hearts
RomanceAfter her engagement to the prince was broken, she was then proposed to marry the second prince. This marriage changed her life and her all. She was then trapped in a place where their is too much competition not only in throne but also in heart...