Kabanata 34

0 0 0
                                    

Ilang oras ang lumipas ay nagkamalay na si Rosalie, kasama niya sa silid si Tenho at si Isabelle at ibang mga nurse at utusan.

At dumating si Doc Alden dala ang isang papel.
"Sige na Alden, magsalita ka na--- " wika ni Tenho

"Uuhhh.... opo kamahalan--- dalawang linggo na po" wika niya

Bumangon si Rosalie sa pagkakahiga at naupo
"Anu yun?" Wika niya

"Dalawang linggong buntis na po ang kamahalan" nagagalak na sabi ni Alden

Hinawakan ni Tenho ang mga braso ni Rosalie at saka ngumiti sa kanya.

"Oo... Rosalie-- ikaw yun--- nagbubuntis ka ng magiging anak natin"

Labis na nagulat si Rosalie, marahil ito ang dahilan ng kanyang madalas na pagkakahilo at pamumutla.

Yumakap si Tenho sa kanya, siya ay walang reaksiyon at ramdam parin ang pagkabigla sa bilis ng pangyayari.

Habang nagmadaling nagtungo sa opisina ng hari ang Reyna.

"Marlon--- narinig mo ba?" Wika ng Reyna habang umupo ito sa harap ng asawa.

"Ang alin?" Sagot ng Hari at isinara ang binabasa

"Ang pagbubuntis ni Rosalie" nagagalak ngunit nag aalala niyang sinabi

"Oo... yun nga ang pinag uusapan namin ni Secretary David kanina--- pero bakit mukhang nababahala ka?" Wika ng hari at itinabi ang folder na binabasa

"Nag aalala lang ako, na sa ganitong sitwasyon ng palasyo ngayon" sabi ng Reyna at iniwas ang tingin sa hari

"Hindi ka dapat nababahala---- sa katunayan ay dapat kang magsaya----"

"Masaya ako, pero paanu ang nagaganap na iskandalo ng palasyo---- makaka apekto ito"
Mabilis na pag agaw ng Reyna

"Hindi, dahil sa pangyayaring ito---- malulutas ang isang suliranin--- mamaya ay may magaganap na Press Con ng palasyo at ipapahayag ng palasyo ang pagbubuntis ni Rosalie"

"Bakit ka nagmamadali.... mainam lang na hayaan natin sila?"

"Hindi--- sa pamamagitan ng aanunsiyo nito ay malulutas ang iskandalong ginawa ni Tenho--- yun ang dapat kung unahin ngayon--- kapag hindi naayos ito--- ang parliamento na ang magpapasya, kilala mo sila Helen---- hindi nila lulubayan ang nangyari hanggat hindi naalis sa pwesto si Tenho----" paliwanag ng Hari

"Mamaya ay ihaharap ni Arnel ang kanyang nasabing bagong ebedensiya---- ayon sa kanya ito raw ang magpapatunay kung sino ang nanghimasok sa silid ni Alyana" wika ng Reyna

"Oo--- pero ipinagliban ko muna ito para sa lahat--- ngayon ay sasamahan mo ako at puntahan natin si Rosalie--- para personal na mabati" sagot niya

Napabuntong hininga lamang ang Reyna at walang masabi, naisip rin niya na tama ang asawa.

Kumalat nga sa buong bansa maging sa mundo ang pagbubuntis ng prinsesa, naging laman ng usap usapan ang balita.

"Binabati kita Rosalie, nawa ay mabigyan ka ng malusog na pagbubuntis at maging maayos ang iyong isisilang, huwag kang masyadong magpapagod at dapat sundin mo ang mga sinasabi ng Doctor" sabi ng Reyna at ngumiti

Sila ay nasa maliit na sala ng silid ni Rosalie, nandoon din sina Bernard at Isabelle, maging ang mag asawang Marco at Alyana pati na si Troy.

"Rosalie iha--- dapat mong tandaan na hindi pangkaraniwan ang batang nasa sinapupunan mo, ang batang ito ay isang marangal, isang batang nagdadala ng pangalan ng ating lahi, at balang araw ay magbibigay ng papuri sa bansa at sa Hari" sabi ng hari, bahagyang yumuko si Rosalie sa kanya,
"Tenho--- alagaan mo ang asawa mo--- nararapat lamang na tigilan mo na ang iyong mga kalokohan, bantayan mo siya nang sa ganun ay maramdaman niya ang suporta ng isang asawa...."

Royal Criminal HeartsWhere stories live. Discover now