Rosalie POV
Hindi man naging maganda ang mga nangyari sa aming lahat, ito lang ay nagsimula sa isang pagmamahal. Ang mga galit sa puso na naramdaman namin lalo na kay Alyana ay nabuo at lumaki dahil may minamahal silang nais nilang protektahan.
Para kay Alyana at Troy, kasalukuyan silang nasa Madrid, ang huling balita ko ay nag aaral si Troy doon at isang mabuting estudyante.
Sina mama at papa naman ay nasa Hawai para sa kanilang bakasyon, wala nang posisyon sa bansa si Papa, wala na siyang kapangyarihan, pero masaya ako dahil napagtanto niya ang kanyang mga kasalanan.
Si Alice naman ay nakapag asawa na raw at may anak na, bagamat hindi ako nakapaghingi ng tawad, alam kong ang langit ang nagdadala ng aking mensahe sa kanya.
Masaya parin patuloy ang dating Reyna na si Helen, habang inaalagaan ang asawa, bagamat malala na kalagayan niya, ay masaya daw siya dahil alam niyang wala siyang pinagsisisihan.
Para kay Tenho, napapamunuan niya ang bansa ng maayos at masagana, at unti unting naibalik ang maganda ang maayos na imahe ng palasyo na minsan ay nasira.
At para sa akin, naging mabuti ang Reyna sa asawa ko at sa bansa, nagsilang na ako sa anak ko. Si Prince Aiden, na siyang hinirang na bagong tagapagmana ng bansa. Masaya ako at wala akong pinagsisisihan sa mga pangyayari.
Maraming natutununan ang lahat sa aming pinagdaanan, lalo na ako, hindi ko alam kung anu o paano, pero kusang natutunan habang pinagdaanan.
Masaya na rin siguro si Marco nasaan man siya, habang nakita niya kung anu ang mga nangyari.
At balang araw, ay tuluyang maayos ang hindi pa natapos.
Higit sa lahat ito lang naman ang nais ng lahat.
♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡
Maraming salamat po
Sa inyong pagbabasa
Sana ay nagustuhan ninyo
At patawad sa mga typoMary Belle
YOU ARE READING
Royal Criminal Hearts
RomanceAfter her engagement to the prince was broken, she was then proposed to marry the second prince. This marriage changed her life and her all. She was then trapped in a place where their is too much competition not only in throne but also in heart...