Kinabukasan, buo ang pasya ni Rosalie, hindi na niya papaki alaman ang lahat, at lakas loob niya pinuntahan si Marco sa opisina nito.
At inilapag sa mesa nito ang envelope, nagulat dito si Marco at kinuha saka binuksan, at laking gulat niya ang makita ang laman.
"P----paano mo to nakuha?"
"Ako ang pumasok sa silid ni Alyana--- inaamin ko na" mabilis at matapang niyang sagot.
Hindi naniniwala at tumawa si Marco habang ibinalik muli ang papel sa sobre.
"Ang punong ministro, ang aking ama ang nagbigay ng impormasyon para nahapin ko yan---- ngayong nahanap ko at nalaman ko ibinabalik ko na sa iyo... ikaw na ang bahala kamahalan" mahinang sabi nito
"Pero bakit? BAKIT MO ITO KINUHA?" galit pero mahinang tanung ni Marco
"Alam mong noon pa lang ay magka away na kami ni Alyana--- sa pamamagitan niya, tuluyan na siyang mawawala... pero nagbago ang isip ko nang malaman ko kung anu ang magiging epekto nito sa iyo maging sa katayuan mo... hindi ko nais na idamay ka sa kaguluhang ito" sabi ni Rosalie
Ipinatong naman ni Marco ang kamay sa mesa at tinignan ng deretso si Rosalie.
"Hindi mo ba itatanong kung bakit kami nag divorce?""Hindi---- usapan ninyo yan--- ang iniisip ko lang--- magiging hadlang yan sa katayuan mo kung sakaling malaman ng lahat--- kung kayat kailangan mo akong iligtas mula sa mga nag iimbestiga, para hindi ko ilabas ang totoo" matigas niyang sinabi
"Isa ba itong hamon?" Tanung ni Marco
"Oo... isipin nalang natin na palitan ng pabor--- dahil ang iyong pagiging hari sa kasalukuyan ang nakasalalay dito" sambit ni Rosalie at tumalikod para umalis
"Hindi ako magiging hari---" wika ni Marco at napigil siya saka muling lumingon
"Anung ibig mong sabihin?"
"Kahit kailan hindi ako magiging hari ng bansang ito---" wika niya
Muling lumapit si Rosalie at umupo sa harap niya.
"Bakit?" Mahina at nagtatakang tanung niya
"Naalala mo noong nasa Madrid tayo--- nagkasakit ako"
"Pero TB lang yun at madaling malunas"
"Yun ang akala ko noon--- dahil sa pag aakala ko na madali lang ito, nawalan ako ng bantay sa sarili, hanggang sa lumala, at huli na nang malaman kong nasira na ang aking baga"
Nagulat si Rosalie at hindi mapakali
"P____paano mo ito naitago sa lahat?" Mahina niyang tanung"Kung ang divorce ay madali kong naitago ang kalagayan ko pa ba?" Sagot niya at tumawa,
"Nakipagdivorce ako dahil hindi ako magiging hari--- alam kong darating ang oras na matatapos ang lahat sa buhay ko--- nais kong iwan ang trono kung sakali kay Alyana, pero nang tumagal nawalan din ako ng tiwala sa kanya---- naubos ang lahat ng akin, lalo na nang paulit ulit akong sinasalungat niya--- kaya ako nakipagdivorce...""Pero...B---bakit?"
"Kapag divorce na kami--- kung mawawala ako, wala na siyang karapatan para maging reyna--- nang malaman niya yun, hinamon niya ako na ilalabas ang totoo, kaya pumayag ako sa kondisyon niya na itago ang lahat, hanggang sa italaga si Troy na tagapag mana"
"Pero hindi magiging tagapagmana si Troy kapag hindi ka magiging hari"
"Kapag naging nalagpasan ko ang lahat at naging hari, maitatalaga si Troy na tagapagmana bago ako mamatay...yun ang nais ni Alyana" mahinang sabi ni Marco
"Marco" mahinang bulong ni Rosalie
"Makinig ka sa akin--- ginawa ko ito para sa bansa, hindi masisiguro ang royal Family sa oras na maging reyna si Alyana---- kaya ko ito ginawa"
"Bakit? Anung nagawa ni Alyana?"
"Marami---- at higit sa lahat nagiging hamon siya sa katayuan ng royal family, malaki ang magbabago kapag naging reyna siya"
Tumingin ng diretso si Marco kay Rosalie,
"Makinig ka, kapag ako ay nawala, mabubunyag ang divorce, at kapag hindi pa naitalaga si Troy, si Tenho ang susunod na hari---- kapag nangyari yun, mangako ka na aalagaan mo siya----""Marco..huwag kang magsalita----"
"Manatili ka sa tabi niya, maging mabuting asawa at reyna sa kanya--- alagaan mo siya, Rosalie, hindi si Alyana ang dapat mong alalahanin kundi si Tenho..."
"Marco---"
"Makinig kang mabuti--- kapag naging hari na si Tenho, ang mga darating ninyong mga anak ang siyang itatalaga na tagapagmana--- sana darating ang araw na ipa intindi mo kay Troy kung bakit ko ginawa sa kanila ito" nanginginig na si Marco
"Hindo ko maintindihan"
"Si Tenho ay magiging mabuting Hari--- balang araw--- huwag mo siyang pababayaan...mangako ka" mahinang sambit ni Marco
Tahimik na si Rosalie at hindi na sumagot sa narinig. Hindi siya mapakali at hindi makapaniwala. Kinuha ni Marco ang sobre at saka inilagay sa drawer niya.
"Nais kong sa huling sandali, may magawa ako para sa asawa ko---kaya kahit mahirap, tiniis ko ang lahat, para sa kanya" muling sambit ni Marco
Mabigat ang loob ni Rosalie na lumabas, magkahalong galit, sama ng loob at pagsisisi ang nararamdaman niya, hindi niya alam ang pinasok niya.
Lumakad siya sa pasilyo pabalik sa silid niya, habang si Isabelle ay nasa likod niya at tahimik na sumusunod. Nakaramdam siya ng pagkahilo, masakit ang ulo niya at napahawak siya rito, nakita niya si Tenho na nakatayo sa pinto ng silid niya na parang hinihintay siya, pero masakit ang ulo niya at nahihilo siya, naglakad pa siya at nagdidilim ang paningin niya hanggang sa bumagsak siya sa pasilyo ng walang malay.
Tumakbo si Tenho habang sinigaw ang pangalan niya. Tinapik ang mga pisngi niya at sinubukan siyang gising. Binuhat niya ito at inutos kay Isabelle na tawagin si Doc Alden. Dinala niya ito sa silid niya at pinahiga sa kama, saka inayos siya, tinanggal niya ang hills na suot nito, saka naupo sa tabi niya.Maya maya nagmamadaling pumasok si Alden kasama ng mga nurses niya, tumayo si Tenho at tumabi muna. Agad namang kinuha ni Alden ang stethoscope niya at tinapat sa puso nito ng ilang ulit.
Saka kinuha ang kamay niya at saka i tsek ang pulso nito. Pumikit si Alden habang paulit ulit na inililipat ang kamay sa pulso ng kamay ng prinsesa.
"Bakit Alden? Ganun ba kalala ang kalagayan niya?" Nag aalalang tanung ni Alden, saka siya dumilat
"Sa aking pagkakakita siya ay maayos... pero kamahalan--- mukhang nakakagulat na balita ito para sa lahat" wika ni Alden
Lumakad si Isabelle palapit sa kanila.
"Bakit po?" Tanung ni TenhoMuling kinuha ni Alden ang kamay ng prinsesa at humawak sa pulso niya,
"Nararamdaman ko po--- mukhang nagdadalang tao ang kamahalan!!!" Nagugulat at natutuwa niyang sinabiHalos mapatalon si Tenho sa narinig, at lumapit sa asawang walang malay,
"R....Rosalie narinig mo ba?" Bulong niya
"Kailangan naman po natin ng sample para masiguro" paalala ni Alden.
YOU ARE READING
Royal Criminal Hearts
RomanceAfter her engagement to the prince was broken, she was then proposed to marry the second prince. This marriage changed her life and her all. She was then trapped in a place where their is too much competition not only in throne but also in heart...