Kabanata 35

0 0 0
                                    

"Isabelle" wika ni Tenho nang makabalik siya at nakita si Isabelle na palabas na sa silid ni Rosalie

"Nakatulog na po ang prinsesa--- ayon po sa kanyan---pagod raw siya kaya nakatulog na po" wika ni Isabelle

"Ganun ba--- sige salamat... magpahinga ka na rin" wika niya at saka pumasok sa loob.

Nakita niya na tahimik at mahimbing na ang tulog ng asawa. Lumapit siya at umupo sa tabi niya. Saka niya ito tinitigan.

"Alam mo sa totoo lang, nasasaktan ako, para sa sarili ko, nagagalit ako dahil alam kong malaki ang kasalanan ko, iyon na siguro marahil ang dahilan kung bakit hindi ka man lang nagsasabi sa akin sa kung anu ang problema mo, ni hindi mo man sinasabi sa akin kung anu ang kalagayan mo, higit sa lahat nagagalit ako sayo, dahil sa tuwing tinatanong kita kung maayos ka  ang lagi mong sagot at oo--- galit ako dahil doon--- sana  balang araw magawa mo akong mapatawad sa lahat ng mga kasalanan ko" bulong niya,
Inayos niya ang komot nito bago tumayo.

Nang gabing yun hindi rin makatulog si Alyana, at siya ay kasalukuyang umiinom ng wine sa kanyang balkonahe kasama si Marco.

"Ang batang yun ay isang hamon sa paghahari ng anak ko" matigas niyang bulong sa sarili

"Sino? Ang pinagbubuntis ni Rosalie?" Tanung ni Marco

"May iba pa ba--- hindi pa ganap na tagapagmana si Troy kasunod mo, si Tenho po ang nasa linya kasunod mo--- at ang batang yun ay may pantay na kapangyarihan kay Troy hanggang hindi ka pa hari" wika ni Alyana

"Anu nanaman ang plano mo... muling siraan si Rosalie, muling gamitin si Tenho.... hindi ka ba napapagod... hindi ka ba nagsasawa?" Tanung ni Marco at tumingin sa malayo bago uminom ng wine

"Hindi mo alam kung bakit ko to ginagawa?" Sabi ni Alyana

"Alam ko... dahil alam mong hindi ka magiging Reyna, dahil alam mong hindi ako magiging hari, at alam mong banta si Tenho at Rosalie sa paghahari ni Troy kasunod ko, kaya mo sinisiraan si Tenho sa publiko para mawalan ng galang at respeto ang tao sa kanya---- upang madaling makukuha ni Troy ang trono kasunod ko hindi ba?" Pag iinsulto ni Marco

"Ginagalit mo nanaman ba ako?"

"Hindi sinasabi ko lang ang Totoo...bakit? Nasaktan ka ba?" Muli siyang ininsulto ni Marco

"Kung ganun bakit ka nakipag divorce? Walang pangako ang mundo para sa atin Marco.... iyon nalang ang isipin mong dahilan ganun ba--- akala mo ba talaga wala akong alam----?"

"Ang divorce ay para pigilan ka sa mga hakbang mong nagmamalabis sa oras na ako ay wala na..." mahinang wika  ni Marco at lumakad palayo.

Dahil sa galit binato ni Alyana ang baso na hawak at kumalat ito sa sahig.
"Humanda ka sa akin... kayong lahat" bulong niya saka ngumiti

Kinaumagahan nang magising si Rosalie, nakita niya si Tenho na nakaupo sa kama at nakatalikod sa kanya. Lumapit siya rito, saka niyakap sa likod.

"Magandang umaga" bati niya

Pero walang imik ang prinsepe at tinanggal pa ang kamay nito.

"May problema ba?" Muling tanung ni Rosalie.

Tumayo si Tenho at humarap. Nakatitig ng malalim at nakakatakot kay Rosalie, hawak hawak niya ang kopya ng divorce nina Alyana na kinuha niya bago ibalik ito kay Marco.

"Anu ito Rosalie?" Nakakatakot niyang tinanong

Tumayo mula sa kama si Rosalie saka hinila ito sa kamay ni Tenho.

"Wala ka na rito" sagot niya

"Bakit? Bakit mo hawak ang divorce nila, at bakit sila may divorce--- may nangyayari ba na  hindi ko nalalaman?" Galit na sabi nito

"Kung nais mong malaman kung bakit sila may divorce ang mag asawa ang tanungin mo...hindi ako" pagdepensa naman ni Rosalie

"Pwede ba!!! Kahit ngayon lang magsalita ka sa akin... sabihin mo sa akin.... pwede ba yun" galit na si Tenho
"Bakit? Dahil ba wala kang tiwala sa akin? Dahil ba hindi ka naniniwala sa akin?" Pagpapatuloy niya

"Anu bang pinagsasabi mo--------"

"Ang sinasabi ko, ang dami mong lihim, pwede bang ngayon ay ituring mo akong asawa mo, pagkatiwalaan mo ako--- mahirap ba yun?" Mahinang niyang sambit

"Malaki ang tiwala ko sayo noon pa man--- pero anung ginawa mo?" Sagot naman ni Rosalie

"Kahit na!!! Sabihin mo na kung bakit may divorce ang dalawa" mukhang nag uutus nitong sinabi

Tahimik lang si Rosalie at sinubukang umiwas
"Rosalie.... sumagot ka"

"Dahil pagod na si Marco! At nais na niyang pigilan ang buhay niyang may asawa.... at kung may nais ka pang malaman siya ang tanungin mo...." galit na sinabi ni Rosalie at saka umiwas
"Mamaya ang hatol ng parliamento mula sa naiharap na ebedensiya ni Alden--- kailangan kong mag handa... umalis ka na" mahinang sabi niya

"Rosalie--- paano niyo ito nailihim... kung may mangyayari wala kayong sisisihin..."

"Anung iniisip mo Tenho... sasabihin mo sa Hari?"

Tumalikod si Tenho at lumakad palabas pero tumakbo si Rosalie at pinigilan siya sa pinto.

"Pigilan mo ang sarili mo... ang lahat ng ito ay para sa ikabubuti ng lahat... kausapin mo muna si Marco...pakiusap" mahina at malambing niyang sinabi

"Hindi ko naman sasabihin--- aalamin ko lang kung ilan pa ang lihim mo--- Rosalie, magtanda ka na--- pigilan mo na ang kasusunod sa papa mo" wika niya at pinatabi ito bago lumabas

Nang maka alis si Tenho pumasok si Isabelle na may dalang tsaa. At inilagay ito sa mesa

"Uminom po kayo ng tsaa, upang uminit ang iyong umaga"
Pagbati ni Isabelle

"Hindi lang mainit ang umaga ko... kundi kumukulo na"

"Po?"

"Wala----"

"Uminom na po kayo at para makapag ayos... kahapon po ay sinasabing may bagong ebedensiyang ihinarap si Sir Arnel sa parliamento pero hindi nila sinasabi ang tungkol dito--- at narinig ko po na ihaharap na po ito sa royal family ngayon.." paliwanag ni Isabelle

"Nababahala ako...kung anu ang bagong ebedensiya nila, samantalang nakausap ko na si Marco tungkol dito... maari kayang---"

Mukha sihang nag isip ng malalim at saka tumayo at nagpunta sa kanyang ligo.

At gaya ng dati inayos siya para sa pulong.

Royal Criminal HeartsWhere stories live. Discover now