Nang makarating sa palasyo si Prince Tenho. Dinala siya sa silid ng hari. Nakita niya ang mama niya, si Marco at si Alyana. Nandoon din ang ilang mga utusan at mga bantay, sumilip siya at nakitang nakahiga sa kama nito ang hari
Mahina siyang lumakad palapit. At nagtatakang nangtanung kung anu ang nangyari.
"Nahilo ang hari kanina... ayos kay Alden, dahil daw ito sa sobrang pagod sa trabaho" paliwanag ni Marco"Mabuti at bumalik ka na" sabi ni Alyana sa kanya at saka ngumiti
"Magiging maayos naman siguro ang hari hindi ba?" Tanung niya
"Oo..huwag kang mag alala... pagod lang daw ito" sagot ni Alyana
"Masyado kasi siyang nag iisip sa nalalapit na pagdating ni Troy" dagdag ni Alyana"Oonga pala...malapit na yun.."sabi ni Tenho
"Si Rosalie ba..maayos na siya?" Tanung ni Marco
"Oo..kuya... nagpapagaling na siya..." sagot niya
"Mag pupuntahan lang ako saglit?" Sabi niya at lumabas.Nagtungo siya sa silid ni Rosalie, lumingon lingon siya at pinagmasdan ang paligid. Nagtataka siya sa kung anung klaseng babae talaga ang asawa niya. Ibang iba ang kwento tungkol sa kanya sa tunay niyang nakita nang sila ay magsama.
Pumasok si Alyana, at napansin niya ito.
"Anung ginagawa mo rito?" Tanung niya"Nais kitang kausapin... ng saglit"
"Sige na magsalita ka na"
"Napansin ko lang anu ang nangyayari sayo?"
"Anung ibig mong sabihin?"
"Matapos ang lahat lahat... nagbago kana... masyado ka nang nagiging malamig sa akin... huwag mong sasabihin na napamahal ka na kay Rosalie... hindi dibah?" Mahinang sabi ni Alyana
"Hindi masama kung mahalin ko siya...bakit... asawa ko naman siya hindi ba" sagot niya na nagkabigla kay Alyana
"Anu...anung sabi mo... naririnig mo ba ang sarili mo... anu to ...pati pa naman ikaw tatalikuran ako" namumulang sabi ni Alyana
"Wala akong tinatalikuran..."
"Hindi mo siya kilala Tenho... " nag taas ang boses ni Alyana
"Anung hindi ko alam?"
"Hindi mo ba alam na kaya ka niyang patayin kapag sinabi ng papa niya... hindi mo alam kung anu ang mga bagay na kaya niya... kaya niyang manakit kapag nagsalita ang pala niya..."
"Oo alam ko yun... kaya mas nais kong manatili sa tabi niya ngayon... upang tulungan siyang lumaban... sa ngayon lumabas ka na rito" sabi niya at itinuro ang pinto na parang nagpapalabas.
Padabog na lumabas si Alyana ay naksalubong si Marco.
"Anung nangyari sayo bat ganyan ka?" Tanung ng Crown Prince"Bakit... nagtanung ka ba dahil nag aalala ka?"
"Anu nanaman ba ang nasa isip mo?"
"Kayong lahat..." matigas niyang sinabi at saka lumakad lagpas niya at nagtungo sa silid niya. Tinignan nang nasinsinan ang sarili sa ginituang bilog na salamin.
"Hindi ka nag iisa.. hindi ka susuko... maghintay ka lang... sisirain kita... Rosalie" bulong niya.
Lumuhod siya at binuksan ang drawer. Kinuha niya ang isang envelope na may bulaklas sa harap. At saka binuksan niya ito.
"Hindi ka muna lalabas..hanggang sa ikaw ay kalimutan.." sabi niya sa papel at saka ibinalik ito sa drawer.
Tinawag niya si Alice sa silid niya sa silid niya.
"Anu na ang kalagayan ng Hari?" Tanung niya
"Maayos po siya..kasalukuyan po siyang nakatulog" sagot ni Alice
"Sa pagbabalik ni Troy...kailangan na nating kumilos laban sa kanila bago nila masira ang posisyon ng anak ko" sabi ni Alyana
"Naiintindihan ko po kamahalan... anu po ang naiisip ninyo?"
"Malapit na siyang mawala dahil sa isang litrato ng pagtakas niya, at ngayon malapit na siyang mamatay..pero nagtagumpay parin...sa ngayon alam kong wala na si Tenho sa panig ko...ibig sabihin kaaway din siya" sabi niya
●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●
Masama ang loob ni Rosalie habang nasa kanilan tahanan na mag isa at malungkot. Tunay na hindi na siya makawala sa kapalaran niya. Sa napakalupit niyang kapalaran. Habang tinitignan niya ang malayong palasyo, na makikita ang pinakamataas na tore nito. Naiisip niya kung sino ba talaga siya.
Sa sarili niya at higit sa lahat sa puso niya. Bigong bigo niyang ipaglaban ang sarili. Hindi niya nailabas ang galis sa asawa at parang kinalimutan na parang isang bula lang. At isa lang ang sigurado na wala siyang ibang magagawa.
Wala siyang paki alam sa lahat ng bagay sa ngayon kundi malaman kung anu ang tinatago ng Crown Princess.
Sa pag uwi ni Prince Troy, siya ay hihirangin bilang isang tunay n prinsepe at magiging crown prince sa oras na ng kanyang ama ay maging hari.
Tradisyon ng bansa na simulang tuturuan ang prinsepe sa oras na siya ay apat na taong gulang na hanggang sa siya ay maging crown prince at maging hari balang araw.Nakaupo lang siya buong magdamag ng pumasok ang papa niya.
"Anung ginagawa mo?" Tanung niya sa anak
"Nag iisip lang sandali" maikli niyang sagot na hindi tumitingin sa ama
"Dapat mong malaman kung anu ang mga bagay na dapat at hindi dapat na naisin o isipin dahil kung minsan dahil sa pag iisip sa mga ito nakakaapekto sa mga ginagawa mo" sabi ng ama
Nagsisimula nanamang magleksiyon ang ama sabi niya sa sarili niya.
"Alam ko yun pa" sagot niya
"Alam mo nagsisimulang mabigo ang isang tao kapag ang puso na nito ang pinairal, at sasabihin ko pa sayo ngayon..huwag ka muna basta mag titiwala sa asawa mo, hindi mo pa alam ang tunay na iniisip niya"
Lumingon siya sa ama, nang tahimik
"Kung ganun po ba hindi rin ako pwedeng magdamdam para sa kanya?"
"Hindi yun ang ibig kong sabihin... ang nais ko ay makilala mo ng husto ang tao"
Nabalot nanaman ng katahimikan ang loob ng bahay, saka tumalikod si Alfred para lumabas
"Anu po ba ang meron sa papel na pinapahanap mo papa" tanung niya na nagpahinto sa papa niya at lumingon sa kanya
"Kakaiba ang kotob ko rito...kaya nais ko"
"Hindi ako naniniwala na walang dahilan kayo... pero alam ko rin na may alam kayo tungkol dito"
"Hindi ko pa masasabi sa ngayon.." sabi nito at saka lumabas.
YOU ARE READING
Royal Criminal Hearts
RomanceAfter her engagement to the prince was broken, she was then proposed to marry the second prince. This marriage changed her life and her all. She was then trapped in a place where their is too much competition not only in throne but also in heart...