Kabanata 26

0 0 0
                                    

"Sigurado ka bang magiging maayos ka lang dito?" Tanung ni Tenho sa asawa habang naglalakad sila pabalik ng palasyo. Nagtungo kasi sila sa Royal Villa. 

"Okay lang ako... tatlong araw ka lang naman mawawala..saka magiging masyado akong abala sa mga araw na yun dahil sa paghahanda" sagot niya

Lumingon siya sa asawa at ngumiti ng makita itong nakatingin sa kanya.

"Bakit?"

"Hindi ko kasi inaakala na mauuwi tayo sa ganito" sabi ni Tenho

"Saan...?"

"Sa ganitong eksena... kung saan magkakasundo pa tayo..." sabi niya at tinitigan ang asawa na nakatingin sa kanya at parang may hinihintay na sasabihin nito

"Saka..."

"...saka hindi ko inaakala na... mamahalin kita ng ganito..."

Nagulat si Rosalie sa asawa, pero sa halip na magulat ay tumawa lang siya at saka lumapit.

"Mahal mo ba ako?" Saka tinanung niya

Matagal muna siyang tinitigan at saka hinawakan ang kamay.

"Oo... ang sabi nila hindi na pwedeng umibig ang pusong may minamahal...  at sa ngayon napagtanto ko na, wala na pala akong minamahal kaya ako ay biglang umibig sayo" sabi nito

"Tenho...."

"At ako ngayon ay may minamahal.... ikaw yun.... kaya hindi na ako pwedeng imibig pa" pagpapatuloy niya

Nabalot ng katahimikan at ngiti ang kalye. Ang mga ibon sa paligid ay nagawitan. Habang ang hangin ay sumayaw sa paligid nila.

"Tenho...." sabi niya at saka hinigpitan ang kamay niya

"Kahit anung mangyari, sana magtiwala ka sa akin... sana maniwala ka parin na.... mahal kita.... at sana makiwala ka parin na minamahal kita kahit anu man ang haharapin natin" sabi niya

Bahagyang naguluhan si Tenho sa sinabi niya. Hindi niya alam ang sinasabi ng asawa, pero talaga lang na malalim minsan ang mga salita nito.

Nagpatuloy sila hanggang sa makabalik sa palasyo. Malapit nang magdilim. At tahimik na ang palasyo, ang mga ilaw sa syudad ay kitang kita sa balkonahe na kinatatayuan ni Rosalie, nakikita rin niya ang malalayung mga kabahayan na kapag nag iilaw ay parang mga bituin. Naramdaman niya na may lumapit sa kanya, at sa amoy ay kilala na niya ito kaya hindi na niya kailangang lingunin.

"Ang ganda ng syudad... parang mga bituin ang mga ilaw" wika niya

"Nami miss mo nanaman bang lumabas"

"Hindi... wala akong interes sa labas" biro niya

"Mukhang maputla ka ngayon... namimiss mo na ba ako agad" biro ni Tenho

"Hindi...malapit na muli ang taglamig, maaring nagbabago lang ako..hindi ba" sabi niya at ngumiti
"Halika na tulog na tayo... maaga ka pa bukas" sabu niya at naunang pumasok sa loob.

"Gusto mo bang dito ako matulog?" Mukhang nahuhiyang tinanung ni Tenho

"Gusto mo ba?" Pinabalik niya ang tanung

Hindi na nagsalita si Tenho sa halip ay ngumuso ito saka naglakad papunta sa kabilang banda ng kama at nahiga, itinaas ang kamay saka ginawang unan.

"Paggising ko naman... wala ka ulit" bulong ni Rosalie habang itinaas ang kumot saka siya humiga

"Mahimbing kasi ang tulog mo sa tuwing gigising ako... kaya hindi na kita ginigising pa" pangangatwiran ng asawa

●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●

Kinabukasan maaga ngang naghanda si Tenho. Nagbigay siya ng pormal na paggalang sa harap ng royal family bago umalis.

At hinatid siya ni Rosalie sa kotse, na may pabaon na masasayang mga salita. Pinanuod niya ang mga kotse habang sila ay palabas ng tarangkahan ng palasyo.

Samantala nagbalik naman si Bernard, mula sa kanilang bahay, upang samahan siya muli.

"Hindi ko maintindihan kong anu ang plano mo?" Tanung ni Bernard habang naka upo silang tatlo nina Isabelle sa silid niya.

"Ang dresser nga pala ni Princess Alyana ay mula sina Erika at Olivia, pareho silang nagtatrabaho sa prinsesa simula nang pumasok siya sa palasyo... parehong mga bata ang dalawa, at mukhang inosente... maaring wala sa kanila ang ispya ng papa mo kamahalan" salaysay ni Isabelle.

"Anu man yun... dapat nating alamin na may kaagaw tayo roon..." pagsisimula ni Rosalie

"Nagtagumpay akong baguhin at pamunuan ang takbo ng security para sa pagdiriwang...pero ang pagbabago ay magtatagal lamang ng dalawang oras..." dag dag niya

"Anung naiisip mo, kamahalan" tanung ni Bernard

"Kapag nagsimula ang seremonya, ang lahat ng pinto sa loob at labas ng palasyo ay isasara, ibig sabihin walang sinuman ang papasok ng walang pahintulot.... kapag nagsimula ang seremonya ng pagbati, dito magiging mahigpit ang mga kawal sa tabi ng royal family, dito na ako magkakaroon ng pagkakataon para rito" ngumingisi niyang sinasabi

Nagtinginan sina Isabelle at Bernard na parang blanko ang isip. Pareho nilang iniisip kung anu ang makakapagpapigil o kung paanu nila mapipigilan si Rosalie sa gagawin nito.

Ang harden ay puno ng mga tao, may nag aayos ng mga ilaw, ng mga palamuti, ng mga upuan ang mga mesa at ang entablado, inaayos din ang ilang mga camera at scanner.

Ang harden na dating isang napakalawak na berdeng damuhan at nagmistulang flower shop. Ito ay napapalamutian ng maraming mga bulaklak at mga arko. Ang lahat ay napakaganda.

Samantala ang balita ay kumalat na parang apoy at gaya ng inaasahan, marami ang natuwa, at hindi pa nagsisimula ay marami ang natuwa kay Prince Troy.

Darating ang prinsipe sa umaga at ang pagdiriwang ay sa gabi.

Nakaupo si Marco sa opisina niya nang pumasok si Alyana, hindi man lang niya ini angat ang mukha niya upang siya ay makita.

"Bukas na ang pagdiriwang sana ay handa ka na" malamig na sinabi ni Alyana

"Oo alam ko" maikli niyang sagot pero hindi pa niya itinataas ang ulo niya.

"Pagkatapos ng lahat... sana ay maging maayos ang mga bagay bagay..." mahina at mabait niyang sinabi

Napatingin na si Marco sa kanya at tinaas ang kilay, na parang nag sasabi na ano

"Patawarin mo sana ako..." sabi ulit ni Alyana

"Saan?"

"Sa lahat lahat...alam..."

"..alam mong matagal na kitang pinatawad... pero hindi nito mababago ang lahat" mahina nitong sinabi

Tumayo si Marco at lumapit sa asawa.
"Gaya ng sabi ko... mananatili ka dito hanggang sa maging hari ako... kapag nangyari ito.... maari kang umalis kung gusto mo"

"Hindi..hindi ako aalis... magiging reyna ako" matapang niyang sinagot

"Kung ganun... kailangan mo munang ayusin ang tungkol sa mga papeles na yun"  sabi nito at saka umalis

Napabuntong hininga si Alyana sa narinig.
●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●

Royal Criminal HeartsWhere stories live. Discover now