Kabanata 20

0 0 0
                                    

Nakarating ng mabilis ang balita sa palasyo na nagising na ang prinsesa. Mukhang nabunutan ng tinik sa puso si Tenho.

At nagtungo siya sa silid ng hari na kasalukuyang umiinom ng tsaa kasama ang Reyna.

Lumuhod siya sa harapan nila at nagulat ang lahat.

"Tenho..anung ginagawa mo" sabi ng Reyna

"Narito po ako para magmakaawa.. na payagan niyo akong lumabas at puntahan ang asawa ko... paki usap po Papa, mama... alam ko pong malaki ang pagkukulang ko sa lahat... kaya po paki usap payagan niyo po ako" nagmamakaawang sabi niya

Nagtinginan ang mag asawa.

"Marlon pag isipan mong mabuti... hayaan mo na siya... pagbigyan mo siya ngayon lang" paki usap din ng Reyna nang makita kung gaano kaseryoso ang anak

"Hindi sa matigas ang puso ko... pero hahayaan kita, ngunit maaring hindi ka papasukin... kapag nangyari ito..huwag kang maninisi ng iba... sige na magtungo ka na roon" sabi ng hari

Nagmadaling nag ayos si Tenho at lumabas, gamit ang kotse. Inihatid siya sa mansiyon ng mga ito.

Binati siya ng mga tao roon nang siya ay pumasok. Una niyang pinuntahan ang mama at papa ni Rosalie.

"Mama... Papa...." sabi niya at saka yumuko at nagbigay galang
"Maari ko po bang makita ang prinsesa?" Tanung niya

Matagal na walang kibo ang mag asawa.
"Wala kaming anumang bagay laban sayo...pero mukhang si Rosalie meron... sige puntahan mo siya ..nasa silid niya siya ngayon" sabi ng mama niya

"Samalat po" sabi niya at umakyat papunta sa silid ni Rosalie.

Kumatok siya bago maingat na pumasok. Nakita ang asawa na naka upo sa kama nito. At nakatingin sa labas. Hindi niya napigilan ang sarili at tumakbo saka siya niyakap.

Labis ang pagkagulat ni Rosalie sa biglaang pagdating ng asawa.

"T...Tenho?"

"Maraming salamat at gumising ka" sabi niya

"Tenho..paano ka..."

"Hindi na mahalaga yun... Rosalie..." sabi niya at humawak sa pisngi nito

"Patawarin mo ako...paki usap...nagkamali ako.."

"Hindi mo kailangang sabihin yan..."

"Simula nang makita kita sa mga oras na yun... naramdaman ko ang kakaiba sa loob ko... nakaramdam ako ng saya na hindi ko naramdaman noon pa... nagiging komportable ako sa tabi mo... at nagiging masaya ako kahit sa mga oag iinsulto mo... Rosalie masyodong malaki ang kasalanan ko sayo...patawarin mo ako" wika niya

"Nalaman ko kay Isabelle ang lahat... wala kang kasalanan... "

"Rosalie... ang lahat ay parang naging isang panaginip.. biglang sumulpot lang... marami akong natutunan, at maraming nalaman...higit sa lahat... marami akong pag sisisi... sa iyo..sa mga araw na nagdaan, habang ako ay masyadong naging makasarili... napabayaan ko ang taong, kauna unahang tao na nakaintindi sa akin... mula noon alam mo ba na ang mga salita mo masakit man o malambing ay nagiging musika sa akin na nais kong marinig araw araw" sabi nito at saka humalik sa noo niya at niyakap siya ng mahigpit.

Doon na ng tanghalian ang dalawa, inikot ni Rosalie si Tenho sa bahay nila at ipinakilala sa iba.  At naging masaya ng kanilang pagsasama, habang magkahawak kamay na naglalakad at nagbabasa sa lilim ng puno.
Nagdesisyon si Tenho na doon magpalipas ng gabi.

"Anung nakikita mo?" Tanung ni Tenho habang nakatayo sila sa balconahe ng bahay.

"Ang mga bituin, ang gaganda nila"

"Pero hindi sila umaalis sa pwesto nila"

"Maari nilang subukan...pero siguro ang iba ay takot lang na gumalaw o lumipat... katulad ko... wala akong lakas ng loob na lumaban o gumalaw.. dahil natatakot ako na mabigo kapag ginawa ko ang nasa isip ko"

"Alam mo hindi ka dapat matakot na mabigo... hindi ka dapat matakot na matalo... kapag ikaw ay nabigo o natalo normal lang yon sa isang laro"

"Noong unang taon ko sa elementary... hindi ako ang nanguna sa klase... may isa akong kaklase na nanguna at ako ay pangalawa lamang, pero ang papa ko kahit kailan ay hindi tumatanggap ng pagkatalo... bago pa i anunsiyo ang final result, wala akong ideya sa ginawa ni papa, kaya nang ilabas ang huling resulta ako ang nanguna... ang sabi ni papa... magiging hindi maayos ang lahat kung hindi ako aayos... mula doon natakot akong mabigo... natakot akong matalo... araw at gabi inuubos ko ang sarili ko sa pag aaral ng lahat, sa pagsasanay na maging magaling sa lahat ng larangan, maging pinaka sa lahat.... simula din doon, nasabi ko sa sarili ko na ikamamatay ko ang anumang pagkabigo... hindi ko natakasan ang lahat...." salaysay niya

"Alam mo ang mga pinagdaanan mo ay mas mahirap kaysa sa akin"

"Sa tulad kong planado na ang kapalaran mula nang ikaw ay ipanganak... masasanay ka...at hindi mo makita ikaw ay hindi sanay kundi hindi ka lang makawala" dag dag niya

"Wala kong ideya sa lahat sayo"

"Pero galit pa ako sayo" biro niya para tigilin ang madramang gabi

"Talaga... pero seryosa ako.." sabi niya at hinawakan ang mga balikat nito at ihinarap sa kanya

"Huwag kang aalis sa tabi ko... paki usap" bulong niya

Ngumiti lang siya, nagkatinginan ang kanilang mga mata, at unti unting lumapit si Tenho sa asawa, at hinalikan ito sa malamig na gabi. Pumikit si Rosalie, sa unang halik na natanggap sa asawa.

Hinalikan niya ito ng maingat at may buong pusong pagmamahal.

Napahinga si Rosalie at tuluyan nang ibinigay ang sarili. Yumakap siya sa leeg nito at saka tinanggalan ng botones ang polo na gamit ng asawa. Samantalang ibinaba naman ni Tenho ang Ziper ng dress na suot niya at nahulog sa sahig.

Ang init ng pag ibig at saya ng pagmamahalan, ang bumalot sa kanila, sa pagmamahal na lumibot sa silid habang nagkikislap ang mga bituin,

Ihiniga niya ito sa kama at saka nilapitan, ang kanilang halik ay isang komunikasyon ng pagpapahayag ng pag ibig.

Nag init ang paligid, silid na puno ng halimuyak ng tagong lungkot at saya, 

Saksi ang lahat ng tala sa pag ibig na nakita sa gabing ito. Ang makasaysayang gabi ng pag ibig.

At dinig hanggang sa maliwanag na buwan ang tibok ng puso nilang dalawa.

Royal Criminal HeartsWhere stories live. Discover now