Kabanata 37

0 0 0
                                    

"Sayo ba nangaling ang hatol?" Agad na tanung ni Marco pagkapasok sa opisina ni Alyana

"Oo.. ako ang may hawak sa hukuman--- ako ang nagbigay--- sumang ayon ang parliamento sa hatol--- ang sa huli ang hari ay pumatol dito" mayabang na sabi nito

"Lumabas na ang hatol alam mo ba yun-- pormal na itong ideniklara ng hari kanina---sa tingin mo ba ay hindi niya ito binago?" Tanung ni Marco

"Ang hatol ay maari niyang binago--- pero pag ginawa yun ng hari ang buong parliamento ang kaaway niya--- alam kong hindi niya yun magagawa" ngiti ni Alyana.

"Sa tingin ko ay mali ka Alyana--- hindi mo alam kung gaanu kalaki ang hawak nilang laban sa atin"

"Sa kasalukuyan ay wala silang laban dito" pagmamataas ni Alyana

Samantala nagmadaling nagtungo sa opisina ng hari si Tenho at nandoon ang Reyna.

"Papa... natanggap ko ang opisyal na hatol--- talaga po bang wala kayong magagawa rito" walang emosyon nitong sinabi

"Ang hatol ay siyang hatol" maikling sabi ng Hari

"Hindi pa natatangap ni Rosalie ang hatol--- hindi pa niya alam--- higit sa lahat maari pa itong mabago---- papa hinahamon ko po kayo na baguhin ito" matigas na wika ni Tenho

"Tenho tama na---" awat ng Reyna pero nagsalita muli si Tenho

"Anga hawak kong ito ang patunay kung bakit siya pumasok doon--- nais niyo po bang makita?" Wika niya habang itinaas ang kamay na may hawak na envelope

"Ibigay mo sa akin" wika ng Hari

"Sa kondisyon--- baguhin ninyo ang hatol--- ai Rosalie ay nakatulog dahil sa pananakit ng ulo at pagsusuka--- hindi pa niya natanggap ang hatol maari pang magbago" wika ni Tenho

"Ibigay mo na" wika ng Reyna

Kinuha ito ng Hari at saka umupo at binuksan. Halos mahimatay siya at pati ang reyna na namula ang pisngi.

"A---anu ito Tenho?" Wika ng Reyna

"Ito po ang hinanap ni Rosalie--- dahil nalaman niyang may mali" maikli niyang sinabi

Nagliliyab ang gali ng Hari.
"tawagin mo si Arnel!!!" Galit na wika niya

●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●

Umupo si Alyana sa upuan niya,
"Bakit anung ibig mong sabihin na malakas sila?" Tanung niya

"Malaki ang hawak nila laban sa atin---- hindi mo ba alam na---"

At biglang may kumatok at pumasok si Alice

"Paumanhin po kamahalan-- pero may pagbabago po sa hatol" wika niya at inilapag sa mesa ang isang envelope.

"Anung ibig mong sabihin na pagbabago?" Wika ni Alyana

"Binago po ng hari ang hatol--- kanina lang po" wika nito

Kinuha ito ni Alyana at binuklat
"Ang lakas ng loob nilang--"

"Bakit?" Wika ni Marco at hinila ang folder saka ito binasa.

"Sabi ko na hindi ba? Malakas sila?" Saka siya ngumisi

Naglakad si Arnel hawak ang hatol patungo sa silid ni Rosalie, siya ay nagising na at kasama niya roon sina Isabelle at Bernard.
Pagkatapos kumatok siya at pumasok, saka nagbigay galang.

"Payagan niyo po akong basahin ang hatol"
Wika nito

Tumayo si Rosalie saka tumango.
Binuksan ni Arnel ang folder at saka bahagyang yumuko bago nagsalita.

Royal Criminal HeartsWhere stories live. Discover now