Kabanata 13

0 0 0
                                    

Nagulat si Isabelle nang bumalik sa silid ni Rosalie ay may nakatayong lalaki sa pinto.
Isa itong matangkad at may utsurang lalaki.  Pormal ang dating nito,

"Magandang umaga ginoo...  Anu pong maitutulong ko sa inyo?" Tanung niya

Tinignan siya nito saka yumuko at gumalang.
"Nandito ako sa kautusan ng Hari...  Ikaw na marahil si Isabelle"

"Ako nga.. Pero sino ka?"

"Ako si Bernard,  Bernard Francis..  Ang bagong pinuno ng tagabantay ni Princess Rosalie"

Nagulat si Isabelle at tinitigan niya ito ng saka naalala si Bernard. 

"Ganun ba... Dito lang po kayo...  Titignan ko po kung gising na siya" sabi niya at pumasok

Nang pumasok si Isabelle nakita niyang parang mantikang tulog ang dalawa na magkayakap.
Ngumiti lang siya at lumabas ulit.

"Ginoo... Ang kamahalan ay tulog pa po... Maari ko po kayong ilibot kung nais niyo" sabi ni Isabelle

May dumating na isang court maid na may tsaa sa tray na hawak.
"Para po sa prinsesa" sabi ni kay Isabelle

"Mamaya na ang tsaa...  Ako na ang papakuha...  Tulog pa siya" sabi ni Isabelle

At tumalikod ang babae at saka umalis. 

"Sige nais ng head of security na alamin ko ang mga bagay tungkol sa palasyo" sabi ni Bernard

"Kung ganun tara na" sabi niya

Naunang lumakad si Isabelle at nakita nila ulit ang isang babae na kumakatok sa silid ni Tenho.  Magkalapit lang ang silid ng dalawa.

"Wala ang prinsipe sa silid niya...  Ako na ang papakuha mamaya..." Sabi ulit ni Isabelle

"Opo,  miss Isabelle... Pero hinahanap po siya ng Reyna wala daw po kasi siya kagabi?" Sabi ng dalaga

"Ang prinsipe ay nasa kabilang silid...  Huwag kayong mag alala... " sabu nito

Dinala ni Isabelle si Bernard na kanina pa tahimik sa opisina ni Rosalie.  Huminto sila sa harap ng dalawang pintong magkatabi.

"Ito ang opisina ni Prince Tenho,  at ito ang sa prinsesa" pagsisimula ni Isabelle
"Ang opisinang ito ay maaring pasukan ng lahat na may sasabihin o gagawin sa mga kamahalan"

At nagpatuloy sila sa paglalakad, 
"Sa batas ng palasyo,  ang mga bantay ang siyang unang masisisi sa tuwing may kahit konting lamat sa kamahalan"

Dinala niya si Bernard sa isang napakalawak ng silid,  na mukhang may higit 500 ka tao. Namangha ng husto si Bernard. 
Mukha itong isang napakalawak ng computer shop,  dahil bawat tao ay nakaharap sa mga computer.

"Ito ang ulo ng seguridad ng palasyo.  Ang lahat ng mga bagay ay nakikita rito... "

"Ibig mong sabihin lahat..  Bawat sulok?"

"Oo..  Bawat sulok ng palasyo ay nakikita rito,  madilim man o maliwanag...  Maliban sa mga personal na silid ng royal family...  Pero ang kanilang pinto ay may mahihigpit na siguridad...  Binababtayan dito ang sinumang pumasok na walang pahintulot.  At magsasara ito kung may  mangangahas na pumasok ng walang paalam o pahintulot"

"Kaya pala walang masyadong mga bantay na naglalalkad...  Mas mahigpit pala."

"Ang main gate ng palasyo ang siyang pinaka binabantayan...  Walang sinuman ang pwedeng pumasok ng walang pahintulot"

Lumabas sila at naglakad sila pabalik.

"Ikaw ay hindi maaring pumasok sa silid kainan ng royal family kung sila ay kumakain,  hindi ka rin pwedeng pumasok sa loob ng silid niya ng wala ako,  hindi ka rin pwedeng sumama sa kanya kung sakaling pupunta siya sa royal villa,  higit sa lahat hindi ka pwedeng sumama sa kanya kapag kasama niya ang prinsipe" paliwanag ni Isabelle

"Mukhang libro ng batas ang utak mo ah...  Kabisado mo lahat...  Pero bakit hindi ako pwedeng pumasok sa silid kung wala ka?"

"Ang papasok sa silid ng prinsesa ay hindi pwede  kahit sino...  Papasok lang sila kung aking papahintulutan...  At kung ako ay nasa loob..  Ibig sabihin walang pwedeng pumasok ng wala ako o wala akong pahintulot... Maliban sa prinsipe..."

"Okay" sabi niya at saka tumango.

"Maaring gising na ang dalawa...  Bumalik na tayo" sabi ni Isabelle

"Teka..  Bakit sila magkasama sa silid ni Rosalie...  Hindi ba iba ang silid ng prinsipe?" Biglang tanung ni Bernard

"Siguro nais lang nilang magsama...  Ang silid ng dalawa ay bukas para sa kanilang dalawa...  Maari silang matulog kahit kaninong silid nila gusto...  Bakit mo natanung?" Sagot niya

"Wala...  Naisip ko lang...  pinaka ayaw kasi ni Rosalie ang may ibang tao sa silid niya.. Lalo na kung kasamang matulog...  Ang mama nga niya ayaw niyang katabi" wika nito.

"Maaring nagbabago ang lahat..." Ngiti ni Isabelle
"Pero Ginoo... Mula po ngayon...  Hindi po ninyo pwedeng tawagin ang prinsesa sa pangalan niya... " sabi nito at naunang lumakad

Ngumiti lang ito at sumunod. 

Sinundan niya si Isabelle pagpasok, nakita niya si Rosalie na kumakain.
Yumuko si Isabelle

"Bernard!! " gulat ni Rosalie

Tumalikod si Isabelle at tinignan niya ito
"Sinabi ko bang pumasok ka?" Bulong niya

Tumayo si Rosalie saka lumapit at niyakap ito. 

"Kumusta ka na?" Tanung ni Bernard

"Ayos lang ako dito...  Bakit ka nandito?"

"Siya po ang pinadala ng hari bilang chief ng mga guards niyo,  kamahalan" sabi ni Isabelle
"Nasaan po ang prinsipe? " tanung niya

"Hindi ko alam.. Nagising ako wala na siya" sagot niya

"Gumugising po siya sampung minuto bago kayo...  Marahil tama po yun" biro ni Isabelle

Tahimik si Bernard at iniikot ang tingin sa silid.

"Hoy..  Bernard...  Pinadala ka ni papa bilang spiya..  Oo ba?" Sabi niya ng mapansin ito

"Oo...  Saka para may kaaway ka rito" biro niya

"Buong palasyo na nga ang kaaway ko dadagdag ka pa..."

"Nandito lang naman ako para bantayan ang mga kilos mo,  mahal na prinsesa,  at para sabihin sayo na wala na kayong dapat ikabahala sa isyu mo" sabi niya

"Bakit?  Anung ginawa ni Papa" tanung niya

"Marahil ito po" sabi ni Isabelle saka binigay ang isang tablet,

"Pinag-uusapan na po sa buong mundo ang tungkol dyan... Lumabas lang po ang artikolong yan kagabi...  Pero nabago niya ang lahat sa isang oras lang,  kamahalan" wika ni Isabelle

Tumawa siya ng mabasa ito.
"Ang mga galit nila at masamang komento sa akin ay... "

"... Ay napalitan ng lubos na pagmamahal dulot ng mainit na pag unawa sa lahat mula sa lahat.." Pagpapatuloy ni Bernard

"Pinalabas nila na ako ang biktima" saka siya muling tumawa
"Magaling talaga ang papa.. Hindi ba...pero nakakasira ng araw"

"Bakit po,  kamahalan...  Naayos po niya ang sitwasyon hindi po ba dapat masaya kayo? " sabi ni Isabelle

"Ang sabi ni Papa ang muntik na pagbagsak ay isang bagong oportunidad...." Sabi niya at natawa habang nagtinginan sina Bernard at Isabelle

"Nakakalungkot...  Muli nanaman siyang nanalo...  Siya nanaman..." Sabi niya ulit. 

Royal Criminal HeartsWhere stories live. Discover now