"Magandang umaga, Miss Isabelle" bati ni Bernard at saka tumabi sa kanya habang nakaupo ito sa harden
"Magandang umaga" bati ni Isabelle
"Bakit ka narito sa labas?" Tanung ni Bernard
"Inip na kasi ako sa kahihintay na magising ang dalawa, kapag nagkasama sila kinakalimutan ang oras paggising" wika niya
"Masaya ka ba?" Tanung ni Bernard
"Saan?"
"Sa bagong mundo" biro nito
"Oo" sagot ni Isabelle, "masaya ako para sa prinsesa at prinsepe, sa tatag ng samahan nila, na hindi nagsawang mag unawa at umintindi, bilib din ako sa katauhan ni Princess Rosalie, sa lakas ng pagmamahal niya, na hindi niya nagawang iwan ang prinsepe sa kabila ng lahat"
"Ganun si Rosalie, matatag siyang tao, sana ay maging masaya na ang bawat isa ngayong maayos na ang lahat, tumanggap na ako ng liham, maayos na sina Alyana na nakarating sa Madrid" wika ni Bernard
"Sa totoo, hindi ko alam kung alam ni Lady Alyana na hindi si Alice ang pinarusahan kundi si Lord Alfred" sabi ni Isabelle
"Hindi na mahalagang malaman pa niya, ang mahalaga ang kasalanan ay pinagbayaran na" wika ni Bernard,
"Umalis na rin sa bansa sina tito Alfred, para makapagbakasyon ng solo nila ni Tita Carina" pagpapatuloy niya"Maayos narin ang lahat para kay Alice, pina alis na siya ng bansa sa halip na ikulong, matapos siyang umamin ng lahat lahat___" saka huminga ng malalim si Isabelle.
"Napakalupit naman ang nakaraan, at maraming mga nadamay" dagdag niya saka tumayo sa pag kakaupo"Mauna na ako, titignan ko ang prinsesa kung gising na sila" wika niya kay Bernard saka umalis at pumasok sa loob.
Pumasok si Isabelle sa silid ni Rosalie at nakita siyang nakaupo sa harap ng salamin.
"Nasaan po ang prinsepe?" Tanung niya
"Nagbalik na siya sa silid niya" maikling sagot nito habang tumayo at humarap kay Isabelle
"Naipadala mo ba yun kay Alyana?" Tanung niya
"Opo, kamahalan" sagot ni Isabelle
Ito ay isang sulat ng paghingi ng tawad sa kanya dahil hindi niya nagawa ito bago sila umalis.
"Handa na po ba kayo para bukas?" Tanung ni Isabelle
"Mukhang hindi naman maka hintay si Tenho" biro niya at saka tumawa.
Bukas ay pormal na kokoronahan si Prince Tenho bilang hari, dahil malubha na ang kalagayan ni King Marlon. Ang lahat ay handang handa, pero higit sa lahat si Tenho ay hindi makapaghintay.
Lumingon si Rosalie sa Royal Gown na dinala sa silid niya, ang susuotin niya bukas, isang magarang kasuotan na kulay Ginto, at mga palamuting mga dyamante at rubi.
"Natatakot ako" bulong niya habang nakatingin rito
"Saan po?" Tanung ni Isabelle
"Kapag ako ay naging Reyna, hindi ko alam kung kaya ko" mahinang sabi niya
"Huwag po kayong mag alala, kaya niyo po yun, saka po narito naman po kami at higit sa lahat si Prince Tenho" sagot ni Isabelle para pagaanin ang damdamin niya
"Sabi ni Alden maari na raw, makita kung anu ang kasarian ng magiging anak ko" wika niya at binago ang topiko
"Nais niyo po bang matignan?" Exited na sabi ni Isabelle
Hindi siya sumagot at saka ngumiti.
☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆
Kinabukasan.....
Tumunog ang trumpeta at pumuno ng buong bulwagan na puno ng mga tao. Lumakad si Tenho habang kasunod si Rosalie.
Suot ni Tenho ang Korona ng Hari, at pulang Royal Robe. Natapos na ang pagkorona sa kanya at pormal at unang beses na siyang uupo sa trono ng Hari. Suot narin ni Rosalie ang Tiara ng Reyna at ang gintong kasuotan nito.
Umupo sila pareho sa trono kaharap ang lahat ng tao. Nandoon sina King Marlon at Queen Helen na nakangiti at masaya para sa kaganapan.
Tumayo si Marlon, at saka humarap kay Tenho.
"Naway mula sa araw na ito ay biyayaan kayo ng masaganang pamumuno at pamilya para sa bansa at sa ating mga tao, gawin ninyo ang mga tungkulin ninyo ng tama at wasto sa mabuting paraan, magdesisyon ng naaayon sa batas, mahalin ang bansa at gawin itong payapa_____ Mabuhay ang bagong hari at Reyna!!!" Buong kagalakan niyang sinabi.Tumayo ang lahat saka nagsalita.
"Mabuhay ang bagong Hari at Reyna!!!" Sigaw nilaMatapos ang mahabang seremonya, ay lumipat sila sa East Wing palace, ang lugar para sa hari at Reyna. Naayos na ang lahat. Hinanap ni Rosalie ang asawa at nakita niya ito sa opisina ng Hari.
Nakaupo sa bagong upuan. Ngumiti siya at lumapit. Nakangiting nakatingin si Tenho sa kanya. Saka siya nagbigay galang bago lumapit.
"Magandang gabi, Mahal na Hari" masayang bati niya
Tumayo si Tenho at lumapit. Tinaas niya ang kamay sa harap ni Rosalie.
"Tinatanggap mo ba na manatili sa tabi ko, mula ngayon hanggang sa huli mong hininga, sa hirap at ginahawa?_____ matitiis mo ba ang hirap ng isang reyna?" Seryosong tanung nito.
Sandaling tinitigan ni Rosalie ang kamay niya bago ipinatong ang kamay dito.
"Titiisin ko ang hirap ng isang reyna, nandito na ako at hindi na ako muling tatakas pa" sabi niya at ngumiti.
At mula sa bulsa ay may dinukot si Tenho na isang maliit na kahon. Binuksan niya ito at may kinuhang isang napakagandang kwentas na may hugis buwan.
"Ang sagisag ng Reyna ay isang buwan sa kalangitan, kunin mo ito bilang regalo ko sayo, at bilang tanda ng aking pagmamahal sayo ngayon hanggang kailan man" wika ni Tenho saka isinuot ito sa kanya
"May nais akong sabihin sayo" wika ni Rosalie
Mukhang nasasabik si Tenho rito."anu?"
"Kahapon ay ipinakita ni Alden ang kasarian ng aking anak____ Tenho, isang____ Prinsipe ang tagapagmana mo" masayang sambit niya
Labis ang tuwa ni Tenho rito at saka siya niyakap ng nakapahigpit.
"Masaya ako para sa atin___ magiging mabuti akong hari at responsanbleng ama sa kanya, huwag kang mag alala" sambit niya.
"Bukas ang unang araw mo bilang hari___ sana handa ka na" sambit ni Rosalie saka humawak sa pisngi ng asawa.
"Mahal kita Tenho kahit anu ang mga nangyari" bulong niya
"Mahal kita sa bawak hininga ko" sagot ni Tenho na may ngiti
At saka buong pananabik na hinalikan ang asawa. Sa ilalim ng maliwanag na buwan at mga tala na saksi sa araw araw na pagmamahalan at sakit na kanilang naranasan.
YOU ARE READING
Royal Criminal Hearts
RomanceAfter her engagement to the prince was broken, she was then proposed to marry the second prince. This marriage changed her life and her all. She was then trapped in a place where their is too much competition not only in throne but also in heart...