Madilim na ang paligid, Kinuha ni Tenho ang cellphone niya at saka tinawagan si Rosalie,
Nang oras na yun naka upo si Rosalie sa mesa niya. Kaharap ang cellphone niya.Nagbukas ang kanyang cellphone at nakitang tumatawag si Tenho. Kinuha niya ito at sasagutin sana, pero nagbago ang isip niya at ibinalik ang cellphone sa mesa. Tinitigan niya ito hanggang sa matapos sa pag ring. Maya maya muling tumunog ito, hindi niya ito sasagutin. Tumayo siya sa kinauupuan niya at nagpunta sa kama niya. Naiwan ang cellphone na nag riring ng paulit ulit.
Hanggang siya ay nakatulog na.Maaga siyang nagising, dahil pinayagan na siya ng ama na bumalik sa palasyo. At gaya ng dati ang kanyang mga baon pabalik ay mahahabang salita ng ama.
Nakarating sila sa palasyo agad agad. Binati siya ng mga nakakasalubong niya pabalik sa kwarto niya. Tumalon siya sa kama niya at nahiga.
"Halos dalawang linggo na wala ako rito" sabi niya
"Oo nga kamahalan... nakakapanibago" sagot naman ni Isabelle
"Anu na kaya ang una kong gagawin... " sabi niya at tumawa
"Bago po ang lahat kailangan niyo pong batiin ang hari sa inyong pagbabalik" sabi ni Isabelle
Bumangon siya sa pagkakahiga at ngumiti sa sarili
"Tama... simulan ko sa hari" sabi niya at tumawa ng mahina
Pagkabukas niya ng pinto palabas nakita niya si Tenho na papasok sana.
"Rosalie" sambit nito at saka niya ito niyakap.
"Maayos ka na ba?" Mukahang nag aalala niyang tinanong.Ang walang reaksiyon na mukha ni Rosalie ay pilit na ngumiti,
"Oo.. salamat sayo... papunta ako sa hari ngayon.. babatiin ko sana siya" sagot niya."Ganun ba...halika samahan kita" sabi niya.
Hinwakan niya ang kamay nito at saka sila sabay na nagtungo sa hari.
"Kamahalan" mahina niyang sambit at yumuko upang magbigay galang
"Maupo kayo" alok nito
At naupo sila sa harap ng mesa ng hari.
"Kumusta ka na... maayos ka na ba?" Tanung ng hari
"Opo kamahalan... magaling na po ako... salamat po sa pag aalala ninyo" sagot niya
"Mabuti naman kung ganun... tungkol naman sa aksidente... ito ay malawakang pinag uusapan sa buong mundo... nagawan na ito ng paraan... kaya hindi mo na ito dapat ikabahala" sabi ng hari
"Opo kamahalan" maikling sagot niya
Habang nagtinginan sina Tenho at ang hari. Nang makalabas sila tahimik lang silang naglakad.
"Ummm... Rosalie" sabi niya upang sirain ang katahimikan ang asawa.
Huminto siya sa paglalakad at lumingon sa kanya.
"Bakit?" Mahina niyang tinanong
"Kasi... inutusan ako ng Hari na ako ang mangunguna sa pagsundo kay Troy pabalik ng bansa..." sabi niya
"Ganun ba? Kailan ba yun?"
"Aalis kami sa friday at magbabalik kami aa lunes... saktong kaarawan ni Troy.." paliwanag niya
Napabuntong hininga lang si Rosalie. Lalayo nanaman sila sa isat isa, at laging dahilan ay ang mga kautusan at tungkulin sa bansa.
Nakasalubong nila si Isabelle, na kaninang umaga pa niya hindi nakikita.
"Mahal na prinsipe...pinapatawag po kayo ni Prince Marco..." sabi ni Isabelle
"Bakit daw... nasaan ba siya?" Tanung niya
YOU ARE READING
Royal Criminal Hearts
RomanceAfter her engagement to the prince was broken, she was then proposed to marry the second prince. This marriage changed her life and her all. She was then trapped in a place where their is too much competition not only in throne but also in heart...