"Malalim yata ang iniisip mo?" Tanung ni Rosalie habang inilapag ang tray ng tsaa sa mesa ni Tenho sa opisina niya at saka umupo sa harap niya
"Iniisip ko lang--- sa mga susunod na araw maglalabas ng kautusan ang hari, kung ako ay papayagan na mging tagapagmana o hindi--- nababahala lang ako" sagot niya at kinuha ang tsaa saka ngumiti at uminom nito.
"Nababahala ka ba dahil---- baka hindi ka maging crown prince o dahil hindi mo gusto?" Tanung niya muli
"Noon, naging makasarili ang mga salita ko, nang sinabi kong hindi ko gustong maging hari--- pero sa ngayon wala na akong pagpipilian---- kapag pinayagan na ako ng parliamento at nang hari na mamuno, kapalit ni kuya--- wala akong magagawa kung mahalin ito at tanggapin ng buong puso" mahinang sambit ni Tenho
"Sana maging tama ang lahat--- para matapos na ito--- nag aalala ako para kay Troy--- sa mga susunod na araw kailangan nang umalis ni Alyana sa palasyo dahil hindi na siya bahagi ng royal family--- iniisip ko si Troy kung anu ang mangyayari o iisipin niya"
"Mabuting bata si Prince Troy--- alam kong kaya niyang unawain at tanggapin ang anu pa man" sambit ni Tenho
"Bakit--- bakit mukhang natatakot ka at masyadong nag aalala" tanung ni Tenho
Matagal na nanahimik si Rosalie bago niya tinitigan ang asawa at lakas loob na nagsalita.
"Nais ko sanang hindi ka magagalit sa aking sasabihin--""Sige anu yun?"
"Ang totoo, natatakot ako na maging crown prince ka--- parang hindi ko kaya yun--- pumayag akong magpakasal sayo upang matapos ang kasunduan, at dahil sa hindi ka nga crown prince noon inisip ko na magiging madali kung ikaw ay aking iwan at makipaghiwalay sayo--- kapag naging crown prince ka at kalaunan ay magiging hari, kailangan kong maitali sa tabi mo, manatili lamang dito bilang asawa at reyna mo--- natatakot ako doon, wala ito sa mga plano ko nang una akong pumasok dito" mahina niya sabi
"Maging ako ay iniisip ko yan--- makakayanan mo kaya? Magtatagal ka kaya? Mananatili ka ba sa akin? Sa piling ko?-- maraming tanung na nais kong itanung sayo--- pero natatakot ako sa mga magiging sagot mo-- kaya naman ay pinili kong hindi na sabihin sayo" sagot naman ni Tenho
"Tenho--- patawad, kung anu man ang mangyayari ay sana----"
Hinawakan ni Tenho ang kamay niya nakapatong sa mesa ng mahigpit.
"May tiwala ako sayo--- makakayanan natin-- paki usap manatili ka lang sa piling ko--- para sa akin, para sa atin at sa magiging anak natin, kapag ako ay magiging crown prince, huwag kang matakot, nandito lang kaming lahat para sayo" tumayo ito at saka lumapit sa kinauupuan, at lumuhod saka tumingin sa tyan niya."Anak, alam kong naririnig mo ako--- hindi ko alam kung makikinig sa akin ang mama mo-- pero sana gawin mo siyang maniwala sa akin, sana kapag wala ako sa tabi niya, bantayan mo siya at alagaan para sa akin, kaya huwag mong masyadong mahirapan si mama ha" sambit ni Tenho saka humawak sa tyan nito at tinapik ng dalawang beses bago tumingin kay Rosalie at muling humawak sa kamay niya.
"Manatili ka pakiusap" mahina niyang sambit at saka ngumiti, at walang kung anu ay tumango si Rosalie at sinambit ang mga katagang,
"Pangako"
Tumayo si Tenho at hinila siya saka niya ito niyakap ng mahigpit.Maya maya pumasok si Arnel at saka nagbigay galang.
"Dala ko po ang bagong hatol ng hari-- hayaan niyo pong basahin ko" sabi niya
Tumango si Tenho at humakbang palapit habang binuksan ni Arnel ang folder na may seal ang hari.
"Alinsunod sa batas ng palasyo, ang parliamento at ang kamahalan ay sumang ayon na ikaw, prince Tenho ay opisyal na itinatalaga bilang Crown Prince ng bansa, at papalit sa hari, at karagdagan dito si Princess Rosalie ay ibinabalik ang katungkulan sa palasyo at ibinigay ang titulo bilang crown princess. Ang hatol na ito ay pormal at opisyal na itinalaga para sa lahat" sabi ni Arnel at isinara ang folder saka iniabot ito kay Tenho at saka yumuko ito at nagbigay galang sa bagong tagapagmana.
"Nais kong itanung... anung mangyayari kina Kuya?" Tanung ni Tenho kay Arnel
"Kagagaling ko lang doon kamahalan upang ibigay ang hatol ng korte sa kanila" sagot niya
"Anung hatol?" Nagtatakang tanung ni Rosalie
"Hatol na si Prince Marco ay mananatili ang karangalan bilang prinsepe, at si Princess Alyana ay mananati ang karapatan bilang ina ng prinsepe Troy at siya ay pinapayagan na manatili sa palasyo para maalagaan ang anak--- pero hindi na siya isang prinsesa" sabi ni Arnel,
"Si prince Troy ang pangalawang crown prince sa ngayon hanggat wala pa po kayong pormal na tagapagmana" dagdag niya at yumuko saka umalis.Nagtungo si Arnel sa opisina ng hari.
"Natapos na po ang pagbibigay ng hatol" pahayag niya"Maraming salamat" maikling sabi ng hari
"Nais ko lang pong malaman, kahapon lang ay hindi pa kayo nakapagdesisyon pero bakit biglaan ang lahat?" Tanung niya
"Masyado nang wala akong pag asang gumaling pa ayon kay Alden--- wala na akong magagawa, sa mga oras na ganito, ang kapakanan ng bansa ang nangunguna, kaya hindi maaring maging crown prince si Troy, dahil napakabata pa niya--- kaya sa ayaw at gusto ni Tenho kailangan niya itong tanggapin" paliwanag ng hari
"Natitiyak kong may ibang dahilan ka kamahalan--- kilala kita mula noong unang araw ko rito--- may ibang dahilan po ba?" Nagtatakang tanung ni Arnel
Huminga ng malalim ang hari. Saka ito tumingin ng malayo.
"Arnel--- ito lang ang natitirang paraan para maprotektahan ko ang aking mga anak" sabi niya at tinignan ito.
"Nalaman ko mula kay Marco ang tunay niyang kalagayan--- wala na akong magagawa--- sa huli alam kong walang susuko sa kanilang lahat" mahinang sabi nito"Kung ganun bakit pa ninyo pinayagan na dito tumira si Lady Alyana?" Tanung niya
"Para muling maiwasan ang anuman--- higit sa lahat para ito kay Troy, sa huli siya parin ang kinikilala ng lahat na dapat ay tagapagmana" sagot ng hari
Kumatok ang Reyna at saka ito pumasok, tumabi si Arnel saka nagbigay galang.
"Maiwan mo kami" seryoso nitong sabi, kaya yumuko si Arnel at lumabas.Lumapit ang reyna at umupo sa harap niya.
"Marlon--- paano naging ganun ang hatol?" Tanung niya"Anung ibig mong sabihin?"
"Hindi yon ang orihinal na hatol--- anu ba ang iniisip mo? Siguro dahil ito sa kalagayan ni Marco tama ba?---"
Tahimik lang ang hari at saka tumingin sa malayo.
"Marlon, hindi ganun ang pagkakakilala ko kay Alyana-- hindi ako naniniwala na may mga iniisip siyang ganun---"
"Oo-- ako din, kaya naman ay pumayag ako sa gusto mo na manatili sa palasyo si Alyana-- kahit na ganun hindi maaring balewalaen ang mga nangyari sa lahat"
YOU ARE READING
Royal Criminal Hearts
RomanceAfter her engagement to the prince was broken, she was then proposed to marry the second prince. This marriage changed her life and her all. She was then trapped in a place where their is too much competition not only in throne but also in heart...