Naiwan siya magdamag sa kanyang silid nang umalis si Tenho. Hinintay niya ang susunod na mang yayari, at sandaling lumipas ang araw pinatawag siya ng papa niya sa kanyang opisina,
"Papa"
"Malaki ang gulong nagawa mo... ito ang sinasabi ko sayo, nalaman nga ng palasyo ang tungkol sa pagpasok mo"
"Ang akala ko po kasi ay nawala na ang mga vedios"
"Akala lang Rosalie--- pero hindi mo sinigurado---- ngayon nakita mo na?---- pinagdesisyunan ng parliamento na dinggin ang panig nina Tenho at Alyana... may oportunidad silang mabago ang lahat---- ngunit mahigpit ang hatol sa nagawa mo--- ipinapahanap na ng security kung sino ang pumasok"
"Anu na po ang mangyayari sa akin?"
"Kapag napatunayan na ikaw nga ang pumasok... papaalis ka sa posisyon mo at sa palasyo---- ganun din kina Tenho at Alyana....
Mag isip kang mabuti Rosalie---- ikaw ngayon ay nakatayo sa gitna ng tulay sa ibabaw ng rumaragasang tubig, pag isipan mo kung aling pangpang ka dapat tatakbo""Anung ibig mong sabihin?"
"Ang divorce nina Alyana ay isang napakalaking depensa--- maari mo itong gamitin para iligtas ang sarili mo----- pero pag isipan mong mabuti--- kapag nagkamali ka ng hakbang--- tiyak na ikaw ang mapapahamak"
"Paanu niyo po yun nakuha?"
"Ang tahimik na ahas, dumadating at nanunuklaw ng hindi nakikita---- maingay ang plano mo--- kaya namataan ko ito agad... at naagaw ang plano bago mo pa ito makuha----"
"Ibig sabihin alam mo ang plano.... si B...Bernard ba ang--"
"Hindi... nalaman ko lang---- una nais mong maging malaki ang pagdiriwang--- tapos binago mo ang kaayusan ng mga bantay--- hindi ba masyadong halata yun" sabi ng papa niya at saka natawa ng bahagya
"Hindi ko po alam ang gagawin" mahina niyang sinabi
"Pag isipan mo kung anu ang dapat mong gawin... tandaan mo, may usapan tayo---- tutuparin ko ang isang kahilingan mo kung sakali" wika ng papa niya at saka humakbang pabalik at yumuko bago ngumiti sa anak at umalis.
"Sino kaya ang ginamit ni papa para makuha yun?" Bulong niya sa sarili.
Naupo siya sa silya niya, nakakaramdam siya ng konting pagkakahilo at hindi malinaw ang paningin niya. Ilang araw na siyang nakakaramdam ng ganito, at lagi siyang sinasabihan na maputla siya.
●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●
Tahimik at walang imik na naglalakad si Tenho sa gitna ng Flora Garden. Ang huni ng mga ibon ay nagiging maingay, at sa hindi kalayuan nakita niya si Bernard na papalapit sa kanya, nagbigay galang ito sa kanya.
"Bernard---- anung ginagawa mo rito?" Mahinang tanung niya
"Kamahalan---- narito po ako para hanapin kayo--- bumalik na po kayo sa palasyo"
"Bakit may hatol na ba ang parliamento?"
"Wala po kamahalan---- pero ang Prinsesa--- walang kasama at nalulungkot------"
"Anung ibig mong sabihin Bernard?"
"Hindi man po niya sabihin--- pero nakikita ko po na kailangan ka niya ngayon... mukha po siyang malakas sa tingin niya, pero ang totoo mas mahina siya sa lagay niya" mahinang sinabi ni Bernard
"Hindi niya ako gustong makita" nag aalalang sinagot niya
"Napakaswerte po ninyo, mahal na prinsipe---kung alam mo lang"
YOU ARE READING
Royal Criminal Hearts
RomanceAfter her engagement to the prince was broken, she was then proposed to marry the second prince. This marriage changed her life and her all. She was then trapped in a place where their is too much competition not only in throne but also in heart...