Kinaumagahan nagising siya sa ingay ng paligid. Tumingin siya sa bintana at nakita ang ilang mga sasakyan at mga tao.
Ilang sasakyan ay may dalang mga bulaklak. At mga gamit ang iba.Pumasok si Isabelle na may dalang kape sa tray na hawak.
"Anung nangyayari?" Tanung niya
"Dumating po ang mga planner, designer, decorating team, mga coreographer at mga Florist na magaayos sa reception ng kasal bukas" sabi niya at inilapit ang kape
Kinuha niya ito habang nakatingin parin sa labas.
"Ang reception ay sa harden ng Hari.. ito po kasi ang pinakamalawak sa lahat" sabi ni Isabelle at inilapag ang tray sa mesa.
Lumapit siya sa kama at saka inayos ang mga kumot.
"Oo nga po kamahalan, ang gown niyo po nasa baba po, pinadala ko na po rito..." sabi niya habang inaayos ang kama
"Sino ba ang nagdesign?" Tanung niya
"Mula po sa Royal dresser kamahalan" sagot niya.
Maya maya ay may kumatok, nagmadali si Isabelle na lumakad patungo sa pintuan at binuksan ito. Dalawang babae ang pumasok tulak tulak ang gown.
"Ang ganda din naman" komento niya
Isa itong magarang gown na magsisimula sa buhay niya bilang asawa.
Lumabas ang dalawang pumasok saka may sumunod na may dalang parang isang glass na tray na may laman ng mga alahas, at isang glass box na may lamang tiara sa loob. Ininalap nila ito sa mesa at saka umalis."Ang tiara po ang mula sa Reyna, siya po ang may ari nito, nais daw po niyang ito ang gamitin ninyo" sabi ni Isabelle
Tinignan nita ito ng mabuti hindi gaanung maraming palamuti pero isa itong kakaibang korona.
"Oo nga po pala kamahalan.. may naisip na po kayong idadagdag sa mga padadalhan ng liham?" Tanung ni Isabelle
"Wala kong naisip..." maikli niyang sinabi
Nagulat si Isabelle pero nanahimik lang siya.
Umupo si Rosalie sa kama niya at inilapag ang kape sa mesa sa gilid.
"Isabelle.. sa tingin mo anu ang ibig sabihin ng ikasal sa prinsipe" tanung niya
"Para po sa akin, ang mga babae sa labas ng palasyo ay naiingit sayo, namamangha at tinitinga kayo, ang magpakasal sa isang prinsipe ay kalimutan ang pangalan, pinagmulan at katauhan at mamuhay sa bagong pagkakakilanlan na isang prinsesa" sabi nito
"Bukas na ang kasal bukas narin magtatapos ang unang yugto ng buhay ko... sadyang nakakatakot isipin...." hindi siya nagtapos sa pananalita niya ay may kumatok at pumasok si Tenho.
"Pwede bang maiwan mo kami" sabi niya kay Isabelle.
Pagkalabas ni Isabelle lumapit siya kay Rosalie.
"Bukas na ang kasal ... tatayo tayo doon at magpapalitan ng pangako sa isa't isa... at matatapos ang araw na tayo ay mag-asawa na... bago mangyari yun... nais kong malaman kung may nais kang itanung o alamin mula sa akin" direktang tanung niya habang nakatingin sa kanya
"Nais kong malaman... kung paano ka mabubuhay sa piling ko..." mahina niyang tinanung. Wala kasi siyang maisip na tanung.
"Hindi ka mahirap pakisamahan at mahalin... hindi ako mahihirapan sa tabi mo..." sabi niya
Nanahimik muna siya kung may itatanung pa ito pero yumuko lang ang ulo niya.
"Marahil narinig mo na ang tungkol sa lumabas na balita noong nakaraang buwan..." sabi nito"Ang totoo... gusto ko sanang malaman din ang tungkol doon... si Alyana ang kasama mo hindi ba?"
"Oo... siya nga.... pero si Alyana ay nakaraan at ang picture na nakuha ay hindi yun ngayun... ito ay matagal na picture na hinalughug at ginamit para siraan ang lahat... maniwala ka" sabi niya na parang kinukumbensi ang ito
"Wala rin naman akong masabi...kasi..."
"Rosalie... makinig ka... aaminin ko ang puso ko ay umibig pero natapos na ito... at tuluyan nang matatapos bukas" pagpapatuloy niya
"Hindi ko naman hinihingi na gawin mo yan.... ayaw kong mahirapan ka... dahil lang dito... ang kailangan ko lang ay ang katapatan mo bilang asawa..."
Tumayo siya at tumalikod sa asawa saka huminga ng malalim.
"Ang laman ng puso ay hindi madaling mabago... higit sa lahat mahirap itong baguhin..." sabi niyaNang maka alis na si Tenho inisip niya ang sinabi nito kung totoo. Kung ang picture nga ba ay isang lumang picture lang.
Matagal niyang tinitigan ang gown niya, tulala siya at walang ibang bagay sa isip kundi ang tapusin ang kasunduan. Alam niyang sa oras na maging Hari ang crown prince maari na silang umalis sa palasyo. Doon din ay maari rin niyang mapalaya
Hindi niya napansin ang pagpasok ni Alyana sa silid niya dahil sa pagkakatulala niya.
"Masyado yatang malalim ang iniisip mo..." sabu niya at nabigla si Rosalie kaya tumingin sa kanya.
Hindi siya nagsalita at ngumiti lang.
"Sikat pa naman at tumatakas sa gabi bago ang kasal" sabi niya ulit
"Hindi ko iniisip na tatakas... pagod lang ako" mabait niyang sagot.
Nagulat si Alyana sa mabait na pananalita nito sa unang pagkakataon kaya tumawa ito.
"Hindi ko lang maisip na darating ang araw na ito... akala ko habang buhay na kitang nawala sa mata ko... hindi pala... saka ikakasal ka.. kay Tenho pa"
Tahimik lang siya at nagtitimpi hindi niya gustong magsimula ng away lalo na ngayun mataas ang katayuan ni Alyana sa kanya.
"Bakit ba ang tahimik mo Rosalie.... nakakatawa hindi ba? Ang babaeng dating pinagsisilbihan ko ngayun ay yumuyuko sa akin" saka ito tumawa
"Kamahalan... ayaw ko po sanang isipin ang naaraan... kaya po..."
"Oona... binabati kita sa kasal mo" sabi niya at inilapit ang kamay para makipagkamayan.
Tinaas muna ni Rosalie ang kilay sa kanya bago iniabot ang kamay.
Bago umalis si Alyana ay iniwan niya ang isang maliit na kahon sa mesa nito.
"Para sayo" sabi niya at lumabasTinitigan siya ni Rosalie ang hanggang sa lumabas ito saka lumapit sa kahon. Tinanggal niya ang laso dito at binuksan.
Nagulat siya ng makita ang nasa loob na isang hairpin. Ito ay kulay asul na rosas at sa gitna ay may puting perlas . May isang papel na nandoon. Kinuha niya ito at binasa.
"Not all precious are beautiful"
Hindi niya alam kung anu ang iniisip ni Alyana. Pero alam niyang may nais itong sabihin.
Hindi niya nais na biguhin muli ang papa niya kaya hindi niya ninais na tumakas at umalis.
YOU ARE READING
Royal Criminal Hearts
RomanceAfter her engagement to the prince was broken, she was then proposed to marry the second prince. This marriage changed her life and her all. She was then trapped in a place where their is too much competition not only in throne but also in heart...