"Magandang umaga po kamahalan, kahapon po ay naiharap ko sa parliamento ang bagong ebedensiya, kung kayat magbabago ang hatol, sa halip na isara ang kaso ang hatol ay magbabago" wika ni Arnel
Nagulat si ang lahat higit sa lahat ay si Rosalie kung saan bakit nagbago ang pasya na isara nalang ang kaso.
"Ang bago ebidensya ay isang kuha ng isang CCTV sa harap ng silid ng crown princess mula sa ibang anggolo, kung saan malinaw ang mukha ng taong pumasok sa loob" wika ni Arnel
Nanlaki ang mata ni Rosalie kay Marco, at kay Alyana.
Habang ipinakita ni Arnel sa screen ang video at saka inihinto ito at tumambad ang mukha niya sa screen. Malinaw na malinaw, at kitang kita.
Ang mata ng Royal Family ay matalim at tumingin sa kanya, maging ang katabi niyang asawa niya.
"Rosalie... paano mo ito nagawa?" Tanung ng Hari pero hindi siya sumagot
"Bakit? Anung meron? Bakit mo pinasok ang silid at nagpanggap na isang utusan?" Tanung ng Reyna
"Kamahalan" mahinang sabi niya
"Magpaliwanag ka Rosalie--- kilala kita hindi mo ito gagawin kung walang dahilan" Muling sambit ng Hari pero tahimik lang siya
"Paano mo ito nagawa Rosalie" nagsisimula nang magalit ang Reyna
"Arnel... anu ang hatol ng parliamento ukol dito?" Galit na sabi ng hari
"Hinihingi po ng parliamento na--- ang mahal na prinsesa ay isang malaking kahihiyan sa palasyo dulot nito nais nilang ang prinsesa ay matatanggalan ng titolo at katungkulan sa bansa" wika ni Arnel
"Anu? Hindi maari yun" Gulat na sabi ni Tenho
"Patawad po kamahalan--- pero ito po ang hatol ng parliamento--- higit sa lahat ang hatol ay hindi pa opisyal na ipinapahayag, kung kayat maari itong baguhin ng kamahalan--- at sa kasalukuyan ipinagbabawal din po na umalis ang prinsesa ng walang pahintulot sa palasyo" wika ni Arnel
"Sige--- mag uusap kami... ipaparating namin agad ang hatol--- pero sa kasalukuyan wala munang mangyayari" wika ng hari
"Hinihingi rin po ng consultance na gawin ang isyu na isang isyung panloob ng palasyo at walang kinalaman sa bansa--- ito rin po ay upang maiwasan ang tensiyon sa mga mamamayan" dagdag na sabi ni Arnel
"Oo--- yun ang dapat na mangyari" wika ng Reyna
"Kung ganun--- aalis na po kami" sabi ni Arnel at umalis kasama ang ibang mga tao roon. Naiwan ang royal family na walang imik at tahimik, lahat ay nagulat maliban sa natutuwang si Alyana.
"Sa huling pagkakataon, tatanungin kita Rosalie--- bakit mo ito ginawa at bakit ka nagsinungaling?" Wika ng Hari
Nakayuko lamang ang ulo ni Rosalie, ang lahat ng mata ay nakatingin sa kanya.
"Rosalie---" mahinang bulong ni Tenho
"Mainam lang na sagutin mo ang Hari, Rosalie--- hindi ka dapat nananatiling tahimik na ganito--- narinig mo naman ang maaring maging hatol hindi ba?" Wika ng Reyna
"P...patawad po kamahalan" mahinang sinabi niya, "pero hindi ko po masasagot ang iyong katanungan" wika niya
"Anu!!! Ang lakas ng loob mong sabihin sa akin yan--- pinagkatiwalaan kita--- higit sa lahat, naniwala ako sa mga salita mo--- yun pala isa kang tahimik na gumagalaw ng palihim" galit na sabi ng Hari at saka ito lumakad paalis.
"Marlon---" wika naman ng Reyna habang hinabol ito sa kanyang opisina.
"Marlon huminahon ka-- walang hindi nagulat sa nangyari--- lahat tayo ay hindi makapaniwala" awat ng Reyna sa nagliliyab na galit nito
"Anung gusto mong gawin ko---- hindi ko na alam--- katatapos lang ang isang problema may sumunod kaagad---"
"Kaya nga kailangan ka ng bansa ngayon--- alam mong may ibang nangyayari--- ikaw mismo ang nagsabi doon hindi ba?"
"Oo... alam ko yun... pero higit sa lahat kilala ko si Rosalie--- naniniwala akong may malaking dahilan para gawin niya ito---" kalmado nang sinabi ng Hari at lumakad siya at naupo sa silya niya, habang sinundan siya ng asawa niya at umupo sa harap niya
"Kailangan mo pa bang pa imbestigahan?" Tanung ng Reyna
"Ako na ang gagawa--- pero kailangan ang paunang hatol, alam kong hindi mananahimik ang parliamento ukol dito" wika ng hari
Mula sa pinto ay sumulpot si Tenho. Nagbigay galang at saka lumapit.
"Kamahalan" mahina niyang sinabi"Bihira kitang makita sa ganyang pagmumukha--- anung nais mo?" Tanung ng Hari
"Narito po ako upang ihingi ng tawad ang prinsesa, pagod na po siya"wika ni Tenho
"Bakit anung gusto mong gawin ko? Nakita mo naman hindi ba? Nagsinungaling siya--- kailangan niya ang parusa" wika ng Hari
"Paki usap po, papa; gawan po ninyo ng paraan, baguhin po ninyo ang hatol paki usap--- gawin po ninyo ito alang alang sa magiging apo ninyo, paki usap po" nagmamakaawang sabi ni Tenho
"Ang hatol ng parliamento ay malakas, hindi ito basta binabago, sila ang mga pinakamatataas na opisyal ng bansa" wika ng Reyna
"Kaya nga po-- kailangan ko ang hari ngayon, iligtas po ninyo si Rosalie--- paki usap kamahalan--- hanggang sa huling sandali--- makikiusap po ako, mama, papa" wika nito ulit.
"Kung ganun alam mo ba kung bakit niya ito ginawa?" Galit na sabi bg Hari pero tahimik lang si Tenho
"Tama na Tenho--- ako na ang kakausap sa kanya, sa ngayon ay puntahan mo muna si Rosalie--- sige na" wika ng Reyna at saka tumango ito sa kanya.
Nagbigay galang muna si Tenho bago lumabas, nang mag mukhang kaawa awa, at nagtungo siya sa silid ni Rosalie sa tapat ng pinto ay nakatayo sina Isabelle at Bernard.
"Nais ko siyang makita" wika niya kina Isabelle
"Pinalabas po niya kami, nais daw niyang mapag isa" wika ni Isabelle
"Susubukan ko lang siyang kausapin" sagot ni Tenho at binuksan ang pinto at pumasok.
Nakita niya si Rosalie na nakaupo sa sofa at nakapikit ang mata. Maingat siyang lumakad at umupo sa tabi niya.
"Rosalie" wika niya
"Iwan mo muna ako" maikli niyang sinagot
Habang nakapikiy parin ang mga mata nito.Tinitigan siya ni Tenho ng matagal saka tumayo, humakbang siya ng tatlong beses at naramdaman niya ang mahigpit na pagkakayakap nito sa kanya mula sa likod niya.
"Sandali lang Tenho----" mahina niyang sinabi
"Baka ito na ang huling araw ko sa palasyo--- tapos na ang lahat" bulong niyaTinanggal ni Tenho ang kamay nito at humarap sa kanya, nakita ang mga luha sa mata nito.
"Huwag kang mag alala--- magiging maayos ang hatol" sagot nito
Kinuha ni Tenho ang mga kamay niya at humawak ito ng mahigpit.
"Anu man ang mangyari hindi kita pababayaan, pangako" dagdag niya
YOU ARE READING
Royal Criminal Hearts
RomanceAfter her engagement to the prince was broken, she was then proposed to marry the second prince. This marriage changed her life and her all. She was then trapped in a place where their is too much competition not only in throne but also in heart...