Kabanata 19

0 0 0
                                    

Nagpunta si Tenho sa kagawaran ng seguridad upang alamin ang kaso. Dalawang oras siya doon bago bumalik. Tahimik ang paligid, hindi niya nakita sina Bernard at Isabelle. Pumasok siya sa silid ni Rosalie at madilim dahil walang ilaw. Binuksan niya  ito at nakitang wala tao. Wala rin si  Rosalie,

Malinis ang paligid. Tumakbo siya papunta sa silid ng hari.

"Papa" humahagos niyang sinabi
"Tenho"

"Nasaan si Rosalie?" Tanung niya

Tahumik lang ang hari at tumingin sa kanya.

"Papa..nasaan po siya?" Inulit niya

Tumingin ang hari sa anak at saka huminga ng malalim.

"Iniuwi siya sa bahay nila.. dinala siya ng papa niya" maikling sinabi ng hari

"Anu po... papa...hindi nila pwedeng gawin yun"

"Bagamat siya ay nasa pangangala natin..irerespeto natin ang nais ng mama niya... doon muna siya hanggang gumaling" sabi ng hari

"Pero papa.. hindi pa siya nagigising... paano nila.."

"... ang totoo Tenho... bago siya iuwi... gumalaw ang mga kamay niya... ayon kay Alden, isa itong magandang palatandaan na siya ay magigising na" paliwanag ng hari

"Papa... paano po kayo punayag sa nais nila... bakit siya inilayo nang hindi ko nalalaman...asawa ko po siya papa" tumaas ang boses ni Tenho

"Magalit ka man ay hindi makakatulong... magiging mas maayos siya doon...babalik din siya... matulog ka na, at may trabaho ka pa bukas"

"Paano niyo po ako inaasahang magtrabaho sa ganito..." sabi niya at tumalikod

"Saan ka pupunta?" Tanung ng Hari

"Pupuntahan ko ang Prinsesa...."

"Hindi ka pwedeng pumunta roon...pinagbawal ko na lumabas ka ng palasyo" sagot ng Hari

"Papa.... Bakit niyo po ito ginagawa?" Mahina niyang tinanong habang nakatalikod sa ama

"Dahil ito ang madaling paraan... higit sa lahat ang aksidente ay dahil sa iyo...pero hindi kita pagagalitan...dahil nais kong maniwala na isang hindi pagkakaunawaan ang nangyari" sabi ng Hari

Hindi na nakinig si Tenho at lumakad palayo. Lumabas siya at tumingin sa main gate. Mas marami ang bantay kaysa dati, maging ang ibang gate palabas ang puno ng mga gwardiya. Alam niya na kahit anung gawin niya hindi na siya makakalabas pa.

Sising sisi siya sa sarili niya, nais niyang humingi ng tawad sa asawa, nararamdaman niya ang malaking pagkakabigo niya sa sarili.
Hindi siya naging mabuting asawa, higit sa lahat hindi niya nagawang paki taan ng pagmamahal ang asawa, pero sa sandaling ito ramdam niya na nagsisisi siya sa mga nagawa niya. Dahil hindi niya nakita ang kabutihan ng asawa sa kanya sa loob lamang ng maraming araw.

Nakaramdam siya ng pagkadismaya sa sarili, at kahit nais niya puntahan ang asawa ay hindi niya magawa, nais niyang mayakap ang babaeng nanatili sa tabi niya, at nagpakita ng pagkaintindi sa kanya.

Wala na siyang pag asa pa, bumali siya sa silid niya at nahiga, dumaloy ang nag iisang patak ng luha mula sa mga mata niya. At saka siya pumikit at tuluyan nang nakatulog.

Samantala sa bahay nina Rosalie nakahiga siya sa kama niya, habang binabantayan ng maraming mga doctor at nurse, hinihintay ang susunod na pagbago nito, dahil gumalaw kanina.

Nakaupo sa isang sofa sina Isabelle at Bernard na hindi makahintay sa paggising ng prinsesa.

"Gaano ka ba katagal dito sa kanila" tanung ni Isabelle para sirain ang katahimikan kay Bernard

"Mula pagkabata ko, dito ako lumaki... ang papa ko ay dating body guard ni Tito Alfred, pero nabaril siya at nalumpo, mula doon dito na ako tumira at lumaki kasama si Rosalie... pati na si Alyana" kwento ni Bernard

"Paano ba napunta si Alyana rito?"

"Nagkaroon ng samahan ang papa niya at si Tito...kaya mula doon sumasama si Alyana duti sa amin... pero nang masangkot ito sa isyu noon.. pina alis siya sa palasyo at umalis din siya dito sa bahay... high school pa lang kami noon" kwento niya

Muling nabalot ng katahimikan ang buong paligid. Hanggang sa muling nag umaga, nakatulog ang dalawa sa sofa na kina uupoan. At nagising sila nang magsalita ang isang nurse sa silid.

"Doc nagbago ang wavelenght niya... nagkakamalay na siya" sabi nito

Tumayo sina Isabelle at Bernard, pumasok din ang mama at papa niya

Muling gumalaw ang kamay ni Rosalie at saka unti unting dumilat ang mga mata niya.
Agad siyang nilapitan ni Denver.

"Kamahalan...naririnig niyo po ba ako...kamahalan" sabi niya habang tinatapik ang balikat nito. Inilabas niya ang ilaw niya at saka inilawan ang mga mata nito

"Kamahalan...kung naririnig niyo po ako... sundan niyo ang ilaw..." sabi niya at iginalaw ang ilaw sa mata nito

Nang una ay hindi ito sumunod pero sinundan din niya.

"Mabuti po..." at saka siya tumayo at ngumiti kina Alfred
"Gising na po siya Sir" sabi niya

Tumakbo si Carina at niyakap ang anak.
Napahinga na rin sin Isabelle at Bernard maging ang papa niya.

"Anak...ligtas ka na...si mama to" lumuluhang sinabi ni Carina

"..M...Ma...Mama" mahina niyang sinagot

Ngumiti ang lahat ng nasa silid, at nakahinga na ang lahat sa wakas.

"Isabelle tumawag ka sa palasyo..ipa alam mo na gising na siya...pero hindi pa pwedeng bumalik" sabi ni Alfred

"Opo" sagot ni Isabelle, saka ito lumabas ng silid upang tumawag.

Ang halimuyak ng mabangong lugaw at sabaw at nagmumula sa kusina, ipinaghahanda nila ng makakain ang prinsesa. Samantalang ang lahat ay nagbalik na sa dati nitong trabaho.

Dinala nila ang kakainin niya sa silid, at siya ay pinaupo.

"Kumain ka na... para bumalik ang lagay mo" wika ng ina

"Paano po ako nadala rito?" Tanung niya

"Hindi na mahala yun...ang mahalaga ay maayos ka na ngayon... sige na kumain ka na" wika ng ina

Kahit na masama parin ang pakiramdam niya. Uminom siya ng sabaw at kumain ng lugaw upang mapanatag ang loob ng ina. Kinain niya ang lahat.

Palingon lingon siya sa paligid hindi niya alam kung ano. Pero may hinahanap siya na hindi niya makita.

Muling nadudurog ang kawawang puso niya. At nanatili ang ala ala ng nangyari. Ang dating tirahan niya ay sadyang hindi nagbago. Ngunit ang kalooban niya ay nagbabago.

Nagdurugo ang puso niya, at galit na galit siya sa sarili niya, dahil nagawa niyang makaramdam ng iba na hindi niya inaasahan.

Royal Criminal HeartsWhere stories live. Discover now