Kabanata 28

0 0 0
                                    

Nakatayo si Rosalie sa hawak ang wine.

"Mukhang napakabigat ng hawak mo ah" sabi
Ng tao sa likod niya

Lumingon siya at nakita ang papa niya.

"Papa" mahina niyang sinabi

"May nangyari ba?" Tanung nito

Bahagya siyang yumuko ng ilang segundo bago muling tumingin sa ama na mukhang nagtataka.

"Sinubukan ko pong pasukin ang silid ni Alyana.... sa totoo lang pinasok ko ito...pero hinalughog ko ang lahat ngunit wala ito.." sabi niya saka ibinaba ang ulo.

Narinig niyang tumawa ng mahina ang ama niya, pero hindi na niya ito tinignan pa.

"Iyan ang sinasabi ko... kumikilos ka ng hindi nagpaplano-----"

"May plano po ako papa---"

"Ngunit palpak... dahil isang angulo lang ang tinignan mo... hindi mo pinag aralan ng mabuti ang paligid ng plano, ang mga hadlang...alam mo ba yun" Sabi ng ama niya

Ayaw na niyang makipagtalo, dahil wala siyang nagawa. Higit sa lahat siya ang talo at palpak, nahihiya siya sa papa niya at sa planong palpak siya. Nais niyang umiyak o magwala, nais niyang ibuga ang nasa isip niya.

"Patawad po papa... pero anu po ang gagawin ko" tanung niya habang nakayuko parin anv ulo.

"Una... paano kung malaman nila ng pinasok mo ang silid? Pangalawa... Paano kung malaman nila na hinahabol mo ang papel na yun, o baka may pag-aalinlangan ka sakanila?"

"Papa... hindi mo naman ako tinutulungan... binibigay mo naman ang problema ko"

"Rosalie... huwag kang padalos dalos ng iniisip... huwag kang masyadong magdamdam... dahil kapag nakikialam ang puso sa plano, palpak talaga ito" payo ng ama

Tahimik lang siya at nakayuko. Kinuha niya ang wine at saka tinignan at uminom ng saglit, wala siyang maisagot sa ama. Hindi nila napansin na papalapit si Tenho.

"Rosalie----" sigaw niya habang palapit sa kanya. Tumabi siya kay Rosalie at saka tumingin sa papa nito ay yumuko upang magbigay galang.

"Kumusta po kayo, papa" wika ni Tenho

Mainam na ngumiti si Alfred at saka tumango.
"Maayos naman ako-----"
Nagsasalita pa si Alfred nang dumating ang asawa kaya hindi na niya naipagpatuloy, yumakap si Rosalie sa ina habang yumuko naman si Tenho.

"Rosalie anak, bakit ang putla mo, maayos ba ang lagay mo, mukhang matamlay ka rin?" Pag aalalang sinabi ng ina nito

"Maayos po ako mama, huwag kayong mag alala..." sagot niya at ngumuti

"Tenho--- magandang gabi sayo" sabi ni Carina nang makitang nakatingin si Tenho sa kanila

"Magandang gabi po.. mama...." maikli niyang sagot

"Masyadong mahangin ang labas para kay Rosalie... pumasok na kayo..." sabi ni Carina

"Mama, ayos lang" agad namang sinagot ni Rosalie

"Hindi tama ang mama mo, pumasok na kayo... tapos na rin naman ang pagdiriwang... nagsisi-alisan na rin ang mga tao"sabi ng papa

"Opo papa, mauna na po kami sa loob" sagot ni Tenho at umakbay sa beywang ni Rosalie saka sila umalis.

Tahimik lang si Rosalie habang papasok sila at dinala niya ito sa silid niya.

"Ayos ka lang ba?" Tanung ni Tenho, habang tinanggal ang necktie

Ibinaba ni Rosalie naman ang kanyang Purse sa mesa, saka tumingin kay Tenho at ngumiti bago tumango.

"Nakita kita kasi na parang walang imik habang kausap ang papa mo kanina.... anu bang sinasabi niya" mahinang tanung ni Tenho

"Wala naman... kinukumusta niya ako at wala akong maisagot... kung ayos ba ako o hindi" sagot din niya.

"Rosalie----" Hindi na ipinagpatuloy ni Tenho ang sinasabi dahil nagsalita si Rosalie

"Iwan mo muna ako... nais kong mapag isa" mahinang sinabi niya

"Hindi, dito lang ako"

"Paki usap... umalis ka na" sabi niya at tumalikod

Hindi nagsalita si Tenho at pinulot ang necktie na inilagay sa mesa saka umalis, mahina niyang isinara ang pinto at saka umalis, pero sa halip na bumalik sa silid, nagtungo siya sa labas, at naglakad lakad papuntang Royal Villa.

Mahina siyang naglalakad habang ang mga kamay ay nasa bulsa ng kanyang slacks, nakayuko sa kalsada habang naglalakad.

Iniisip niya ang asawa, ang asawang nakapiling niya, at pakiramdam niya wala siyang anumang kapangyarihan para protektahan ang asawa, wala siyang magawa higiy sa lahat nais niyang ilayo ang asawa mula sa papa nito at sa mahigpit na palasyo.

Pumasok siya sa Flora Garden at naglakad siya doon sa ilalim ng mga puno at mga bulaklak.
Tahimik ang gabi, maliwanag ang buwan, maaliwalas ang paligid mula sa mga ilaw nito at ang mga ilaw mula sa street lights,

At biglang may nagsalita sa likuran niya.

"Gabi na nandito ka pa"

Nang lumingon siya nakita niya si Alyana.

"Papunta ako sa Villa" sagot niya

"Mukhang mabigat ang iniisip mo"

"Wala... pagod lang" sagot niya at nagpatuloy sa paglalakad.

"Si Rosalie ba ang iniisip mo" tanung ni Alyana

"Isa na yun" sagot niya

"Bakit mo pa siya iniisip ng wala naman siyang ibang iniisip kundi ang sarili at ang papa niya" natatawang sinabi ni Alyana.

"Mali ka-----"

"Bakit sa tingin mo mahal ka niya" muling natawa ng masama si Alyana, at saka lumapit kay Tenho na huminto sa paglalakad.

"Huwag kang papagamit, higit sa lahat huwag kang papadala sa mga salita niya, magaling siyang magpaikot ng tao... "

"Wala kang alam tungkol sa kanya"

"Kilala ko siya higit sinuman.... higit sayo na asawa niya" at saka tinaas niya ang Kilay

"Hindi ka----"
Nagsasalita si Tenho ng makita ni Alyana na papalapit si Rosalie at  biglang yumakap si Alyana at humalik kay Tenho, at pumikit ito. Pero agad din naman siyang lumayo nang biglang sumulpot si Marco at hinila si Tenho saka sinuntok sa mukha.

"Kuya...." biglang sinabi ni Tenho habang siya at napahiga sa kalye.

Nais tumakbo ni Rosalie at puntahan ang asawa na nakahiga sa kalye at tumatayo habang hawak ang mukha.

"Anung ginagawa mo... hindi ka na natuto... ngayon mo makikita ang----" sabi ni Marco at muli siya sinuntok at muling napahiga siya sa kalye.

Si Alyana ay nakatayo doon, at walang magawa, gulat na gulat siya sa pagsulpot ni Marco, dahil ang plano niya ay si Rosalie, kaya niya hinalikan si Tenho para ipakita kay Rosalie.

Habang si Rosalie ay napa atras, nanigas siya at hindi makagalaw, hindi makalapit.

Hinila ni Marco sa Alyana at umalis sila. Mabilis ang pagkakahawak niya kay Alyana at mabilis silang naglakad papunta sa kanilang Villa. At iniwan si Tenho na may dugo sa labi at nahihirapan na tumayo.

Pero sa halip na lapitan siya ni Rosalie para tulungan, pumatak ang luha niya at lumingon at umalis, iniwan niya rin ito.

Pumunta siya sa silid niya, at pinunasan ang luha,

"Pakalakas ka Rosalie... wala kang nakita....WALA KANG NAKITA" sabi niya sa sarili sa harap ng salamin.

Lumabas lang kasi siya sandali upang maglakad lakad, hanngang sa napunta siya doon at hindi niya inaasaha  na makikita niya ito.

Royal Criminal HeartsWhere stories live. Discover now