Kabanata 29

0 0 0
                                    

Dahil uminom ng Sedatives si Rosalie, upang makatulog siya ay tinanghali ng gising, halos mataas ang sikat ng araw at mainit na.

Nagising siya sa paulit ulit na paggising ni Isabelle sa kanya.
Matapos siya makapag ayos, nagtungo siya sa opisina, at umasta na parang walang nangyari.

"Kamahalan" mahinang sinabi ni Isabelle at inilapag ang tablet sa mesa.

Kinuha niya ito at tinignan.

"Ito po ang headline ng lahat, pinag uusapan sa buong mundo" mainang paliwanag ni Isabelle

Sa isang news, ang larawan ni Tenho at si Alyana, ang paghalik ni Alyana sa kanya.

"Hindi nakakagulat... nandoon kasi ako kagabi... nakita ko ang halik na nangyari" sabi niya

Mukha siyang kalmado at hindi naapektuhan, pero ang puso niya ay nadudurog, doon siya magaling ang magtago ng nararamdaman.

"Ibig sabihin po-----"

"Oo Isabelle... nakita ko ang lahat.... pero alam na ba ito ng Royal Family" tanung niya

"Opo kamahalan, kasalukuyan silang kinakausap ng hari" pagpalaliwanag ni Isabelle

"Natitiyak kong, malaking gulo ito" sabi niya. Tumayo siya at lumabas ng palasyo habang sinunsundan siya ni Isabelle

"Saan po kayo pupunta?" Tanung ni Isabelle.

Nagtungo sila sa Royal Garage, kung saan ang mga kotse ng palasyo ay nakaparada.

"Nais ko lang na magpahangin, sabihan mo kung may maghanap, tutungo lang ako sa Royal Villa" ngumingiting sinabi niya at pumasok sa isang kotse.

Hindi na siya napigilan ni Isabelle, dahil nag maneho na ito paalis. Mabilis ang pagmaneho niya, at nakarating siya doon agad.

Pumasok siya at doon humagolhol ng iyak, habang napaupo siya sa sofa, at patuloy ang pagbuhos ng luha niya, nasasaktan siya, ng sobra,

Ang luhang matagal na naipon sa mata niya at hindi matigil sa pagbuhos. Tuloy tuloy ang luha niyang hindi niya mapigilan. Ang sama ng loon, galit at pagsisisi na nananaig mo puso niya.

Parang nawala ng ilang daang medalya ng tagumpay ang sarili niya. Mula sa kinauupuan niya nakita ang puting camera, lumapit siya rito at saka binuksan. At lalo siyang nalugmok sa kalungkutan ng makitang nandoon pa ang mga litrato ni Alyana.

Dahil sa labis na galit hindi niya napigilan ang sarili at ibinato ito sa sahig na nagbigay ng ingay habang nagkapira piraso ang camera sa sahig. Napapikit siya at nang idilat ang mata nakita si Tenho na nakatayo sa pinto. At nakita ang nangyari. Pero tahimik lang ito.

Lumakad si Rosalie papalabas pero hinawakan ni Tenho ang braso niya dahilan upang siya ay huminto.

"Mag-usap tayo" mahinang sabi ni Tenho na parang nakikiusap

" bakit?" Matigas niyang sinagot

Alam ni Tenho na nabalitaan na niya ang nangyari at ang news.

"Magpapaliwanag ako"

"Hindi... walang dahilan para magpaliwanag ka... wala kang kasalanan... alam kong sa puso mahirap itong pigilan-----"

"Hindi Rosalie...mali ka---"

"Anung mali?.... saan doon... masyado akong nangarap na balang araw mamahalin mo ako ng higit kanino man...NG HIGIT KAY ALYANA"
Na iiyak niyang sinasabi

"Hindi mo lang alam kung anu ang lahat ng ito... naghintay ako ng naghintay, pero hangal na pala ako... hindi ko inisip na kahit kailan, hindi ako makakapantay sa kanya" dag dag ni Rosalie

"Hindi... Rosalie... walang nangyari----"

"Anu?.... sasabihin mo nanaman ba na lumang larawan ang lumabas? Sige sabihin mo.... akala mo ba talaga wala akong alam.."
Namumula na ang pisngi niya habang ang mga luha ay umaagos dito kahit na pinipigilan niya.

"Oo totoo... may nangyaring halik... pero pwede bang kalimutan mo na yun... dahil wala lang yun.... ang totoo, hindi ko ginusto ito..."

"Ginusto mo man o hindi--- pareho lang yun" saka niya tignan ang pira pirasong camera sa sahig
"Patawad sa nabasag na Camera, papalitan ko na lang..." wika niya at hinila ang kamay niya

"Rosalie... teka lang..."

"Tama si Papa... hindi na sana ako dapat nagtitiwala pa..."

"Bakit nagsisisi ka ba?"

"Nais mo bang marinig... Oo nagsisisi ako... hindi sa pagpapakasal ko kundi dahil nagdamdam ako sayo... ngayon ako na ang natalo... walang laban..."

Sabi niya at iniwan si Tenho sa loob. Nasasaktan at nagagalit sa sarili.
Naupo siya at inipon ang mga piraso ng camera na nasira. At lumakad patungo sa basurahan saka ito tinapon.

"Tama---- dapat ka na ring mawala rito" bulong niya habang nakatingin sa Camera.

Napaupo siya sa sofa at pumukit. Hindi alam ang gagawin. Parehong nanganganib ang posisyon nila ni Alyana. At wala siyang laban dito.

Habang pinunasan naman ni Rosalie ang luha at saka tumingin sa salamin ng kotse bago bumaba at pumasok sa palasyo na parang walang nangyari. Medyo nahihilo siya, dumiretso siya sa silid niya at nakita si Isabelle doon.

"Anung nangyari?" Tanung niya

"Ang kanyang kamahalan, ang hari ay labis ang pagkamuhi sa Crown Princess at kay Prince Tenho, pinagbawalan sila na lumabas at binabantayan sila, hindi lang yun... malaki ang naging epekto nito, at kasalukuyan silang pinag uusapan sa parliamento"

"Anu ang panig ng Hari?"

"Siya po ay labis ang galit, at nais niyang tanggalin agad ang dalawa sa posisyon pero hindi niya ito magagawa dahil sa batas---- kaya't hindi siya makadesisyon..pero ang papa ninyo ay may------"

Hindi pa tapos si Isabelle sa pagsasalita ng biglang malakas na nagbukas ang pinto ng silid niya at pumasok ang namumutla sa galit na si Alyna.

"Rosalie----" sigaw nito habang papasok at palapit

"Nawawalan ka na ba ng galang sa sarili--- alam mo bang hindi ka pwedeng basta nalang pumapasok rito" sagot ni Rosalie

"Oo alam ko ang batas... kaya alam ko na rin kung sino ang tunay na pumapasok sa hindi silid" aroganteng sinabi ni Alyana

Hinintay ni Rosalie ang kanyang pagsasalita kaya natahimik siya habang humakbang ito palapit.

"Akala mo hindi ko alam--- ikaw ang kumuha ng litrato hindi ba? Dahil nakita mo kami"

"Hindi ako ang nagpicture sa inyo... baka kasama sa plano mo.... o baka ikaw din ang gumawa"

"Binabalaan kita ngayon--- huwag kang magkakamali sa anumang hakbang mo.... dahil wala kang ideya sa kung anu ang nasimulan mo..." sabi ni Alyana at saka tinaas ang kilay at umikot palabas.

Tinitigan lang niya ito habang malakas niyang isinara muli ang pinto.

"Anu nga ulit ang sinasabi mo Isabelle" tanung niya at binago ang tingin kay Isabelle

"Sinasabi ko po na may iniwan ang papa ninyo rito" sabi niya

"Si papa?"

"Opo...dumating siya kanina...pero wala po kayo...sinama na rin po niya si Bernard, at saka iniwan ito sa inyo" sabi ni Isabelle habang iniaabot ang sobreng kulay asul

Kinuha niya ito at saka huminga ng malalim. Binuksan niya ito at nakitang may isa pang envelope sa loob, ito ang hinahanap niya. Nagulat siya at naguguluhan pero mabilis niyang binuksan ito at saka binasa.

Namula siya at nanlaki ang mga mata niya, hindi siya makapaniwala sa nakita, at napaupo siya sa sofa kasabay ng pagkahulog ng papel sa sahig.

"Isa itong.... D----Divorce Papers" na uutal na sinabi niya

"Po?... kanino?" Naguguluhan din na sinabi ni Isabelle at pinulot ito saka nagulat din sa nakita.

"Ito ay sina.... Ang Crown Prince at si Princess Alyana... p----paanong?" Sabi na rin ni Isabelle

Nakapaloob sa papel na aprobado nang napawalang bisa ang legal na kasal nina Marco at Alyana, ibig sabihin Divorce na sila.

Royal Criminal HeartsWhere stories live. Discover now