Kabanata 42

0 0 0
                                    

Agad na dinala ang hari sa silid niya at sinuri ni Alden. Matagal din ang proseso ng pag aayos sa kanya. Hanggang sa kumalma siya.

"Anu na ang lagay niya?" Tanung ng nag aalalang reyna

"Mahal na reyna-- wala paring anumang pagbabago sa kalagayan niya, ang kanyang karamdaman ay lumalala ng lumalala--- lagi po siyang pagod at puyat--- mahina po ang katawan niya dahil napabayaan niya ito, dulot na rin ng kanyang edad" paliwanag ni Alden

"Sa nga nakaraang buwan ay labis ang problemang kinakaharap ng bansa-- wala siyang pahinga... oo tama ka napabayaan niya ang sarili niya--- pero anu na ang mangyayari sa kanya?" Sabi ng Reyna

"Naiintindihan ko po kayo--- pero ang hari ay sadyang mahina na ang kalusugan" mahinang sambit ni Alden

Nag aalala at gulat ang Reyna, labis ang takot sa puso niya ng mga sandaling yun, sabay sabay ang mga problema.

At sa oras na yun pinatawag ng reyna ang dalawang prinsepe.

"Marahil ay narinig niyo na ang kalagayan ng papa ninyo, nakakabigla at nakakatakot--- nais ko mang pagalitan kayong dalawa, pero hindi ko magawa, nais ko mang sisihin ang sinuman pero hindi ko kaya, ni hindi ko magawang maluha, dahil kailangan kong maging matatag at matibay--- para sa bansa" sabi ng reyna

"Mama--" mahinang sambit ni Tenho

"Hindi ko alam kung paano nagsimula ang lahat--- pero bakit ba kayo humantong sa ganito, dahil hindi kayo nag iingat--- naging makasarili ang mga anak ko sa paggawa ng desisyon--- higit sa lahat hindi niyo ba nakita kung anu ang dulot ng mga nagawa ninyo?" Pagpapatuloy ng Reyna

Tinignan siya ni Marco saka nagsalita.
"Patawad po mama-- patawarin niyo po sana kami" sambit niya

"Hindi ko alam kung kanino kayo dapat humingi ng tawad--- hindi niyo ba nakita, dahil sa pagkamakasarili ninyong dalawa ang lahat ay nadamay--- si Alyana, ay tuluyan nang nagkagulo at kung anu na ang nagawa, si Rosalie naman ay labis na naapektuhan--- at nagkaganito ang hari dahil pilit niyag pinupunan at inaayos ang mga lamat na walang tigil na ginagawa ng mga anak niya-- dapat niyong intindihin yun--- pwede ba?" Sermon ulit ng Reyna

At tahimik ang dalawa.

"Anu pa man ang mangyari--- hindi ba maaring maging maayos ang lahat dito sa palasyo? Hindi ninyo ba talaga kayang mabuhay ng maayos at tahimik?" Dagdag ng reyna

"Oo inaamin ko--- nagkagulo ang lahat dahil sa kasunduan na yun--- patawarin niyo sana ako, na dahil doon ay nagsimula ang walang katapusang digmaan dito sa palasyo" muling sambit ng reyna dahil tahimika lang ang dalawa

"Mama--- huwag niyo pong sisihin ang sarili ninyo, kami po ang may kasalanan--- higit kanino man ako po ang mas makasalanan dito" sabi ni Tenho

"Likas sa mga tao ang magkamali lalo na sa usapin sa puso--- mga bata pa kayo at naiintindihan ko ito--- ang labis na pagmamahal o galit ay nagbubunga ng hindi maganda--- ang puso ay hindi mapipigilan sa pagdamdam, minsan ang pagmamahal ay naipapakita sa galit, at minsan ang poot at naipapakita sa isang maliwanag na ngiti--- hindi ko gusto na kayo ay malunod sa dikta ng inyong mga puso--- kailangan niyong pag isipan ng pa ulit ulit ang mga bagay bagay--- lalo na pagdating sa bansa at tungkulin" wika ng Reyna

Saka ito tumayo at umalis, tahimik lang ang dalawa, at tumayo si Tenho para na rin umalis

"Sandali Tenho" pigil ni Marco at tumayo din ito at humarap sa kanya

"Sa mga susunod na araw hindi ko alam kung anu na ang mangyayari--- hindi na ako magiging hari, sira na rin ang lahat sa akin--- sana maging maayos ang lahat" sambit ni Marco

Royal Criminal HeartsWhere stories live. Discover now