Umaga na ng Lunes, lahat ay handa na para sa pagdiriwang mamayang gabi. Nakatayo ang lahat sa main entrance ng palasyo dahil papasok na ang kotse nina Tenho at kasama na niya si Troy.
Naunang bumaba ang mga bantay, bago ai Tenho at huli si Troy. Malaki na si Troy. Yumuko sila pareho sa hari at reyna. Saka nagpunta si Troy na yakapin ang mama niya.
"Kumusta ang biyahe?" Tanung ng Hari kay Tenho
"Maayos po papa" sagot niya at lumapit kay Rosalie saka ngumiti, at niyakap saglit
"Kung ganun... mag sipag ayos na kayong lahat... mabilis ang pagtakbo ng oras, dapat handa tayong lahat mamaya..." sabi ng hari
Tuwang tuwa ang Reyna sa pagbabalik ni Troy at makahawak kamay silang pumasok sa loob.
Bumalik naman si Tenho sa silid habang si Rosalie ay tinignan ang pwesto ng mga security... ilan lamang ang natira sa mga monitor ng loob... at ang lahat ay nakapukos na sa labas.
Saka siya bumalik at nagpunta sa silid ni Tenho.
"Napagod ka ba?" Tanung niya habang nadatnan na naka upo ito sa sofa
"Mabaha ang biyahe... pero wala naman akong ibang ginawa kundi matulog...kaya ayos lang ako... ikaw maputla ka nanaman ah" sagot niya
"Ayos lang yan napagod lang siguro ako... isa pa masyado akong marami akong ginawa sa nakaraang dalawang araw"
"Pero maayos naman... ang ginawa mo.. maganda ang garden" biro niya sa asawa
"Magpahinga ka muna..." sabi ni Rosalie at saka tumayo.
"Gagawa lang ako ng tsaa..." sabi niya at ngumiti"Sige" sabi ni Tenho.
Lumabas siya ng nakangiti habang iniisip na hindi siya gumawa ng isa man lang na tsaa para sa asawa gaya ng kaugalian.
Nagtungo siya sa silid niya at nakita si Isabelle saka si Bernard.
"Handa na ba ang lahat?" Tanung niya
"Opo kamahalan" sabi ni Isabelle
"Ang matitirang bantay ng monitor para sa loob ay 20 lamang kaya hindi nila mababantayan ng maayos, walang sinuman ang papayagan na pumasok sa mga silid at sa loob ng palasyo sa pagsapit ng ika 6 ng gabi... lahat ng mga utusan ay lalabas sa harden at walang maiiwan... ang mga maari lamang na pumasok ay ang tatlong courtlady at saka ang limang bantay na tinalaga ninyo na mangasiwa kabilang ako doon" sabi ni Bernard
"Mainam kung ganun..."
"Sigurado po ba kayo rito... kamahalan?" Tanung ni Isabelle
"Oo...huwag kang mag alala... pero ngayon samahan mo akong gumawa ng tsaa para kay Tenho" sabi niya
"Ipag gagawa niyo na po siya?" Parang gulat na sinabi nito
Tumango lang siya. Matapos silang makagawa, kinuha niya ito at nagbalik sa silid ni Tenho.
"Ang tagal mo naman"
"Mabagal lang kasi akong kumilos" biro niya
Inilapag niya ang tray na may tsaa sa mesa kaharap ni Tenho.
Tinitigan muna ito ni Tenho na parang sinusuri bago kinuha at uminom.
"Anu.. ayos ba?"
"Mmmm... oo.. masarap siya"
"Biro ba yan?"
"Hindi..seryoso nga... alam mo ba na ngayon ko lang natikman ang tsaa na kayo ang may gawa... nakakatuwa naman"
Tinitigan siya ni Rosalie saka yumuko ang ulo.
"May problema ba?" Tanung ni Tenho
"Wala... ayos lang... kinakabahan lang ako para mamaya" sagot niya.
"Huwag kang kabahan... magiging ayos lang ang lahat" sagot nito.
Magsimula nang nagdilim, at gaya ng plano ang pangunahing tarangkahan ng palasyo ay nagbukas, habang ang mga utusan ay nagsilabasan at ang mga bantay ay nagpunta sa pwesto.
Dumagsa ang maraming tao, napakaraming tao na hindi ka na makikilala kapag ikaw ay nahalo sa mga ito, lumabas si ang Hari at Reyna suot ang Imperial suit. Si Alyana ay nakasuot ng mahabang berdeng damit, at maganda siya rito sa pula niyang labi at nagniningning na asul na korona.
Sina Marco at Troy ay nandoon narin. At magkasama na lumabas sina Tenho at Rosalie.
Siya ay nakasuot ng asul na gown at simpling pagkakaayos sa buhok niya, at suot ang kulay puting tiara.Maya maya nagsimula ang pagdiriwang. Ito ay nagsisimula sa mga tradisyonal na sayaw, at ilang mga pagtatanghal. Labis na pinaghandaan ito kaya maayos ang naging daloy at takbo,
Matapos ang lahat, umakyat sa entablado ang Hari at Reyna, kasama ang Crown Prince at Crown Princess pati na si Troy,
"Magandang gabi mga kaibigan. Maraming salamat sa inyong pagtanggap sa aming imbitasyon sa oras na ito. Nawa ay mabigyan ng maraming biyaya ang ating bansa, at sa aking apo na si Troy na sanay ay mabigyan ng masagana at mapagmahal na pamumuhay"
Ito ang indikasyon na nagsimula ang seremonya ng pagbati.
Bumaba ang Hari at Reyna saka naupo sa upuan nila. May upuan na naka laan para kina Marco at Alyana, sa gitna nila ay si Troy.
Tumugtog ang musika, at nagsimulang lumapit ang mga tao sa prinsipe.Samantala, nang hindi na mapansin ng marami dahil abala ang lahat, tumayo si Rosalie sa kinauupuan.
"Saan ka pupunta" tanung ni Tenho
"May pupuntahan lang ako sandali..." sabi niya at para hindi mahalata ng asawa iniwan niya ang hawak na purse sa upuan
"Hintay ka lang" saka niya sinabi
Lumakad siya sa gitna ng mga tao, at nakita si Isabelle.
"Anu na?" Tanung niya
"Maari na po kayong pumasok kamahalan" sabi niya
"Mag iingat po kayo" nag aalalang sinabi ni IsabelleKaya dumaan siya sa gitna ng mga tao, at saka pumasok, nakilala siya ng mga bantay ng pinto.
"May kukunin lang ako sandali" seryoso niyang sinabi
Nagtitiwala namang ang mga bantay sa kanya kaya pinayagan siyang pumasok.
Pumasok siya sa silid niya, agad siyang nagpalit ng damit ng isang courtlady. Tinangal ang bulaklak sa buhok at ang koronang suot. Saka maingat na naglakad papunta sa silid ni Alyana. Tahimik at walang tao.
Huminga siya ng malalim bago pumasok sa loob. Maganda at maayos ang loob ng silid. Hindi na siya nag aksaya pa ng oras, tumakbo siya papunta sa dressing room at sa make up table ay binuksan niya ang drawer nito.
Pero nanlaki ang mga mata niya ng hindi niya makita ang hinahanap.
Hinanap niya sa ibang drawer pero wala ito. Nakita niyang 15 minutes na ang lumipas, kaya inayos niya ang lahat, saka nagpasyang lumabas, pagbalik niya sa silid niya na wala nanv pag asa, nakita niya si Isabelle
"Anung nangyari?"
"Wala doon"
Nagulat si Isabelle
"Anu man yun... mag ayos na po kayo... maya maya ay matatapos na ang pagbati... " nagmadaling sinabi ni Isabelle at saka siya binihisan.
Ibinalik ang dating ayos niya, at balisa siyang bumalik sa pagdiriwang. Umupo siya sa tabi ni Tenho muli, at saktong natapos na ang pagbati.
YOU ARE READING
Royal Criminal Hearts
RomanceAfter her engagement to the prince was broken, she was then proposed to marry the second prince. This marriage changed her life and her all. She was then trapped in a place where their is too much competition not only in throne but also in heart...