Prologue

2.4K 132 2
                                    

Sabi nila kapag may umalis, may babalik. Kapag may babalik, may aalis. Kapag may mawawala, may darating, kapag may darating, may mawawala.

-Danni

Nakatingin ako ngayon sa harap ng salamin habang sinusuklay ko ang buhok ko. Sa isang taon at labing isang buwan na lumipas, humaba na rin sa wakas ang buhok ko pero gano'n pa rin ang kulay ng buhok ko, kulay blonde. Hindi ko na kasi ito pinakuluyan ulit dahil maganda naman at hindi naman ako maarte na kapag nagsawa, papalitan ng bago.

Nagpulbos ako at naglagay ng liptint sa labi ko. Natuto na rin ako maglagay ng liptint dahil kay Ate Thalia at Summer.

Actually, this day is Tita Kelly and Sir Toby's, wedding. Yes, finally, ikakasal na rin sila. Noong nakaraang taon lang din ipinanganak ni Tita Kelly ang anak nila na babae. Ang pangalan ay si Thiana Kalleya Montello.

Ang gandang pangalan, 'di ba? 1 year old na ito ngayon at super duper cutie na baby. Sarap nga palagi punutin pisngi niya e. Kaya minsan nagseselos si Taroy kay Thiana dahil hindi na siya nilalalambing ng Mama niya at dahil hindi na rin siya ang bunso. Sus! Ang tanda na niya para pagseselosan pa ang kapatid niya. May girlfriend na nga e.

Pagkatapos ko maglagay ng kulurete sa mukha ko, naglakad ako papunta sa loob ng walking in closet ko at kumuha ng isang silver heels na 3 inches lang ang taas. Naging maluho na ako sa mga girly things na 'yan dahil na spoiled na ako nina Ate Thalia, Summer, at ng mga babae ng mga ugok.

Hindi na nila ako nasasabihan ng tomboy dahil babaeng-babae na ang dating ko. Actually, hindi naman talaga ako tomboy nagsusuot lang ako ng mga panglalaking mga damit dahil gusto ko at habit ko, dahil ginagaya ko noon si Kuya. Pero minsan naman sinusuot ko pa rin ang bull cap ko lalo na iyong ni regalong bull cap sa akin nung 18th birthday ko.

Matapos kong maisuot ang silver heels ko, naglakad ulit ako palabas ng walking in closet at tiningnan ko sa salamin ang ayos ko. Nakasuot ako ng white dress dahil ito ang isusuot ng mga maid of honors. Isa kasi ako sa mga kinuha ni Tita Kelly na maging abay. Well, kahit ang mga babae ng mga ugok ay kinuha rin ni Tita Kelly.

"Tok! Tok! Tok!"

Napalingon ako sa pinto nang may kumatok dito.

"Pasok!" Sigaw ko at mula sa labas ng pinto, niluwa si Papa na nakasuot ng business suit.

"Papa.." 

Pumasok siya sa loob ng kwarto ko at naglakad palapit sa akin.

"You're so beautiful, anak." Papuri ni Papa sa akin at hinalikan niya ako sa noo ko.

"Salamat, Papa." Nakangiti na pagpapasalamat ko sa kaniya.

May business trip ngayon si Papa sa Hawaii kaya hindi siya makaka-attend sa kasal nila Tita Kelly. 3 days lang siya doon kaya sayang talaga. Sina Mama at Sammie naman hindi rin makakauwi dito sa Pilipinas para dumalo sa kasal, dahil may business na si Mom doon sa Paris na inaasikaso. Kaya wala na siyang time para umuwi pero nagpadala naman siya ng regalo para kina Tita Kelly at Sir Toby at gano'n rin si Papa sa kanila.

"Naghihintay pala si Henzein sa baba." Sabi ni Papa sa akin.

Napatingin ako sa wrist watch ko at pasado 7:20 am na. May 40 minutes pa bago kami dumating sa simbahan. 8:00 am kasi magsisimula ang kasal.

"Gano'n po ba, sige aalis na po ako, Papa. Mag-ingat po kayo sa Hawaii. I love you, Papa." Sabi ko kay Papa at hinalikan siya sa pisngi niya tsaka ko siya niyakap.

"I love you too, anak." Sabi niya naman pabalik at niyakap ako.

Hindi naman nagtagal ang yakapan namin dahil kailangan niya rin umalis. Kinuha ko muna ang sling bag ko na gucci sa side table, pagkatapos sabay kaming lumabas ni Papa sa kwarto ko.

Ang Astig Na Basagulerang Gangster Book 2 (Under-Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon