Chapter 38 (Masquerade Party)

281 49 0
                                    

Blast's (Point Of View)

Nandito kami ngayon sa tambayan. Pinag-uusapan namin ngayon ang about sa Masquerade Party na gaganapin sa Gang's Field. This event will be held tonight. Ia-announce kasi ang new Gangster King  at ang mga Top 10 Strongest Gangster Groups na nanalo sa laban nitong nakaraang buwan. May awards na matatanggap.

Syempre invited lahat ng mga Gangster Group kahit ang mga natalo sa laban.

"Okay na ba ang susuotin niyo?" Pagtatanong sa amin ni Trent habang umiinom ng beer in can.

"Yes. Pinaplantsa ko sa katulong namin kagabi 'yong susuotin ko." Sagot ni Kirby.

Speaking of Trent and Kirby. Sa wakas nagkabati na rin sila. Tinanggap na ni Trent si Kirby na boyfriend ng pinsan niya. Syempre, Alam kong hindi matitiis ni Trent si Rayzel. At isa pa, ang mga kaibigan hindi dapat nag-aaway dahil lang sa mababaw na dahilan.

Ako, Si Trent, Kirby, Winter, Spring, Taroy at Autumn lang ang andito.

Si Henzein sinamahan si Reeve. Dumating na kasi 'yong mga mask nasusuotin namin mamaya. Si Nathan naman mamayang hapon pa siya pupunta dito para mag-ayos.

Inubos ko ang kinakain kong eggpie at uminom ako ng sprite.

"Anyway, dadalo rin ba mamaya si Danni?" Pagtatanong ni Winter habang hawak ang gitara na pinapatugtog niya.

"Oo naman. Lahat ng mga Gangster ay pupunta." Sagot ko sa kaniya.

"Okay."

"Guys! Tingnan niyo ohh,"
Napatingin kami kay Taroy no'ng ipakita niya sa amin ang nabutas niyang slack na susuotin niya na sentro sa pwetan niya.

Napahagalpak naman ng tawa sina Autumn at Spring.

"Anong nangyari diyan?" Pagtatanong ni Trent sa kaniya.

Pfft!

"Hindi ko alam ngayon ko lang 'to nakita." Kamot-batok na sagot ni Taroy.

"I'm sure ang daga ang may gawa niyan. Pfft!" Natatawang sabi ni Autumn.

"Don't worry may extra slack pa naman ako. Ipapahiram ko na lang sa'yo mamaya." Sabi ni Trent.

"Thank you."

Tumango lang si Trent sa sinabi ni Taroy. Naglakad naman ang Pandak palapit kina Autumn at Spring na naglalaro ng chess at nakikain ng Popcorn na binili ni Spring.

Napailing na lang ako. Mukha talaga silang popcorn.

Napatingin ako kay Winter nang ilapag niya sa couch ang gitara niya at tumayo siya.

"Saan ka pupunta, Bro?" Pagtatanong ko sa kaniya.

"Bibili lang ako ng lunch natin." Sagot niya.

"Sasama ako sa'yo." Sabi ko sa kaniya na ikinatango niya. Tumayo rin ako sa pagkakaupo at sumunod kay Winter.

Palabas na kami ng Tambayan namin nang maramdaman ko ang pag vibrate ng cellphone ko sa bulsa ng pants ko. Kinapa ko ito at tiningnan kong sino ang nag message sa akin. Napangiti ako dahil si My Loves lang pala.

From: My Loves
Ingat sa pupuntahan niyo mamaya.
I love you.❤️😘

Ang sweet talaga ng girlfriend ko.

Nireplayan ko siya pabalik.

To: My Loves
I love you too, My Loves❤️😘
Mag-ingat ka rin. Huwag kang magpapagod.

Ang Astig Na Basagulerang Gangster Book 2 (Under-Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon