Chapter 5 (Frazee Marcello)

666 97 15
                                    

Danni's (Point of View)

“Bakulaw, kausapin mo naman ako.” Nakasimangot na sabi ko kay Bakulaw nang kalabitin ko siya sa balikat niya, habang nakaupo siya sa silya.

Kakatapos ko lang kumain dahil pinakain niya ako, pero mula pa kanina hindi pa niya ako pinapansin. Tsaka lang siya magsasalita kung may sasabihin lang siya sa akin. Paano kasi nagising siya at naabutan kami ni Trent na nagu-usap. Nagalit siya dahil hindi man lang siya ginising ni Trent para pagsabihan siya nito na gising na ako. Muntik pa ngang masapak si Trent kung hindi lang dumating ang nurse para i-check ang IV ko.

“Tsk.” Rinig kong asik niya at tinalikuran niya ako.

Humiga ako sa hospital bed at tinalikuran ko rin siya. Humarap ako kay Trent na nakanganga habang natutulog.

Oo, nakanganga! Ewan ko, pero gusto kong tumawa. Ito ang first time na makita ko si Trent na nakanganga habang natutulog. Kung hindi lang makirot at masakit ang katawan ko, nakunan ko na siya ng litrato. Mabuti walang laway na tumutulo. Pffft!

“Stop staring at him.” Rinig kong sabi ni Bakulaw sa malamig na boses.

Naramdaman ko ang paglundo ng hospital bed nang umupo siya. Hinawakan ni Bakulaw ang ulo ko at pinaharap sa kaniya.

“Sa akin ka lang pwede tumingin. Understand, Labs?”

Ngumuso ako at kinirot ang kanang pisngi niya na ikinaaray niya. Kaya natawa ako. Umaandar na naman ang pagkaseloso niya.

“Paano kasi hindi mo ako pinapansin kaya kay Trent na lang ako bumaling ng tingin. Sorry na kasi,”

Nilapit niya ang mukha niya sa akin at mabilis niya akong hinalikan sa labi ko.

“Lagi mo na lang akong pinapaselos kaya hindi ko mapigilan na magtampo sa'yo.” Sabi niya at piningot ang ilong ko.

Aba! Bumawi ang Bakulaw ko.

“Hindi mo kailangan magselos. Alam mo namang ikaw lang ang mahal ko 'di ba?”

“Tsk. Mabuti na 'yong nakakasigurado.” Sabi niya at nagnakaw ng tingin kay Trent na ikinailing ng ulo ko.

“By the way, how's your condition now?”

“Hindi ko masyado magalaw-galaw ang baywang ko at dalawang tuhod ko, makirot kasi. Tapos, feel ko nanghihina ang ako. Pero medyo nabawasan ang sakit ng buong katawan ko nang painumin mo ako ng gamot.” Sagot ko sa kaniya.

“Kaya nga kailangan mong magpahinga at inumin ang mga gamot mo para gumaling ka.”

Niyuko niya ang ulo niya at pinagdikit niya ang noo naming dalawa.

“I love you, Labs.”

Napangiti ako at inamoy ko ang bibig niya na amoy menthol.

“I love you too, Bakulaw ko.”

Nilingkis ko ang dalawang kamay ko ng dahan-dahan sa leeg niya na ikinangiti niya. Hinalikan niya ang tungki ng ilong ko bago bumaba ang halik niya sa labi ko. Tumugon ako sa halik ni Bakulaw at pinikit ko ang mga mata ko.

Narinig ko ang pagbukas ng pinto na ikinabitaw ng paghalik ko sa kaniya. Bitin niya naman akong tiningnan sa mga mata ko.

“Why, Labs?”

Bago pa ako makasagot sa kaniya, may tumikhim mula sa likod niya na sabay naman naming ikinalingon.

Nakaramdam ako ng hiya dahil sina Kuya Reeve ang pumasok kasama ang mga ugok at ang mga babae nila.

“Mukhang naistorbo namin kayo ha,” Sabi ni Spring at sumipol-sipol pa habang nakapamulsa.

“Tsk.” Rinig kong asik ni Bakulaw at umupo siya ng maayos sa hospital bed ko. Nagsitilian naman sina Ate Thalia na ikinakamot ko sa ulo ko.

Ang Astig Na Basagulerang Gangster Book 2 (Under-Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon