Chapter 45 (Leaving)

259 46 0
                                    

Thalia's (Point Of View)

Naglilinis ako ng kwarto ko nang biglang sumakit ang tiyan ko kaya napatigil ako sa pagpunas sa glass window at napahawak sa tiyan ko.

Nabitawan ko ang hawak kong basahan ng bumaba ang tingin ko sa ilalim ng hita ko. Nanlaki ang dalawang mata ko nang makita kong may pumatak na dugo sa sahig.

Dinudugo ako.

Nanginig ang dalawang tuhod ko at nag-umpisa ng mangilid ang luha ko.

"Mama! Papa! Tulong!"

Hindi ko alam ang gagawin ko parang nanghihina ako. Sana wala mangyari sa pinagbubuntis ko.

Napatingin ako sa pinto ng kwarto ko nang bumukas ito.

"Anak, Bakit mo ka.... JUSKO! DINUDUGO KA!"

Mababakas sa mukha nina Mama at Papa ang gulat. Tumakbo papasok sa loob ng kwarto ko si Papa at lumapit sa akin tsaka niya ako binuhat.

"Thalia, Anak, huwag kang mag-alala dadalhin ka namin ng Papa mo sa hospital."

Narinig ko pa ang huling sinabi ni Mama bago ako nawalan ng malay.

--

Unting-unti kong dinilat ang dalawang mata ko at bumungad sa akin ang nakakasilaw na liwanag ng ilaw. Nilibot ko ang paningin ko sa kabuuan ng kwarto at huli ko na napagtanto na nasa hospital pala ako.

Napatingin ako sa pinto ng bumukas ito at mula sa labas pumasok ang doktor, si Mama, at si Papa na may mababakas na pag-alala sa mukha nila. Naglakad sila papunta sa akin habang nakahiga ako sa hospital bed.

"Hija, Kamusta ang pakiramdam mo may nararamdaman ka pa bang kakaiba?" Pagtatanong sa akin ng doktor.

"Wala na po, doc. Nawala na rin 'yong pagsakit ng tiyan ko." Sabi ko kay doc bigla ko namang naalala ang pinagbubuntis ko.

"Don't worry, Hija. Ayos lang ang pinagbubuntis mo. Maybe, next time you need to care yourself and don't be stress too much. Baka maging komplikado na ang pinagbubuntis mo. Kailangan mo ring mag morning exercise at kumain ng masustansiyang pagkain para kapag lumabas na ang baby niyo healthy siya at walang sakit."

Napangiti naman ako sa sinabi at advice ni Doc.

"Thank you po." Pagpapasalamat ko sa kaniya.

"You're welcome, Hija."

After naming makapag-usap ni Doc nagpaalam na siya sa amin na aalis na dahil may pasyente pa siyang iche-check up.

Umupo si Mama sa tabi ko at hinaplos ang buhok ko.

"Anak, Salamat sa diyos at walang nangyari sa pinagbubuntis mo."

"Opo, Ma. Thank you sa pagdala niyo sa akin dito sa hospital." Nakangiti na pagpapasalamat ko sa kanila ni Papa.

"Anything for you, Anak." Sabi naman ni Papa sa akin.

Sabay kaming napatingin sa pinto nang bigla itong bumukas at mula sa labas humahangos na pumasok si Reeve.

Nabuhayan naman ang loob ko nang makita ko siya.

"Reeve.."

Nang matuon ang tingin niya sa akin naglakad siya palapit sa akin at mabilis niya akong niyakap. Niyakap niya naman ako pabalik.

"Ahmm.. Anak, lalabas muna kami ng Papa mo." Pagpapaalam ni Mama at tumayo siya. Tumango naman ako sa kaniya.

Naglakad na sila palabas ni Papa sa room ko. Pagkasara ng pinto kumalas sa pagkakayakap sa akin si Reeve.

Ang Astig Na Basagulerang Gangster Book 2 (Under-Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon