Chapter 37 (Brat And Bitch)

275 46 1
                                    

Via's (Point Of View)

"Thank you, Danielle." Nakangiti na pagpapasalamat ko kay Danielle nang pagbuksan niya ako ng pinto ng kotse at tinulungan niya ako palabasin.

"You're welcome, Via. Anything for you."

Si Danielle hindi na niya ipinagpatuloy ang pagko-kolehiyo niya. Si Lola Olivia na nga ang magpapa-aral sa kaniya pero mas pinili na lang niya ang mag serbisyo kay Lola. Malaki daw ang utang ng loob ng pamilya ni Danielle kay Lola kung hindi daw dahil dito baka natuluyan na silang nalugmok sa kahirapan nang oras na walang-wala sila. Kaya nga ang kapalit ng pagtulong ni Lola Olivia sa pamilya niya ay ang pagserbisyo niya rito. Kung alam niyo lang mas matalino pa sa akin si Danielle.

Oo nga pala siya ang naghatid sa akin sa SEGU kaya kasama ko siya ngayon.

"Via!"

Sabay kaming napalingon ni Danielle kay Blast na kakalabas lang sa driver seat ng kotse niya. Naglakad siya palapit sa amin.

"Good Morning." Nakangiti na pagbati ko sa kaniya at hinalikan ko siya sa pisngi niya.

"Psh. Walang good sa morning." Parang nababagot niyang sabi.

"Ahmm.. Via mauna na pala ako. Susunduin na lang kita mamayang hapon."

Hinarap ko naman si Danielle.

"Thank you again, Danielle."

"No need to fetch her. Ako ang maghahatid sa kaniya. Because, I'm her BOYFRIEND." Pagdidiin ni Blast sa huling sinabi niya na ikinasiko ko sa kaniya.

Ang sama niya talaga kay Danielle kahit ang bait naman ng tao sa kaniya.

"Okay, If that what you want. Hindi ko na susunduin pa si Via mamaya."

Hindi ko pala nasabi na sa mansion ni Lola Olivia na ako tumitira. Gusto kasi ni Lola na doon na ako tumira para magkasama na kami.

Nang makaalis na si Danielle naglakad na kami ni Blast papasok sa loob ng main gate ng SEGU na magkaholding hands.

"Alam mo ang sama mo kay Danielle. Ang bait niya sa'yo tapos inaaway mo siya,"

"Tsk. Hindi mo ba napapansin may crush siya sa'yo kaya naiinis ako sa kaniya dahil baka agawin ka niya sa akin,"

Napangiti naman ako sa sinabi niya.
Nagseselos lang pala ang Blast ko. Pero, may naisip akong kalukuhan ngayon.

"Ano ka ba crush niya lang ako ikaw naman ang mahal ko. Pero, pwede ko naman siyang i-crushback."

Napatigil siya sa paglalakad at hinarap ako.

"Anong sabi mo!"

Natawa ako at bumitaw ako sa pagkakahawak sa kamay niya tsaka ako tumakbo palayo sa kaniya habang tumatawa.

"Takbo, My Loves. Kapag nahuli kita lagot ka sa akin!"

Pinatitinginan na kami ng ibang mga student pero ini-ignore ko lang kapag nadadaanan ko sila.

Liliko na sana ako sa kabilang hallway nang may mabangga ako at pareho kaming napaupo sa lupa.

"Ouch, my butt!"

Napahawak naman ako sa binti ko nang bigla itong sumakit. Napaangat naman ang tingin ko sa taong nakabangga ko na walang iba kundi si Sophie. Naga-alburuto sa galit ang mukha niya ng tumingin siya sa akin ng masama. Tinulungan naman siya ng dalawang kaibigan niya na patayuin.

Ang Astig Na Basagulerang Gangster Book 2 (Under-Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon