Chapter 43 (Against)

256 48 0
                                    

Danni's (Point Of View)

Napakutkot ako ng kuko ko dahil sa kabang nararamdaman ko. Ewan ko nga ba kung bakit kinakabahan ako na hindi naman dapat.

Nag message ako kay Zen-Zen na magkita kami sa garden ng school dahil nakapag decide na ako about sa pagpre-pretend ko na girlfriend niya. Suntok man sa buwan itong naging desisyon ko pero sana balang araw maintindihan rin ako ni Bakulaw.

Napangiti ako nang makita ko si Zen-Zen na nakaupo sa bench na nakatalikod sa akin. Malalim ata ang iniisip niya dahil hindi man lang niya na fe-feel ang presence ko.

"Zen-Zen.."

Nang sambitin ko ang palayaw ko sa kaniya napalingon siya sa akin at napatayo pa siya nang makita ako.

"Dan-Dan, andito ka na pala."

Tumango ako sa sinabi niya at pinaupo siya ulit sa bench tsaka ako tumabi sa kaniya.

"Pinapunta kita dito kasi para malaman mo ang sagot ko. Nakapag decide na ako Zen-Zen. Alam ko na ang desisyon kong ito ay ikakasama ni Henzein pero, ginagawa ko 'to para bumawi sa'yo dahil malaki rin ang utang na loob ko sa'yo no'ng mga bata pa tayo."

Nginitian ko si Zen-Zen kahit mababakas sa mukha niya ang kalituhan.

"Pumapayag na ako na magpanggap na girlfriend mo."

Nakita ko ang panlalaki ng mga mata ni Zen-Zen at ang saya na nababalot sa kaniyang mukha. Nabigla naman ako nang yakapin niya ako.

"Thank you so much, Dan-Dan. Don't worry kapag nilayuan na ako ni Bianca ititigil na natin ang pagpapanggap. Hindi mo alam kung gaano mo ako pinasaya ngayon at sobrang thankful ko dahil pumayag ka."

Naramdaman ko naman ang paghaplos niya sa likod ko.

"Basta huwag na huwag mong sasabihin 'to kay Henzein. I'm sure na magagalit siya sa akin. Hindi pa ako ready na i-explain ito sa kaniya."

Naramdaman ko naman ang pagtango ng ulo niya.

"Sure. Our secret is safe to me, Dan-Dan."

Kumalas si Zen-Zen sa pagyakap sa akin at nagulat ako nang halikan niya ako sa pisngi ko.

"What is the meaning of this?!"

Napatigil kami ni Zen-Zen ng dumagungdong ang galit na boses ni Bakulaw. Nilingon ko si Bakulaw at mababakas sa mukha niya ang galit. Napatingin ako sa dalawang kamay niya na nakakuyom.

Tumayo si Zen-Zen at bago pa siya magsalita pinutol ko na. Sinabihan ko siya na ako na ang kakausap kay Bakulaw na ikinatango naman niya. Tumayo ako at naglakad palapit kay Bakulaw at hinawakan ko ang dalawang braso niya.

"Are you cheating on me?!" Galit na pagtatanong niya sa akin.

"Bakulaw, makinig ka muna sa akin 'yong nakita mo wala iyon as best friend lang 'yon."

"As best friend?"

Napatawa ng pagak si Bakulaw na ikinalunok ko.

"I don't trust him, Danna. Simula ng bata pa tayo balikid na talaga si Jayzen sa atin kaya sana hindi mo na lang siya nakilala sana hindi pa ako nahihirapan ng ganito ngayon! He's a useless person for me."

Hindi ko alam pero nasaktan ako sa sinabi ni Bakulaw. Nilingon ko si Zen-Zen na nakayuko. Hinarap ko ulit si Bakulaw.

"Hindi ko alam kung bakit nasasabi mo iyan, Henzein. Ang bait-bait sa'yo ng tao tapos susuklian mo lang ng masamang ugali mo. He's not a useless, because he's worth it. Kung nagseselos ka sa kaniya, please lang Henzein itigil mo na. Huwag naman sana umabot sa punto na magkahihiwalay tayo dahil sa pagseselos mo."

Ang Astig Na Basagulerang Gangster Book 2 (Under-Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon