Continuation...
Danni's (Point Of View)
Pilit kong nginitian si Ate Thalia kahit may kabang nararamdaman ako sa kaloob-looban ko.
“Bakit nandito kayo?” Pagtatanong niya sa amin ni Henzein.
Tumikhim muna ako bago tumayo ng tuwid.
“Nandito kami para pag-usapan ang tungkol sa inyo ni Reeve.”
Nilingon ko si Bakulaw at kinirot ang tagiliran niya. Nakangiwi niya naman akong nilingon.
“Why?”
Nag-tiptoe ako para bulungan siya.
“Ako dapat magsasabi niyan kay Ate Thalia, pero inunahan mo ako.”
Mahina siyang natawa at ginulo ang buhok ko kaya sinamaan ko siya ng tingin.
“Ang bagal mo kasi kaya ako na ang sumagot sa kaniya.”
Napabuntong-hininga na lang ako at hinarap ulit si Ate Thalia na naghihintay na sa susunod na sasabihin ko ata.
“Totoo po ang sinabi ni Henzein, Ate Thalia. Pumunta kami rito para kausapin ka tungkol kay Kuya Reeve.”
Nakita kong napakutkot ng kaniyang kuko si Ate Thalia. Ano kaya lasa niyan?
“A-Ahh, okay. Maupo muna kayo sa sofa.” Sabi niya sa amin.
Hinawakan ko ang kanang kamay ni Bakulaw at hinatak na siya papunta sa sofa at pinaupo. Umupo din ako sa tabi niya. Si Ate Thalia naman sa single na sofa umupo sa harap namin.
“What about him?” Pagtatanong ni Ate Thalia sa seryosong boses.
Kapag talaga kumausap si Ate Thalia sa seryosong salita hindi ka dapat magbibiro sa kaniya.
“Ate Thalia ang totoo wala talaga akong balak na puntahan ka. Pero nang dahil kay Kuya Reeve naglakas loob akong puntahan ka rito para kausapin ka. Naaawa na kasi ako sa kaniya simula nung mag-cool off kayo araw-araw na siyang naglalasing. Ni hindi na nga siya kumakain ng tatlong beses sa isang araw dahil sa kakaisip sa inyo. Ate Thalia, ayoko magkasakit si Kuya Reeve nang dahil lang sa mababaw na problema niyo. Please po, ako na ang nakikiusap sa inyo. Bigyan niyo po ng second chance si Kuya Reeve. Alam kong mahal na mahal niyo siya at alalahanin niyo anim na taon na kayong nagmamahalan. Ngayon pa ba kayo susuko kung kailan pwede na kayo magkaroon ng pamilya, mahal na mahal ka ni Kuya Reeve, Ate Thalia. Lahat gagawin niya para lang sa'yo. Oo nagselos siya at may sinabi siyang masamang salita sa'yo. Pero, Ate Thalia, nasabi niya lang iyon dahil sa galit na nararamdaman dahil ayaw niya may kahati siya sa puso mo. Oo, lahat tayo dumadaan sa komplikadong relasyon pero kapag inunawa niyo ang isa't-isa mas tatatag ang relasyon niyong dalawa.”
Nakikita ko sa mga mata ni Ate Thalia ang pagkabigo sa maling desisyon niya habang umiiyak siya.
Alam ko naman na hindi niya matiis si Kuya Reeve siguro dahil sa pag-cool off nila ni Kuya Reeve mapapatunayan niya kung gaano nga siya nito kamahal. Pero, para sa akin hindi na dapat pang nag desisyon si Ate Thalia na mag cool off sila ni Kuya Reeve, kasi kung hindi siya mahal ni Kuya Reeve bakit umabot pa sila ng anim na taon 'di ba? Alam kong hindi na dapat ako pumakialam sa relasyon nila pero pinsan ko si Kuya Reeve. Malaki ang utang na loob ko sa kaniya kaya ngayon it's pay back time. Ako naman ang tutulong para sa kaniya.
“I'm sorry.” Tanging na sabi lang ni Ate Thalia habang nagsisilaglagan na rin ang mga luha niya sa kaniyang pisngi.
Tumayo ako sa pagkakaupo at naglakad palapit sa kaniya. Umupo ako sa arm rest ng sofang inuupuan niya at niyakap ko siya sa mula sa likod niya.
BINABASA MO ANG
Ang Astig Na Basagulerang Gangster Book 2 (Under-Editing)
RomanceAkala ni Danni hindi na magbabago ang buhay niya. Simula nung bigyan siya ng Papa niya ng kondisyon para sa kaniya upang maipakita niya na kaya niya ang sarili niya na mag-isa na walang tulong ng kaniyang mga magulang at may ipagmamalaki siya sa pam...