Chapter 10 (Investigate)

518 85 6
                                    

Spring's (Point of View)

Mugto ang dalawang mata ko nang gumising ako. Actually, madaling araw na ako nakatulog dahil sa kakaisip kay Clarissa. Nung isang araw pa niya hindi sinasagot ang tawag ko kahit ang message ko kaya sobrang nag-alala na ako. Nag-iwan ako ng voice message sa kaniya, pero wala akong natanggap mula sa kaniya.

Pabalik-balik akong naglalakad sa rooftop. Pagkagising ko dito agad ako nagpunta para makita ko ang pagsikat ng araw.

Sana naman hindi ko rin siya po-problemahin, kay Summer pa lang nga problemado na ako. Masisiraan na ata ako ng ulo. Wala pa naman sina Mom at Dad para gabayan siya, kami na lang ni Winter ang gumagawa. Nagbakasyon kasi sila sa Japan. Si Autumn naman hindi namin iyon maaasahan panay kasi ang dikit kay Rhiane. Natatakot may lumapit na lalaki sa girlfriend niya kaya bantay-sarado si Rhiane sa kaniya.

Wala e. Gano'n talaga kami magmahal isang babae lang at seloso kami pagdating sa kanila. Wala kaming pakialam sa estado ng buhay nila dahil unang-una sa lahat, hindi naman iyan ang minahal namin sa kanila kundi ang puso nila, kung ano ang pagkatao nila.

“Is there any problem, Spring? Kanina ka pa pabalik-balik sa nilalakaran mo.”

Napatigil ako sa ginagawa ko at nilingon ko si Winter.

Yeah. Boses pa lang niya kilalang-kilala ko na. Siya lang naman ang malamig magsalita sa amin, pero minsan may topak rin.

Naglakad siya palapit sa akin habang nakapamulsa. His ash hair is messy at halatang hindi pa siya nagsusuklay. Kung ano ang boses niya, gano'n rin ang makikita sa mukha niya. A serious with cold face.

“Yeah. Si Clarissa.” Pagsagot ko sa kaniya at humarap ako sa railings tsaka ko sinandal ang dalawang siko ko rito.

“What about her?” Naramdaman ko ang pagtabi niya sa akin.

“Hindi niya sinasagot ang mga tawag ko kahit ang mga message ko hindi niya nirereplayan. Sobrang nag-aalala na ako sa kaniya.”

Narinig ko ang paghinga niya ng malalim.

“Bakit hindi mo siya pumunta sa kanila? Para malaman mo kung ano ang problema niya.”

Napaisip naman ako. Oo nga ''no!
Bakit hindi ko 'yan naisip kanina? Si Clarissa lang naman kasi ang laman ng isip ko.

“Sige. Thanks, Brad sa pagpapaalala.”

Nakipag fist bump ako sa kaniya.

“Pero bago ka pumunta sa kanila, mag-umagahan ka muna.”

Napakamot naman ako sa batok ko. Hindi pa pala ako nakapag breakfast. Hehe.

Fast Forward...

Nandito na ako ngayon sa harap ng bahay nila. Binaba ko ang bintana ng kotse ko at dumungaw sa bahay nila na wala pa ring pinagbago.

Bakit pa sila nagtitiis na tumira dito sa squatter? Hindi sa ina understimate ko sila. Like what I'm said earlier, wala akong pakialam sa estado ng buhay nila. Nag-aalala lang ako sa kalusugan nila. Of course, ayoko na magkasakit siya. Paano na lang ako kapag nagkasakit siya?

Kinuha ko ang susi ng kotse ko at sinuksok ko sa bulsa ng pants ko. Binuksan ko ang pinto ng kotse at lumabas ako tsaka ko ito sinara.

Maraming mga tao at kabataan na ang nasa kalsada. Mayroon pa ngang naglalaho ng pandesal at taho. Nagtatahulan rin ang mga aso at mga pusang nagsisitakbuhan dahil hinahabol ng mga ali.

Squatter life is happy even it's hard. At iyan ang nakikita ko sa mga tao rito.

Nakapamulsa akong naglakad papunta sa bahay nila. Naramdaman ko ang mga tingin nila sa akin lalo na ang mga taong nasa bintana ng bahay nila pero binaliwala ko na lang.

Ang Astig Na Basagulerang Gangster Book 2 (Under-Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon